You are on page 1of 2

Cupid at Psyche

Pangunang pagsuri:

I. pamagat: Cupid at Psyche

may akda: lucius apuleius Madaurensis

Uri ng pantikan: Mitolohiya

Bansang pinagmulan: Roma, Italy

Layunin ng Akda: ipamulat salahat na ang tiwala ang nag-iisang matatag na instrumento sa isang matatag
na pag-ibig.

II. tema o paksa ng akda: Wagas na pag-ibig na nababalutan ng katapatan at pagtitiwala

Mga tauhan sa akda: Cupid, Psyche, Venus, ama ni psyche at ang kanyang dalawang kapatid na babae,
apollo, zephyr,at persophina.

tagpuan/panahon: malamig na gabi, sa palasyo na matatagpuan sa pusod ng bundok.

Balangkas ng mga pangyayari: 1. May isang napakagandang mortal na tinatawag na Psyche. Lubha siyang
maganda kaya't nakakalimutan na ng lahat ang mag-alay sa Diyosa ng kagandahan na si Venus dahil
nandoon na kay Psyche ang kanilang oras. Nagalit si Venus kaya't inutusan ang anak na si Cupid na
paibigin si Psyche sa isang nakakatakot na nilalang.j

2. Hindi sinunod ni Cupid ang utos ng ina dahil siya man ay napaibig din sa ganda ni Psyche ngunit ito ay
nanatiling lihim mula sa kanyang ina.
3. Dahil labis na nabagabag ang ama ni Psyche kung bakit walang lalaking umiibig sa kanya kaya humingi
siya ng payo kay Apollo at siya'y sinabihan na dalhin si Psyche at damitan ng maganda sa isang bundok.

4. Imbes na mapahamak sa bundok ay doon pa niya nakilala ang lalaking magpapaibig sa kanya at
nagdala kay Psyche sa palasyo ngunit hindi pa nagpapakita ang lalaki sa kanya.

5. Dumalaw ang mga kapatid ni Psyche at sinulsulan siya na alamin ang pagkatao ng asawa dahil baka ito
ay halimay at sinunod naman ito ni Psyche resulta kung kaya't nasaktan niya si Cupid at umalis.

6. Pumunta si Psyche sa kaharian ni Cupid upang suyuin ito ngunit pinahirapan lamang siya ni Venus at
kung anu-anong pagsubok ang binigay.

7. Nang malaman ni Cupid na nandoon ang asawa ay agad niya itong tinulungan at hiniling mula kay
Jupiter ang ambrosia, isang pagkain upang magiging imortal.

8. Simula sa araw na iyon ay naging imortal na si Psyche at namuhay sila ng maligaya.

kulturang masasalamin sa akda: paniniwala sa diyos at diyosa.7

III. Mga kaisipan/ ideyang taglay ng akda: Sa bawat pag-ibig ay may pagtitiwala

Estilo ng pagkakasulat ng akda: naghayag ng kahinaan, kalakasan at katangian ng tao. Nagbigay ideya
hingil sa paniniwala,kaugalian at tradisyon.

Pangalawang Pagsuri:

Ang bahagi ng format na ginamit sa pagsuri

You might also like