You are on page 1of 3

Name: Robert Christian Madlos Section: CS11

Mga Uri ng Pagbabagong Morpoponemiko

1. Asimilasyon- nagkakaroon ng pagbabago sa / ŋ / sa posisyong pinal dahil sa impluwensiya ng


ponemang kasunod nito. Isa sa tatlong ponemang pailong, /m,n,ŋ/, ang ginagamit batay sa
kung ano ang punto ng artikulasyon ng kasunod na ponema upang maging magaan at madulas
ang pagbigkas sa salita. Meron itong dalawang uri: Asimilasyong Di-Ganap at Asimilasyong
Ganap.
a. Asimilasyong Di-Ganap- Kung ang isang panlapi o salita ay nagtatapos sa / g / at ito’y
ikinakabit sa isang salitang-ugat na nagsisimula sa /p/ o /b/, nagiging /m/ ang /n/.
Hal.
1. Pansandok
Pormula: = A.L + S.U
= [pang-] + [sandok]
= pangsandok - pansandok
= Asimilasyong Di-Ganap//

b. Asimilasyong Ganap- Kung ang isang salita ay nawawala ang unang ponema ng nnilalapiang
salita dahil sa ito ay inaasimila o napapaloob na sa sinusundang ponema.
Hal.
1. Pamatay
Pormula: = A.L + S.U
= [pang-] + [patay]
= pangpatay – pampatay – pamatay
= Asimilasyong Ganap//
2. Pagpapalit ng Ponema- Kapag may mga ponemang nababago o napapalitan sa pagbubuo ng
mga salita. /d/ - /r/, /e/ - /i/, /o/ - /u/.
Hal.
1. Maramot
Pormula: = P.L + S.U
= [ma-] + [damot]
= madamot – maramot
r
= Pagpapalit ng Ponema//
May mga halimbawa naman ng /d/ ay nasa pusisyong pinal ng salitang nilalapian. Kung ito ay
hinuhulapian ng [-an] o [-in], ang /d/ ay karaniwang nagiging /r/.
Hal.
1. Liparan
Pormula: = P.L + S.U
= [-an] + [lipad]
= lipadan – liparan
r
= Pagpapalit ng Ponema//

3. Metatesis- Ito ay pagpapalit ng titik sa loob ng isang salita. Tinatawag ding itong pagpapalit .
Makikita ito sa pagpapalitan ng posisyon ng ponema. Ang mga salitang-ugat na nagsisimula sa
/l/ at /y/ na ginigitlapian ng /-in-/ ay magkaroon ng paglilipat ng posisyon ng /n/ at ng /l/ at /y/.
Hal.
1. Niyakap
Pormula: = P.L + S.U
= [-in-] + [yakap]
= yinakap – yinakap – niyakap
= Metatesis//
4. Pagkakaltas ng Ponema- Nagaganap ang pagbabagong ito kung ang huling poenmang patinig
ng salitang-ugat ay nawawala sa paghuhulapi dito.
Hal.
1. Bigyan
Pormula: = P.L + S.U
= [-an] + [bigay]
= bigayan – bigayan – bigyan
= Pagkakaltas ng Ponema//

5. Paglilipat-Diin- Nagbabago ang diin sa pagbabago ng mga panlaping ginamit. Maaari itong
malipat ng isa o dalawang pantig tungo sa huling pantig o isang pantig sa unahan ng salita.
Hal.
1. Basahan
Pormula: = P.L + S.U
= [-an] + [basa]
= basah (h)
= basahán
= Paglilipat-Diin//

You might also like