You are on page 1of 3

Alamat ng Sibuyas

Narrator: JC

Pedro/ Elyas/ Mario: Herman

Bulan/Maria: Erene

Narrator: (JC)“Alamat ng Sibuyas”

Sa isang nayon, may mag-asawang nakatira sa paanan ng bundok ng Sierra Madre. Sila ay si Maria at
Pedro.

Pedro: (Herman) Mahal, pupunta na ako sa bukid at nang makauwi ng maaga.

Maria: (Erene) Ingat ka, Mahal. Mamayang hapunan ay ipaghahanda kita ng isang masarap na
sinabawang gulay.

Narrator: (JC) Si pedro ay isang masipag na magsasaka, samantalang si Maria ay nagtatanim ng


gulay upang ibenta sa kapit-bahay. Sila ay masayang naninirahan dito ngunit may pinaka asam-asam
ang kanilang mga puso….. ito ay

Maria: (Erene) Panginoon, sana bigyan niyo po kami ng supling

Pedro: (Herman) Pangako, aalagaan at mamahalin po sila naming ng lubos.

Narrator: (JC) Makalipas ang ilang taon biniyayaan ng diyos ng mga supling.

Tama, kambal ang kanilang anak. Kung kaya’t napaka galak ng mag-asawa.

Habang lumalaki ang kambal, kapansin pansin ang pagkakaiba ng dalawa.

Elyas: (Herman) Magandang Umaga, Aling Kuring. Ano po ang sa inyo?

Aling Kuring (Erene): Isang kilong ampalaya, Elyas.


Salamat! Napakagandang bata mo talaga Elyas ang kinis pa hindi tulad kay Bulan magaspang at maitim.

Elyas: (Herman) Maganda din po ang kapatid ko aling Kuring.

Aling Kuring: (Erene) Hindi naman eh.

Narrator: (JC )Si Elyas ay lumaking masayahin at mahilig makihalubilo sa mga tao. Samantalang si
Bulan lumaking mahiyain, maramdamin at iyakin. Dito sa kanilang gulayan niya gustong mapag-isa
at umiyak kapag naririnig niyang kinukutya ang kanyang balat.

Sa kabila ng pagkakaiba ng dalawa, mahal na mahal nila ang isa’t- isa.

Elyas: (Herman) Bulan, wag mong intindihin ang sinasabi ni Aling Kuring, maganda ka aking kapatid, ikaw
ang piiiinakamaganda kong kapatid at mahal na mahal ka namin nila Nanay at Tatay.

Bulan: (Erene) Eh ako lang naman ang kapatid mo!

Narrator: (JC) Si Elyas ay may matalik na kaibigan, eto ay si Mario… at lihim na umiibig si Bulan kay
Mario. At alam ito ng kambal niyang si Elyas.

Elyas: (Herman) Mario! Napadalaw ka?

Mario: (Erene) Elyas! Matagal din kasi akong hindi nakadalaw dito. Siya nga pala may ipapakilala ako
sayo si Mara ang kasintahan ko. Ikakasal na kami sa susunod na buwan.

Narrator: (JC) Nang marinig ito ni Bulan tumakbo siya sa gulayan at doon binuhos ang kanyang mga
luha.

Sa araw ng kasal nila Mario at Mara. Sobrang lungkot at sakit ang nararamdaman ni Bulan.

Iyak siya nang iyak sapagkat parang nadudurog ang kanyang puso, nasasaktan din si Elyas sa tuwing
nakikitang lumuluha ang kanyang kapatid.
Elyas: (Herman) Bulan, alam kong nasasaktan ka may darating ding lalaki para sayo. Kaya wag ka
nang malungkot, Bulan. Nandito lang ako palagi sa tabi mo at hindi kita iiwan.

Narrator: (JC) Simula ng araw na yon, hindi na nakita sina Bulan at Elyas. Hinanap sila ng kanilang
magulang, ngunit bigo silang makita ang kambal.

Maria: (Erene) Nasaan na kaya ang mga anak ko? Dito sila lagi nagpapalipas ng araw. Miss na miss
ko na ang aking mga anak.

Narrator: (JC) Napansin ni Aling Maria na may tumubong bagong halaman sakanilang gulayan.

Maria: (Erene) anong halaman ‘to? At ngayon ko lang ito nakita?

Pedro! Halika’t pumarito. Tignan mo!

Narrator: (JC) Tinignan ni Pedro ang halaman at kinuha ito..

Pedro: (Herman) Parang kambal ang tanim na ito.

Maria: (Erene) Oo, parang si Bulan at Elyas.

Pedro: (Herman) Tama, si Elyas na masigasig at masiyahin.

Maria: (Herman) At si Bulan na mahiyain at laging nakatago.

Pedro: (Herman) Gayunpaman ay magkasama pa din sila… tatawagin natin itong SIBUYAS. Sina BULAN
AT ELYAS.

Maria: (Erene) Tama, ito ay simbolo ng ating kambal.

Narrator: ( Narrator) AT AYUN NGA ANG ALAMAT NG SIBUYAS…

You might also like