You are on page 1of 6

Mga Panimulang

Konsiderasyon:
Paglilinaw sa Paksa, mga Layon, at
Sitwasyong Pangkomunikasyon
Mga bagay na dapat isaalang-alang bago pumili ng
batis ng impormasyon sa pagbuo ng kaalamang
ipapahayag sa isang sitwasyong
pangkomunikasyon:
1. Kailangang malinaw ang tukoy na paksa at layon ng
pananaliksik.
2. Dapat na malinaw sa mananaliksik ang pakay niya sa
paglahok sa sitwasyong pangkomunikasyon kung saan
ibabahagi ang buong kaalaman.
3. Kailangang ikonsidera ng mananaliksik ang uri at
kalakaran ng sitwasyong pangkomunikayon.
Tukoy na Paksa at Layon ng Pananaliksik.

• Paksa ng sitwasyong pangkomunikasyon kung saan


ipapahayag ng mananaliksik ang kaalaman na kanyang
bubuuin, at
• Pakay sa paglahok sa sitwasyong pangkomunikasyon.
Mga kailangang ikonsidera sa pagbuo
ng pahayag at kaalaman:
• Uri at kalakaran ng sitwasyong
pangkomunikasyon, at
• Pagpili ng plataporma ng pagpapahayag.
Kahalagahan ng pag-alam sa uri ng
sitwasyong pangkomunikaayon
• Upang makilala kung sino ang mga kapwa-kalahok o
mga tagapakinig,
• Mapaghandaan ang posibleng estruktura at daloy ng
sitwasyon, at
• Makagawa ng estratehiya kung paano pupukawin ang
interes ng kapwa-kalahok o tagapakinig.
Mungkahi nina Santiago at Enriquez (1982)
para sa maka-Pilipinong pananaliksik
1. Iugnay sa interes at buhay ng mga kalahok ang
pagpili ng tukoy na paksa.
2. Gumamit ng mga pamamaraan ng pagsisiyasat na
nakagawian ng mga Pilipino, angkop sa kultura, at
katanggap-tanggap sa ating mga kababayan.
3. Humango ng mga konsepto at paliwanag mula sa mga
kalahok, lalo na iyong makabuluhan sa kanila.

You might also like