You are on page 1of 1

Panunumpa ng

Katapatan
Bilang pagkilala at pagdakila ko sa karunungang aking nakantam sa aming

paaralan kaming nagsipagtapos ngayon ay buong pusong nangangako na

mamahalin at paglilingkuran ng tapat ang aming paaralan, bayan at Diyos

na kataas-taasan. Nangangako rin kami na magiging matapat sa pagtupad

sa mga kabutihang asal at mga mabubuting halimbawang iniwan ng mga

bayani na ikinintal sa aming isipan upang maging kapuri-puri ang aming

sarili sa lahat ng mga mamamayan at sa ikaluluwalhati ng Diyos. Ang lahat

ng ito ay aming tutuparin sa awa at tulong ng makapangyarihang Diyos

upang maging karapat-dapat kami sa paglilingkod sa tao at bayan.

You might also like