You are on page 1of 1

Bakit ganon ang hustisya sa ating bansa?

Mahirap ba siya kaya hindi niya makamit ang


hustisyang kanyang hinihiling? o Mayaman siya kaya pera na lamang niya ang kapalit ng
hustisyang lahat ay minimithi? Nakasilip nga ba ang tagahatol mula sa kanyang pagkapiring?
Kaya't pagkamit sa hustisya ay sadyang kay hirap kunin? Sa panahon ngayon, tayong mga
kabataan ay naghahanap rin ng hustisya at katarungan sa ating buhay. Dahil isa narin ako sa mga
kabataang iyon. Mga kabataang naghahangad lamang na makapag-aral sa buhay para maiahon
nila ang kanilang pamilya at sarili sa kahirapan. Pero bakit ganon? Sa bawat pagpasok natin sa
paaralan may paborito na agad ang guro. May natipuan na agad na magandang estudyante ni Sir
na lagi niyang binibida sa eskwelahan.Bakit ganon? Pag maganda na, puwede ka nalang pumasa
ng mga takdang-ralin at mga proyekto kung kailan mo gusto? Bakit ganon? Pagkilala ka ng lahat
pati na ng mga guro ay puwede kanang gumawa ng bagay na gusto mo, mataas na agad ang
grado mo pag malapit ka sa kanila? Bakit ganon? Yan ang mga bagay na tanong nating mga
estudyante. Tayong lahat ay nagtatanong kung bakit hindi pantay-pantay ang pagtingin nila sa
ating mga tao.

You might also like