You are on page 1of 6

RESET YOUR LIFE, FOR A BETTER LIFE.

Building a better life needs an intentional reset.


RESETTING means;
- To make a new and fresh start.
- Changed in circumstances
- Changed in opportunities
- Change in principle

4 Principle of Moving Into a Better Life.


`1. ELIMINATE THE NON-ESSENTIAL IN YOUR LIFE.
a. Sins that hold us back. (Hebrew 12:1) (Ephesians 4:22-24)
- Hebrew 12:1and Ephesians 4:22-24 ito ay utos. Utos sa atin na tanggalin ang mga
kasalanan natin upang Malaya tayong makatakbo sa takbuhin na nasa ating harapan.
Ano ba yung takbuhin na iyon? Walang iba kundi ito, ang buhay natin bilang mga
kristiyano. Nung kinilala natin si Jesus, ito na yung takbuhin natin. Yung ministeryo ng
Panginoong Jesus noon rito sa lupa ay atin nang ministeryo ngayon. Sabi dito, SINS
THAT HOLD US BACK. Mga kasalanang pumipigil sa atin sa paglago sa gawain ng
Diyos at iyon ang dapat nating alisin.
- Minsan naman, yung GUILT ng kasalanang ating nagawa. Dahil sa hanggang ngayon,
may guilt ka pa rin sa loob mo dahil sa kasalanang nagawa mo noon sa nakaraan ay
napipigilan ang paglago mo. Kapatid, hindi mo na mababalik yung nakaraan at hindi mo
na maitatama yung mali-or kasalanang nagawa mo noon. Wala ka ng pagkakataon na
maitama iyon kase nangyari na ngunit may roon kang pagkakataon na pagsisihan iyon
at gumawa ng pagbabago sa iyong hinaharap.
EXAMPLE: PETER AND JUDAS.
JUDAS KILLED HIMSELF as and amendments to his sin.
PETER CONTINUED TO PREACH as an amendment to his sin.
“Huwag mong hahayaang patuloy ka paring igapos ng kasalanan ng iyong
nakaraan at pigilang magpasimula muli. Lagi mong ilagay sa iyong isipan na, ikaw
ay pinatawad na ng Diyos. Hindi na importante ang nakaraan- iyon ay namatay na
nang kilalanin mo si Jesus bilang Diyos at tagapagligtas, ikaw ay bago nang
nilalang.”
Pinatawad ka nang Panginoon, kung kaya bigyan mo rin ng kapatawaran ang sarili mo
sa pamamagitan ng pagkalimot sa mga kasalanan ng nakaraan at magfocus ka sa
kasalukuyan at hinarapa na ibibigay sayo ng panginoon.

b. Activities that waste our energy (1 Corinthians 6:12)


- Ano ba ang mga bagay sa buhay natin na nakakaubos ng enerhiya? For example, bisyo,
maling libangan, or tsismis. Malaya tayong gawin ang mga bagay na ito, pero ang tanong
may purpose ba ang mga ito? May kabuluhan ba ang mga ito sa buhay natin? Kapag ba
nagkipag tsismisan ka magkakapera ka? Kapag ba nagbisyo ka aayos ang buhay mo?
Baka nauubos lang ang energy natin sa mga bagay na walang kabuluhan. Walang
benepsiyo sa atin. Yes, Malaya tayong gawin ang gusto natin, ngunit sabi rito, “Hindi lahat
ng bagay ay nakakabuti.” Ano pa?
-Galit. Okay, normal sa tao ang magalit tama po? Sino po dito ang nagagalit? Sino ang
hindi? Normal na reaksyon at emosyon ng tao ang makaramdam ng galit, actually ang
galit na nararamdaman raw ng isang tao ay isang defense mechanism or panlaban sa
mga bagay na nakakasakit sa atin. Kapag nasaktan tayo or nagawan ng pagkakamali n
gating kapwa, okay lang magalit…makaramdam ng galit. Ngunit eto ngayon ang tanong,
paano ka ba magalit? Ikaw ba yung klase ng tao na kapag nagalit ay nagwawala? Yung
nag-aamok ng gulo, kapag nagalit ka ay talagang walang preno yung bibigmo sa
pagsasalita na lahat na ng magagandang salita ay nasigaw mo na? Or ikaw yung klase
ng taong kapag nagalit ay klamado yung galit kana pero kontrolado mo pa rin yung
emosyon mo yung salita mo or baka ikaw yung taong kapag nagalit, nagwala kana
nagtanim ka pa ng sama ng loob.
Hindi masama ang makaramdam ng galit, parte yan ng isang healthy emotional
development ng isang tao. Ngunit, ang masama ay yung hindi mo kayang kontrolin yung
galit mo at ikaw ang kinokontrol nito. Baka hindi naman na kailangan magwala, baka hindi
naman na kailangan magsabi ng kung anu-anong salita. Baka may ibang paraan kung
paano, pwedeng ihandle yung galit.
And yung pagtatanim ng sama ng loob, sa tingin ko hindi naman na yun kinakailangan.
Kase nagalit kana hindi ba? Ano pa ba yung sense or purpose ng pagtatanim mo ng
sama ng loob dun sa tao? Ano pa ba yung sense ng pagdadala mo ng galit mo ngayong
araw, kinabukasan, or sa susunod na bukas or linggo or buwan? Irrelevant or or wala ng
silbe or halaga yung galit mo ngayong araw, kinabukasan or sa mga susunod na araw,
so wala ng sense kung magtatanim ka pa ng sama ng loob sa tao.
Isa pa, ano ba ang tendency ng pagtatanim ng sama ng loob? Hindi ba magbubunga pa
yan ng iba pang sama ng loob, iba pang galit. Hindi mo namalayan na yung sama ng loob
nasakop na niyan yung puso mo at wala ng space yung pang-unawa, yung
pagpapatawad yung pagmamahal at sino yung mag-aani ng mga bunga na iyon? Hindi
naman yung taong kinagagalitan mo e, kundi yung mga taong nasa paligid mo, yung mga
taong makakasama mo sa hinaharap.
Ngayon mainit na usapin, yung Divorce, dahil gusto na itong ipasang batas. Mostly, ang
supporter ng Divorce bill, ay mga kabataan. Mga kabataan na mostly galing sa mga
broken family or may panget na karanasan sa kanilang pamilya or mga magulang.
Napansin ko, na sa henerasyon ngayon, ang babaw na ng tingin ng mga tao ngayon sa
kasal sa pamilya, dahil sa mga hindi maganda nilang mga karanasan na galing mismo sa
kanilang pamilya.
Alam niyo kung bakit? Kase hindi sila handa. Kase may excess baggage silang mga dala-
dala. May galit or sama ng loob silang dala mula sa kabataan nila na hindi nila ni-let go
at dinala nila hanggang sa sarili nila mismong pamilya. Yung sama ng loob or galit na
itinamin mo tumubo, lumago, nagbunga hanggang anihim ng mga anak mo or ng asawa
mo or ng mga tao sa paligid mo. And I think that’s unfair. Your future partner, your future
children has nothing to do with your trauma from your past. Walang kinalaman yung mga
tao sa iyong kasalukuyan sa sama ng loob na dala-dala mo mula pa noon.
May nabasa ako sa facebook, it’s an advice. Siguro hindi na ito applicable mostly sa mga
adult natin ditto kasi may mga pamilya na pero siguro sa mga anak ninyo po pwede niyo
ito mabigay sa kanila and of course sa mga youth natin. Ang sabi dun sa post “Please,
huwag kayong mag-papamilya or papasok sa isang relasyon kung hindi pa kayo
gumagaling sa trauma ng nakaraan niyo or hindi pa kayo nakaka-move on.” Mga kapatid,
hindi po natin kasalanan yung mga panget na nangyare sa ating nakaraan sa mga sakit
or sama ng loob na meron tayo dulot ng ibang tao. Ngunit, tandaan natin, responsibilidad
natin sa ating sarili na gumaling sa mga ito. Responsibilidad natin sa ating sarili na maka
move-on mula sa mga ito. Kase hindi ka malayang makaka-usad sa panibagong yugto
ng buhay mo kung sa simula palang ay may mabigat ka ng dala.
Sino po ba dito yung naggo-grocery na may dalang isang sako ng bigas mula sa bahay
nila? Diba wala? Kapag nagpunta tayo sa grocery store wallet lang dala natin, yung iba
nga wala pang dalang wallet e. Diba? Kase hindi ka tatagal mag grocery kung sa simula
palang may pasan ka ng isang sako ng bigas. Nakukuha niyo po ba ang ibig kong
sabihin?
For you to be able to move on and have a new and fresh start, you have to let go of your
past. Let go of your past, wala na yang kinalaman sa future mo.
Alam ko hindi po medaling magpatawad, tama po? It takes time, process, courage and a
lot of patience. . Isuko mo sa Diyos lahat ng galit, sakit at sama ng loob na meron ka, at
ipanalangin mo sa kaniya na habang nasa punto tayo ng paghilom mula sa mga trauma
ng nakaraan natin, masumpungan natin kapayapaan, kagustuhang magpatawad sa mga
taong nakagawa sa atin ng kasalanan or nakasakit sa kapwa, kaibigan, kapatid, anak at
sa magulang mo.
Always remember this, hindi na natin mababago ang nakaraan, ngunit pwede tayo
gumawa ng pagbabago sa ating kasalukuyan at hinaharap sa pagsisimula sa bagong
buhay na ibibigay sa atin ng Diyos. Amen.

2. EXCEL ON WHAT REALLY MATTERS (LUCAS 10:41-24)


Sino ba dito yung multi-talented? Yung magaling na kumanta, magaling pa magsayaw,
magaling, magaling pa tumugtog ng instruments? Meron po ba? Ako magaling lang
kumanta, gusto niyo ba ng sample? Biro lang. May mga taong multi-talented or tinatawag
nilang gifted. Maalam sa lahat ng bagay, for example Jose Rizal. Yan, may subject kasi
kaming Rizal, pinag-aaralan naming ang buhay ni Rizal at kaniyang mga gawa. Nalaman
ko na sobrang daming talento ni Rizal. At the age of 8, nakapagsulat na at nagwagi sa
isang patimpalak. Marunong siyang magpinta, maglilok, sumulat ng tula at marami pang
iba. Nung binabasa ko nga yung module naming, isa lang nasa isip ko. Sana all, Rizal.
Kidding aside, sa kabila ng lahat ng kakayahan na meron si Rizal sa isang bagay siya
ang excel at nakilala sa pagiging manunulat. Bukod sa pagiging pambansang bayani.
Nilabanan niya ang mga dayuhan sa pamamagitan ng pagsulat. Paglathala ng mga libro
para ibukas ang mata ng mga Pilipino sa pang-aabuso ng mga dayuhan. Duon siya nag-
excel, dahil iyon ang mahalaga noong panahon na iyon.
Ngayon, tanungin natin yung mga sarili natin. Ano ba yung mahalaga sa buhay natin
ngayon? Ano ba yung importanteng bagay na dapat nating pagtuonan ng pansin? Minsan
ang problema ng tao alam niyo kung ano? Yung hindi nila alam ano ba talaga yung gusto
nila or ano ba yung importante sa kanila. Hindi nila alam yung priorities nila sa buhay,
kaya lahat sinusubukan nila. Walang masama sumubok ng maraming bagay ngunit,
tanungin mo muna yung sarili mo kung ano ba yung dahilan bakit gusto mo gawin yung
isang bagay? Gusto ba yun dahil nanduon yung passion mo or dahil magiging masaya at
lalago ka duon or gusto mo lang masubukan kasi ginawa ng kaibigan mo ng kapitbahay
mo? Gusto mo lang kasi competitive ka gusto mo lahat ng kaya ng kaibigan or kapitbahay
mo kaya mo rin. Ayaw mong magpatalo. Maikli lang ang oras na meron tayo sa isang
araw, 24hrs. Parang saying naman kung uubusin natin yung 24hrs sa mga bagay na wala
namang dulot na paglago sa ating personal na buhay at ispirituwal na buhay ano po?

Gusto kong ibahagi sa iyo itong tatlong habits or ugali na pwede nating gawin para
lumago tayo sa mga bagay na mahalaga or importante sa ating buhay.
1. Managing Time on those things that matter or Pamahalaan mo ang iyong oras sa
mga bagay na mahalaga. (Psalms 90:12)
- 24hrs lang ang oras na meron tayo sa isang araw. Ano ba yung mga bagay na
pinagkaka-abalahan mo sa loob ng bente kwatro oras. Mahalaga ba ang mga
bagay na ginugugulan natin ng oras? Mahalaga ba ang mga bagay na ginugugulan
natin ng panahon at buhay? Lagi nating alalahanin, maikli lamang ang buhay. Ang
reyalidad ay kahit anong oras pwede mamatay ang tao. Kapag dumating yung
oras na iyon, masasabi ba natin, na nagampanan natin ang misyon na ibinigay sa
atin ng Diyos rito sa lupa? Nagamit ba natin an gating oras sa ikalalago ng
ispirituwal nating buhay at sa gawain ng Diyos? Mga kapatid, huwag nating
kakalimutan ang paglalaan ng oras sa gawain ng Diyos. Alam ko bawat isa sa atin
ay abala sa trabaho, pag-aaral, sa personal na buhay. Ngunit sana ay huwag
tayong makalimot mag-aalan ng oras sa gawain, especially, Sundays.
2. Living on Purpose.
- Para kanino ka ba bumabangon? O diba parang nescafe lang, para kanino ka
bumabangon. May napanood ako sa tiktok sabi niya, bumabangon nalang daw
siya para sa tsismis. Naniniwala ako na walang ganun sa atin, bumabangon lang
para sa tsismis. Naniniwala ako na ang bawat miyembro ng CIA-Sta Rita ay
bumabangon at nabubuhay para sa kaluwalhatian ng Diyos amen? Amen. Kasi
iyon na yung purpose ng bagong buhay na meron tayo kasama si Kristo nang
magpa-bautismo tayo. Iyon ang lagi nating alalahanin sa bawat umagang gigising
tayo, sa bawat araw na daragdag sa ating buhay. Ang bago mong layunin sa iyong
bagong buhay.
3. Choose good priorities (Lucas 10:41-42)
- What are your priorities in life? Pamilya niyo ba, asawa mga anak? Trabaho? Pag-
aaral? Siguro sa mga parents priority nila ang pamilya nila, mga anak, tapos
trabaho. Sa mga estudyante, yung pag-aaral. Tama po? Walang masama sa mga
bagay na ito, ngunit hindi ba dapat ang ilagay natin sa top priority natin ay ang
Diyos? Katulad ng sabi ko kanina, limitado ang oras na meron tayo, piliin nating
mabuti kung saan ba natin gugulin ang bawat oras na mayroon tayo. Piliin natin
kung kanino kina Martha at Maria ang magiging approach natin sa pagili ng
prayoridad sa buhay. Magiging aligaga kaba at balisa sa maraming bagay na hindi
naman kailangan or pipiliin mong magfocus sa isang pinaka importante gawain,
iyon ay ang gawain ng Diyos? Walang masama kung marami tayong prayoridad
sa buhay, pero lagi nating tandaan na kung ano ba dapat ang nasa pinaka unang
prayoridad na dapat nating gawin.
- Ang sabi sa (Mateo 6:33-34). Unahin muna natin hanapin ang kaharian ng Diyos,
at ang lahat ng bagay na naisin natin ay ibibigay ng Diyos. Sabi ditto, huwag kang
mag-aalala sa araw ng bukas, hayaan mo ang bukas ang mag-aalala sa sarili niya.
Huwag mong alalahanin yung problema mong kakaharapin bukas, bagkus
magfocus ka sa kung ano yung nasa harap mo ngayon. Ang utos ng Diyos ay
huwag tayong mag-alala. Huwag nating alalahanin ang mga bagay na umaagaw
ng ating atensyon sa Diyos. Unahin mo ang Diyos at hinding-hindi ka mahuhuli.

3. EMBRACE THE NEW THINGS GOD DOES (Isaiah 43:18-19)


- Marami ba kayong bagay na pinagsisihan sa nakaraan? Mga bagay na naisip niyong
kung may pagkakataong balikan sa nakaraan, babalikan niyo? Meron po ba? Siguro lahat
tayo may mga ganitong bagay yung tinatawag nilang “WHAT IFS” mga bagay na
pinagsisihan nating hindi natin nagawa or ating nagawa. Pero alam niyo po, kahit anong
isip or kagustuhan nating balikan yung mga bagay na iyon sa nakaraan wala na tayong
magagawa. Past is Past ika nga. Hindi na babalik yung nakaraan, yung mga bagay na
nagawa mo roon, yung mga pagkakataon na lumipas, yung mga taong nasa nakaraan
na ay hindi na babalik. Masakit isipin na may mga taong parte ng ating nakaraan na hindi
na ngayon parte ng ating kasalukuyan o hinaharap.
Yung mga taong nawala sa buhay natin, yung mga namatay masakit nakakalungkot pero
hindi naman na natin sila maibabalik. Pwede tayong malungkot, magluksa at damdamin
yung pagkawala nila ngunit tandaan natin hindi tayo pwedeng huminto sa buhay. Hindi
hihinto yung pagikot ng mundo o ng oras kung kailan ka magiging ready ulit na
magpatuloy. Kailangan kahit mahirap kahit masakit magpatuloy ka, matutunan mong
magpatuloy sa lakbayin ng buhay. Naalala ko tuloy yung tanong ni Mother nung isang
gabi nagdevotion kami. Si Father kasi umalis, nagpunta Panggasinan, duon
magtatrabaho tapos weekly lang daw uwian. Si Mother, wala pang isang araw na umalis
si Tatay naiinip na raw siya hindi pa makatulog. Iniisip si Tatay. Tapos sabi niya, pano pa
raw kapag namatay. Pano raw kaya gagawin niya or paano yung mangyayari.
Siguro ito na yung sagot. Ano ba yung gagawin natin kapag may taong importante sa atin
ang nawala. Magpatuloy. Masakit mamatayan, masakit mawalan. Kahit isipin palang
natin parang nakakapanghina na. Pero wala tayong magagawa, ang kamatayan ay
sigurado na sa buhay ng bawat isa.
Iyon ang reyalidad, mamatay ang tao. May mauuna, may maiiwan. Sa namatay, may
uuwian siyang tahanan sa piling ng Diyos.
Sa mga naiwan ang sabi ng Diyos, kalimutan at huwag ng alalahanin ang mga nangyari
noong unang panahon. Ano man ang mga nangyari roon ay mananatili na roon at dapat
na nating kalimutan. Hindi na babalik yung buhay natin before pandemic, hindi na babalik
yun, kahit mawala yung covid in the future may mga bagay na bago na at kahit anong
pilit nating ibalik masasayang lamang tayo ng oras.
Imbes na alalahanin ang nakaraan, mag focus tayo sa mga bago at magagandang bagay
na ginagawa at gagawin pa sa atin ng Diyos. Sabi sa verse 19” Ito’y nagaganap na.”
huwag nating hayaang mabulag tayo ng sakit ng mga pangyayari sa buhay upang hindi
natin makita ang magagandang bagay na ginagawa sa atin ng Diyos. Tandaan natin,
hanggang gumigising ka at may buhay, may gagawin pa ang Diyos sa buhay mo at iyon
ang lagi nating panghawakan sa araw araw.
Pwede tayong umiyak at malungkot sa mga bagay o taong nawala sa atin, ngunit huwag
mong hahayaang pigilan ka ng mga kalungkutang ito para makarating sa buhay na
pangako ng Diyos.

4. EXPECT INCREMENTAL CHANGES


-Of course, when we decide to reset our lives, expect that there are changes. Asahan mo
nang maraming pagbabago sa iyong buhay, sa iyong sarili. Ngunit hindi biglaan ang mga
pagbabagong ito. Matagal at maliliit na pagbabago sa buhay. Pansinin po natin ang mga
verse na ito, Exodus 23:30, Proverbs 13:11, Proverbs 28:30. Pinangako ng Diyos na
sasagana ang buhay ng bawat susunod sa kaniya, ngunit wala siyang ipinangakong
biglaang pagsagana tama po? Sabi sa Exodus, unti-unti. Ang Diyos po ay nakapag
decide na, may magandang buhay na siyang ibibigay sa bawat isa sa atin, pero ang sabi
ng Diyos unti-unti. Kung sa tingin mo parang walang nangyayari sayo ngayon, parang
walang pagbabago, maghintay ka lang. Marahil hindi mo pa nakikita ngayon, pero
siguradong gumagawa ang Diyos sa atin.
Ang lagi nating panghawakan at pagkatiwalaan ang pangako ng Diyos at ang kaniyang
tapat na pag-ibig sa atin.
May magandang buhay na naghihitay sa bawat isa, ngunit gusto ng Diyos mag decide
ka ngayon kung gusto mo bang makuha ang buhay na nais ibigay sayo ng Diyos. Nasa
atin ang desisyon kung tatanggapin ba natin ang buhay na ito. At sa pagtanggap natin sa
buhay na ito, kailangan mag reset tayo. Kailangan bitawan mo na lahat ng bagay na hindi
naman kinakailangan sa buhay mo, Asamin mong lumago sa mga bagay na mahalaga,
Yakapin ang mga bagong bagay na ginagawa ng Diyos sa buhay mo at asahan mo ang
unti-unting pagbabago sa’yong buhay.
Dito po ako magtatapos sa Isaiah 26:3-4, Tayo ay magtiwala kay Yaweh.

You might also like