You are on page 1of 2

TT67: Kanino ka naglilingkod?

(Who do you serve?)
Posted on November 30, 2016 by Jennifer
19 
“Huwag kayong mag-impok ng mga kayamanan dito sa lupa; dito'y may naninirang insekto at
kalawang, at may nakakapasok na magnanakaw. 20 Sa halip, mag-impok kayo ng kayamanan sa
langit; doo'y walang naninirang insekto at kalawang, at walang nakakapasok na
magnanakaw. 21 Sapagkat kung saan naroroon ang iyong kayamanan, naroroon din ang iyong
puso.” – Matthew 6:19-21 MBB

Sa trabaho, pagkatapos kong tanungin ang supervisor namin tungkol sa aking ginagawa, pa-
sarkastiko niyang sinabi sa akin ang ganito:

“Ako, walang anak. Si R, walang anak eh ikaw? Intindihin mong mag-isa ang trabaho mo…” It
is another way of saying that your life and your family’s depends only in your salary. Ansakit
‘no? This person kasi, grabe ang tiwala niya sa sarili niya dahil napagsikapan niya ang buhay
niya and he made it to the top because of it.
Still, I would argue that our lives do not depend on our salary and on our positions and on how
high we have achieved in school and in our companies. Without God, you are still
nothing! Tama na natutulungan mo ang pamilya mo. Tama na nabibili mo ang mga kaibigan mo.
Tama na hindi ka nagigipit dahil umaapaw ang pera mo because of your position in the
company… But to think that everything happens because of YOU is a very foolish thing.
Your brilliantness together with your position will going to fade once the company dissolve.
Lahat ng tinatangkilik mo ay temporary lamang. Lahat ‘yan ay lilipas…

This is why the Bible reminded us na mag-ipon ng kayaman sa langit. Doon, hindi yan iipisin.
Doon hindi ‘yan dadagain.  Ibibilang Niyang kayaman ang pagtulong sa kapwa at ang pagiging
mabait sa iba o maging ang pagsisikap mo for the Kingdom of God.

And unless that you remember who gives you all things, at the end of it all you will remain as
miserable as you are before, perhaps even worst! I know that you seek happiness through
nightlife, through your barkadas and through all that your money can buy… Alam ko ‘yan dahil
galling din ako diyan noon and I can tell you, kapag lumipas na ang isang happenings malungkot
ka na naman and in order for you to be happy again, magsi-seek ka ulit ng another happenings.
Inuman, kantahan, sayawan, at iba pang mga karimarimarim na gawain na magpapasaya lamang
sa iyo for a little while.

The truth is, tinatakpan lamang nito ang kahungkagan sa loob mo but it will never really satisfy
you nor even give you peace. You will still feel hollow within!

I am proud to say na hindi ako naglilingkod sa tao, hindi ako naglilingkod sa kumpanya na
mayroon ako ngayon, naglilingkod ako sa Diyos na Siyang may hawak ng aking seguridad.
Hindi ako kumakapit sa sweldo na kayang ibigay ng aking kumpanya sapagkat alam kong
ginagawa lamang silang daluyan ng pagpapalang mula sa aking Ama sa langit. Sa kanilang
pananaw hawak nila ang kinabukasan ko at ng aking mga anak. Sa kanilang pananaw, patay-
gutom kaming umaasa lamang sa kanila na para bang nag-iisa lamang silang kumpanya sa
mundo.

Pero sa pananaw ko, ang Diyos na Siyang nagdala sa akin sa kumpanyang iyon–ang Diyos na
kasama ko  sa panahon ng aking pag-a-apply hanggang sa kinalalagyan ko sa ngayon–ang Siya
ring mag-iingat, magpo-provide, mag-aalaga at magsi-secure sa akin sa hinaharap. Strange as it
may seems but I have proven it to myself many times na hindi Niya kami iiwan at hindi Niya
kami pababayaan.

So my loyalty and my service will forever be to Him and for Him.

Sino ba ang pinaglilingkuran mo?

You might also like