You are on page 1of 1

“WIKANG PILIPINO, NASAAN KA SA KABATAAN NGAYON?

Kasabay ng proseso, ay ang pag unlad ng kultura at ng


pamumuhay ng mga tao, ngunit kasabay din ba nito ang paghina ng
Wikang Pilipino?. Ang Wikang Pilipino ay ang pambansang wika at isa sa
mga opisyal na wika ng Pilipinas. Ang layunin ng Wikang Pambansa ay
ang pagpapalaganap ng pagkakaisa at pagkakapatiran sa isang bansa.
Ngunit paano nalamang kung ang Wikang Pilipino ay tila unti na ngang
humina?.

Sa makabagong panahon ngayon maaari nating ihalintulad ang


libro bilang ating Wikang Pilipino at ang teknolohiya naman na syang
nagpapahina ditto. Kakaunti na lamang sa mga kabataan ang
gumagamiy ng libro upang mangalap ng iba’t-ibang kaalaman,
samantalang karamihan naman ay gumagamit ng iba’t ibang
teknolohiya. Iba-ibang mga teknolohiya ang maaari nating gamitin at
iba-iba rin ang maaari nating gawin ditto kaya’t. Higit itong ginagamit
kaysa sa libro. Sa makatuwid ay kaunti nalamang sa atin ang gumagamit
ng sarili nating wika. Isa pang halimbawa ay ang pag usbong ng iba’t-
ibang wika tulad ng mga pinagbalibaliktad na salita. Halimbawa na
lamang nito ay ang salitang “LODI” (idol), “Petmalu” (malupet) at
“werpa” (pawer/power), isa itong katibayan na ang pagbabago ay
maaaring magturo sa ating kabataan ng iba’t-ibang kaalaman sa buhay.
Bagamat masasabing isa ito sa mga epekto ng pagbabago, naway hindi
ito maging daan upang lubusang kalimutan an gating sariling wika, at
naway matuto tayong lumingon sa ating pinanggalingan at mahalin ang
ating sariling salita.

You might also like