You are on page 1of 16

5

Musika
Ikatlong Markahan – Modyul 1:
Pagtukoy sa Payak na
Anyo ng Musika
Filipino – Ikaapat na Baitang
Alternative Delivery Mode
Ikatlong Markahan – Modyul 1: Pagtukoy sa Payak na Anyo ng Musika
Unang Edisyon, 2020

Isinasaad sa Batas Republika 8293, Seksiyon 176 na: Hindi maaaring magkaroon ng
karapatang-sipi sa anomang akda ang Pamahalaan ng Pilipinas. Gayonpaman, kailangan muna ang
pahintulot ng ahensiya o tanggapan ng pamahalaan na naghanda ng akda kung ito ay pagkakakitaan.
Kabilang sa mga maaaring gawin ng nasabing ahensiya o tanggapan ay ang pagtakda ng kaukulang
bayad.

Ang mga akda (kuwento, seleksiyon, tula, awit, larawan, ngalan ng produkto o brand name,
tatak o trademark, palabas sa telebisiyon, pelikula, atbp.) na ginamit sa modyul na ito ay nagtataglay
ng karapatang-ari ng mga iyon. Pinagsumikapang matunton ang mga ito upang makuha ang pahintulot
sa paggamit ng materyales. Hindi inaangkin ng mga tagapaglathala at mga may-akda ang karapatang-
aring iyon. Ang anomang gamit maliban sa modyul na ito ay kinakailangan ng pahintulot mula sa mga
orihinal na may-akda ng mga ito.

Walang anomang parte ng materyales na ito ang maaaring kopyahin o ilimbag sa anomang
paraan nang walang pahintulot sa Kagawaran.

Inilathala ng Kagawaran ng Edukasyon


Kalihim: Leonor Magtolis Briones
Pangalawang Kalihim: Diosdado M. San Antonio

ELEMENTARY MODULE DEVELOPMENT TEAM


Awtor : Lalaine C. Reyes
Co-Awtor - Content Editor : Pauline B. Roxas, EdD.
Co-Awtor - Language Reviewer : Pauline B. Roxas, EdD.
Co-Awtor - Illustrator : Lalaine C. Reyes
Co-Awtor - Layout Artist : Lalaine C. Reyes
DISTRICT MANAGEMENT TEAM:
District Supervisor, Abucay : Ruel D. Lingad, EdD.
Principal District LRMDS Coordinator : Charito D. Corpuz
Teacher District LRMDS Coordinator : Gemma V. Sonza
District SLM Content Editor : Pauline B. Roxas, EdD.
: Gemmaruth G. Castro
District SLM Language Reviewer : Pauline B. Roxas, EdD.
: Gemmaruth G. Castro
District SLM Book Designer : Diosdado P. Dominguez

DIVISION MANAGEMENT TEAM:


Schools Division Superintendent : Romeo M. Alip, PhD, CESO V
OIC- Asst. Schools Division Superintendent : William Roderick R. Fallorin, CESE
Chief Education Supervisor, CID : Milagros M. Peñaflor, PhD
Education Program Supervisor, LRMDS : Edgar E. Garcia, MITE
Education Program Supervisor, AP/ADM : Romeo M. Layug
Education Program Supervisor, MAPEH : Maria Teresa C. Perez
Project Development Officer II, LRMDS : Joan T. Briz
Division Librarian II, LRMDS : Rosita P. Serrano

Inilimbag sa Pilipinas ng Kagawaran ng Edukasyon - Schools Division of Bataan


Office Address: Provincial Capitol Compound, Balanga City, Bataan
Telefax: (047) 237-2102
E-mail Address: bataan@deped.gov.ph
5

Musika
Ikatlong Markahan – Modyul 1:
Pagtukoy sa Payak na
Anyo ng Musika
Paunang Salita
Ang Self-Learning Module o SLM na ito ay maingat na inihanda para sa ating
mag-aaral sa kanilang pag-aaral sa tahanan. Binubuo ito ng iba’t ibang bahagi na
gagabay sa kanila upang maunawaan ang bawat aralin at malinang ang mga
kasanayang itinakda ng kurikulum.

Ang modyul na ito ay may inilaang Gabay sa Guro/Tagapagdaloy na


naglalaman ng mga paalala, pantulong o estratehiyang magagamit ng mga magulang
o kung sinumang gagabay at tutulong sa pag-aaral ng mga mag-aaral sa kani-
kanilang tahanan.

Ito ay may kalakip na paunang pagsusulit upang masukat ang nalalaman ng


mag-aaral na may kinalaman sa inihandang aralin. Ito ang magsasabi kung
kailangan niya ng ibayong tulong mula sa tagapagdaloy o sa guro. Mayroon ding
pagsusulit sa bawat pagtatapos ng aralin upang masukat naman ang natutuhan.
May susi ng pagwawasto upang makita kung tama o mali ang mga sagot sa bawat
gawain at pagsusulit. Inaasahan namin na magiging matapat ang bawat isa sa
paggamit nito.

Pinapaalalahanan din ang mga mag-aaral na ingatan ang SLM na ito upang
magamit pa ng ibang mangangailangan. Huwag susulatan o mamarkahan ang
anumang bahagi ng modyul. Gumamit lamang ng hiwalay na papel sa pagsagot sa
mga pagsasanay.

Hinihikayat ang mga mag-aaral na makipag-ugnayan agad sa kanilang guro


kung sila ay makararanas ng suliranin sa pag-unawa sa mga aralin at paggamit ng
SLM na ito.

Sa pamamagitan ng modyul na ito at sa tulong ng ating mga tagapagdaloy,


umaasa kami na matututo ang ating mag-aaral kahit wala sila sa paaralan.
Alamin

Ang modyul na ito ay idinisenyo at isinulat upang tulungan kang maunawaan


ang isang elemento ng musika na mahalaga upang magkaroon ng buhay ang isang
komposisyon – ang tinatawag na anyo o form.
Matapos ang modyul na ito, inaasahang matutuhan mo ang:
1. natutukoy ang disenyo o istruktura ng isang payak na anyo ng
musika (MU5FO-IIIa-1);

a.natutukoy ang anyong unitary at anyong strophic sa pamamagitan


ng pagsusuri sa anyo ng mga awitin.
b.nakalilikha ng isang awitin na nasa anyong unitary o strophic.

Subukin

A. Piliin ang titik ng wastong sagot at isulat sa iyong sagutang papel.


1. Ang _____ ay isang elemento ng musika na tumutukoy sa disenyo o
istruktura ng isang awitin.
a. timbre b. daynamiks c. anyo d. tempo
2. Ang mga unitary songs ay mayroong isang _____ na nagtataglay ng
isang melodiya lamang.
a. linya b. phrase c. verse d. talata
3. Ang awiting nasa anyong strophic ay binubuo ng _____ verse na
magkakatulad ang himig.
a. 2 b. 3 c. maraming d. 2 o higit pang
4. Ang anyong strophic ay may anyong ______.
a. ABC b. ABA c. AAA d. ABB
5. Ang awiting “Ako ay may Lobo” ay nasa anyong _____.
a. unitary b. strophic c. binary d. ternary
B. Isulat ang US kung ang awitin ay nasa anyong unitary at SS naman kung
strophic.

6. Atin Cu Pung Singsing


7. Mary Had a Little Lamb
8. Pilipinas Kong Mahal
9. Sitsiritsit Alibangbang
10. Maliliit na gagamba

Aralin
Payak na Anyo ng Musika
1 Unitary at Strophic

May iba’t ibang elemento sa musika na dapat isaalang- alang ng mga


kompositor upang maging maganda at kaaya- ayang pakinggan ang isang awitin.
Ang isa sa mga elementong ito ay ang anyo o form. Ano nga ba ito? Ang form o anyo
ay maihahalintulad sa isang plano ng bahay. Ang isang pamilya na nagpapatayo ng
bahay ay kinakailangang may plano upang masunod ang tamang kayarian ng bahay
at maiwasan ang anumang pagkakamali sa pagbuo nito. Gayundin sa musika,
kailangang pag- isipang mabuti ng isang kompositor ang anyo o form ng musikang
kanyang gagawin upang ang awiting kanyang malilikha ay siguradong maganda at
may kaayusan.

Balikan

Tukuyin ang melodic intervals ng mga sumusunod.


Mga Tala para sa Guro
Ang modyul na ito ay naghahanda sa mga mag-aaral upang
matukoy ang iba’t ibang anyo ng musika at makilala ang anyo ng
musikang naririnig.

Tuklasin

Awitin ang “Ako ay May Lobo”. Maaari mo itong sabayan ng iba’t ibang
kilos upang maging mas masaya ang gagawing pag- awit.
Sagutin ng Opo o Hindi ang mga sumusunod.
1.Naisagawa mo ba nang maayos ang pag- awit?
2. Nagawa mo ba itong awitin na may kasamang pagkilos nang hindi nalilito?
3. Nagawa mo bang awitin ito nang may tamang tono?
4. Nasiyahan ka ba sa pagsasagawa ng gawaing ito?
5. Naranasan mo na ba ang pangyayaring nakasaad sa awitin?

Suriin

Pagmasdan ang iskor ng awiting Ako ay May Lobo na may anyong unitary.

Ngayon naman ay suriin natin ang awiting “Leron Leron Sinta” na nasa
anyong strophic.
Sagutin ang mga sumusunod na katanungan.
1. Ilang linya ang bumubuo sa awiting “Ako ay may Lobo”?
2. Ilang verse mayroon ang nabanggit na awitin sa unang bilang?
3. Tukuyin ang bilang ng verse na bumubuo sa awiting “Leron Leron Sinta.
4. Awitin ang “Leron Leron Sinta” at suriin ang himig o ang tono sa bawat verse.
Ano ang iyong napansin sa himig o melodiya ng bawat verse ng awitin?
5. Anong anyo ng musika ang nagkakaroon ng pag- uulit ng himig o tono sa bawat
verse?
Tandaan:

Ang anyo o form sa musika ay tumutukoy sa disenyo o istruktura ng isang


awitin. May mga payak na anyo ng musika na maaaring gamitin ng isang kompositor
sa paglikha ng awit tulad ng unitary at strophic.

Ang unitary ay isang anyo ng musika na may isang verse lamang at hindi
inuulit ang pag- awit o pagtugtog. Ito ay nagtataglay ng isang himig o melodiya at
karaniwang ginagamitan ng panandang A. Ngunit maging mapanuri dahil may mga
awitin na kahit maiksi lamang ay hindi magkakapareho ang tono tulad ng “Twinkle
Twinkle Little Star”. Ito ay hindi maituturing na nasa anyong unitary dahil may
bahagi ito na naiiba ang himig at tono. Samantalang ang awiting “Ako ay May Lobo”
ay may isang verse lamang at mayroong isang himig o melodiya kung kaya ito ay
isang halimbawa ng unitary song.
Kaya tandaan: unitary = 1 verse = 1 melodiya

Ang isa pang payak na anyo ng musika ay ang strophic. Ang isang awitin na
nasa anyong strophic ay binubuo ng dalawa o higit pang verse na inuulit ang himig
o tono sa bawat verse. Dahil sa pagkakapareho ng tono mula unang verse hanggang
huling verse kung kaya ang mga awiting nasa anyong ito ay madaling matandaan.
Ang bawat verse nito o taludtod na may isang melodiya ay ginagamitan ng
panandang “A”. Kung ang melodiya ay inuulit ng ikalawang beses sa ibang taludtod,
ito ay may anyong AA. At kung ang awitin ay binubuo ng tatlong taludtod at pare-
pareho ang melodiya sa bawat taludtod/ verse, ito ay nasa anyong AAA. Kung kaya
ang strophic form ay tinatawag ding AAA form.
Kaya tandaan: strophic = 2 o higit pang verse = 1 melodiya

Pagyamanin

A. Tukuyin kung alin sa mga sumusunod na awitin ang nasa anyong unitary.
Iguhit ang ☼ kung ito ay halimbawa ng unitary song at □ kung hindi.
Makakatulong kung ito ay iyong kakantahin upang malaman kung iisa lamang
ba ang himig o tono nito.

B. Ang mga sumusunod na awitin ay nagtataglay ng dalawa o higit pang verse.


Isulat ang AS kung ang awit ay nasa anyong strophic at HAS naman kung hindi.

4.
[Verse 1] Chorus

Dashing through the snow Jingle bells, jingle bells


In a one-horse open sleigh Jingle all the way
O’er the fields we go Oh, what fun it is to ride
Laughing all the way In a one-horse open sleigh, hey
Bells on bobtails ring A Jingle bells, jingle bells B
Making spirits bright Jingle all the way
What fun it is to ride and sing Oh, what fun it is to ride
A sleighing song tonight In a one-horse open sleigh
5.

I Sitsiritsit, alibangbang III Mama, mama,namamangka


Salaginto’t salagubang Pasakayin yaring bata
Ang babae sa lansangan A Pagdating sa Maynila A
Kung gumiri’y parang tandang Ipagpalit ng manika

II Santo Niño sa Pandakan IV Ale, ale, namamayong


Putoseko sa tindahan Pasukubin yaring sanggol
Kung ayaw mong magpautang A Pagdating sa Malabon A
Uubusin ka ng langgam Ipagpalit ng bagoong

C. Suriin ang disenyo o istruktura ng mga sumusunod na awitin. Isulat ang AU


kung ang awitin ay nasa anyong unitary at AS naman kung ito ay nasa anyong
strophic.

2.

3.
Isaisip

Ang _____ ng musika ay tumutukoy sa disenyo o istruktura ng isang awitin. Ang


isa sa payak na disenyo ng awitin ay ang anyong unitary na binubuo ng _____verse
lamang at hindi inuulit ang pag- awit. Samantalang ang strophic naman ay binubuo
ng ______ verse at ang bawat verse ay mayroong iisang _____. Dahil sa pagkakatulad
ng himig kung kaya ang strophic ay tinatawag ding anyong _____.

melodiya isang ABA anyo 2 o higit pang AAA

Isagawa

Lumikha ng sariling awit na nasa anyong strophic. Ito ay dapat na binubuo ng


dalawang verse na may tig- apat na linya sa bawat verse. Gamiting paksa sa
gagawing awit ang mga kaalamang natutuhan mula sa asignaturang Araling
Panlipunan.

Kailangan
pang
Napakahusay Mahusay
Kasanayan paghusayan
((3 puntos) (2 puntos)
(1 puntos)
1. Nakagawa ng awitin na may
dalawang verse
2. Nakabuo ng awitin na may apat
na linya bawat verse
3. Nagtataglay ng isang himig ang
bawat verse.
4. Nakagawa ng sariling himig.

5. Akma ang liriko sa himig.


Tayahin

A.Isulat ang Fact kung wasto ang isinasaad ng pangungusap at Bluff


naman kung hindi sa iyong sagutang papel.
1. Unitary ang anyong musikal ng isang awiting binubuo ng isang verse at hindi
inuulit ang pag- awit nito.
2. Ang lahat ng awiting may iisang verse ay nasa anyong unitary.
3. Iisa lamang ang melodiya sa bawat verse ng mga awiting nasa anyong strophic.
4. Isang halimbawa ng strophic song ang Santa Clara sapagkat ang buong verse nito
ay mayroong dalawang tono o himig.
5. Ang mga awiting nasa anyong strophic ay madaling tandaan dahil paulit- ulit ang
melodiya nito.

B. Awitin ang mga sumusunod


at tukuyin kung ito ay
nasa anyong unitary o strophic.
Kulayan ng dilaw ang ulap kung
ang awitin na nakasulat sa loob
nito ay nasa anyong unitary at
kulay rosas naman kung strophic.
Isagawa ito sa sagutang papel.

Karagdagang Gawain

Tukuyin ang pagkakatulad at pagkakaiba ng anyong unitary mula sa anyong


strophic sa pamamagitan ng paglalagay ng mga sumusunod na kaisipan sa tamang
puwesto nito sa loob ng Venn Diagram. Gawin ito sa iyong sagutang papel.
• Ito ay binubuo ng 2 o higit pang verse.
• Ito ay binubuo ng isang verse lamang.
• Ito ay nagtataglay ng isang melodiya.
• Ang melodiya nito ay nauulit sa bawat verse.
• Hindi inuulit ang pag- awit o pagtugtog nito.
• Tinatawag din itong AAA form.
• Nagpapakita ng disenyo o istruktura ng
isang awitin.
Subukin: Balikan: Suriin:
1. C 6. SS 1. prime 1. apat
2. C 7. SS 2. fourth interval 2. isa
3. D 8. US 3. seventh interval 3. tatlo
4. C 9. SS 4. third interval 4. magkakatulad
5. A 10.US 5. fifth interval 5. strophic
Pagyamanin: Isaisip: Isagawa:
A. 1. □ C. 6. AS 1. anyo
2. □ 7. AU 2. isang depende sa sagot
ng bata
3. ☼ 8. AU 3. 2 o higit pang
B. 4. HAS 9. AU 4. melodiya
5. AS 10. AU 5. AAA
Tayahin:
1. fact Old McDonald had a farm- rosas
2. bluff Bahay kubo - rosas
3. fact Happy birthday to you - dilaw
4. bluff Silent Night - rosas
5. fact Tiririt ng maya - dilaw
Karagdagang Gawain:
Susi sa Pagwawasto
Sanggunian
Government of the Philippines, Department of Education, 2013.Music, Art,
Physical Education and Health 5. Patnubay ng Guro (Tagalog), First Edition

Government of the Philippines, Department of Education, 2013.Music, Art,


Physical Education and Health 5. Kagamitan ng Mag- aaral (Tagalog), First Edition

Government of the Philippines, Department of Education, 2016.Curriculum


Guide.Music.
Para sa mga katanungan o puna, sumulat o tumawag sa:

Department of Education – Region III,


Schools Division of Bataan - Curriculum Implementation Division
Learning Resources Management and Development Section (LRMDS)

Provincial Capitol Compound, Balanga City, Bataan

Telefax: (047) 237-2102

Email Address: bataan@deped.gov.ph

You might also like