You are on page 1of 1

“Pag-asa sa Gitna ng Pandemya”

Aking mga kapwa kabataan, pagmasdan niyo ang mga pangyayaring


nagaganap sa inyong harapan. Ang pandemyang hinaharap natin ngayon
ay nakakakaba, nakakatakot, ngunit higit sa lahat, ito ay nakaaapekto
kaninuman. Pagkalat ng virus doon, pagkahawa dito. Kung may dapat
mang ipagkalat sa mga panahon ngayon, iyon ay ang pag-asa, hindi ang
bayrus. Bilang kabataan, dapat tayong manatiling matatag hindi lamang sa
loob, kundi pati na rin sa labas. Kailangan nating manatiling malakas at
ligtas laban sa COVID-19. Sa panahon ng kadilimang ito, dapat nating
tandaan ang PAG-A.S.A.: pagiging alerto, pagsunod sa mga health safety
protocols, at pag-aalaga sa ating sarili.

naging nakakakaba o nakatatakot man ang pandemyang ito, ngunit bilang


kabataan, tayo’y maging ilaw laban sa madilim na panahong ito. Bilang pag-
asa ng bayan, dapat din nating ipalaganap ang pag-asa para sa iba. Bilang
kabataan, kinakailangan nating manatiling matatag. At sa lahat ng ito, ito’y
magagawa lang natin kung tayo ay mananatili ring ligtas laban sa COVID-
19. Kaya muli, habang tayo’y nasa panahon ng kadilimang ito, dapat nating
tandaan ang PAG-A.S.A.: pagiging alerto, pagsunod sa mga health safety
protocols, at pag-aalaga sa ating sarili.

Maraming salamat.

Ang talumpati na pinamagatang Pag-asa Sa Gitna Ng Pandemya ay isang


halimbawa ng maikling talumpati tungkol sa panahon ng pandemya (Covid
19). Ang talumpati tungkol sa edukasyon ngayong pandemya na ito ay
magbibigay inspirasyon sa atin upang maging matatag at huwag mawalan
ng pag-asa sa pagsubok na dulot ng panahon ng pandemya (Covid 19).

You might also like