You are on page 1of 1

Maria Clara

Ako si Maria Clara ang nagiisang anak ni Kapitan Tiyago.  Ako ay kilala sa lipunan at hinahangaan ng
nakararami dahil sa taglay kong kagandahan. Ako ay simbolo ng isang tunay na dalagang
pilipina, Ako ay tanyag sa San diego bilang isang mayuming dalaga. Ako din ang nagiisang kasintahan at
minamahal ni ginoong Crisostomo Ibarra, ngunit kami ay tinutulan ni Padre Damaso at itinakda akong
ikasal sa isang lalaking hindi ko naman mahal sadyang ang pagibig ay hindi basta mabibigay kaninuman.
Sa kadahilanang iyon ako ay nanatiling dalaga. Minulat ni Ibarra ang tunay kong pagkatao mula sa isang
liham na pagbubunyag, ay isang bunga ng makamundong pagnanasa ni padre damaso.

Sa labis na sakit na aking nadarama mula sa pagkakaalam ko kung sino ba talaga ang aking ama at ang
pagkawala ng pinakamamahal kong si Ibara, ako ay nagpasya na pumasok sa kumbento. Isang lugar na
inakala kong ligtas ay siya palang magbibigay saakin ng matinding pasakit sapagkat hindi ko inakala na
may mga tao palang sadyang mapagsamantala, ang lugar na inakala kong tahimik ay doon ko pala
mararanasan ang kalbaryo sa kamay ng mapusok na kura. Tulad ng sinapit ng aking ina, ako ay pilit na
pinagkumpisal sa kura ni padre salvi.

Hanggang sa kasalukuyan marami pa ding kababaihan ang nakakaranas ng pang-aapi at pangaabuso


mula sa ibang tao. Kagaya ng nakararami nakaranas din ako ng pangaabuso at pangaapi mula sa ibang
tao at pati na rin sa mga taong malapit saakin.

You might also like