You are on page 1of 3

Banghay Aralin sa Edukasyon Sa Pagpapakatao 8

I. Layunin
A. Nasusuri ang ilang napapanahong isyu ayon sa tamang pananaw sa sekswalidad.
(EsP8IPIVa-13.2)
B. Nahihinuha na ang pagkakaroon ng tamang pananaw sa sekswalidad ay
mahalaga para sa paghahanda sa susunod na yugto ng buhay ng isang nagdadalaga at
nagbibinata, at sa pagtupad niya sa kanyang bokasyon na magmahal – ang pag-aasawa o
ang pag-aalay ng sarili sa paglilingkod sa Diyos. (EsP8IPIVb-13.3)
C. Naisasagawa ang tamang kilos tungo sa paghahanda sa susunod na yugto ng
buhay bilang nagdadalaga at nagbibinata at sa pagtupad niya ng kanyang bokasyon na
magmahal (EsP8IPIVb-13.4)

II. Paksang Aralin: Module 13: ANG SEKSUWALIDAD NG TAO

Sanggunian:

-Kto12 Modyul Para sa Mag-aaral Baitang 8 sa Edukasyon sa Pagpapakatao Modyul 13


Ang Seksuwalidad ng Tao Pahina 335-366

- Dy, M. (2011). Ang Tao Bilang Panlipunang Nilalang at Pakikipagkapwa. Panayam sa


Pambansang Pagsasanay ng mga Tagapagsanay ng Pinagyamang Programa ng Batayang
Edukasyon (K to 12) sa Edukasyon sa Pagpapakatao (EsP).

- Pope John Paul II, The Challenge of Human Sexuality, Love and Responsibility
Foundation, New York, 2002, Retrieved November 28, 2012 from www.catholic.org

III. Materyales:
- Batayang aklat
- Laptop
- Tulong biswal
- Powerpoint presentation

IV. Pamamaraan:

A. Panimulang Gawain
- Pananalangin
- Pag- tsek ng liban

B. Pagganyak

Panuto: Ibigay ang inyong saloobin at pananaw sa mga sumusunod na kaisipan.


1. Mas madamdamin at madaling lumuha ang babae kaysa sa lalaki.
2. Mas pinapayagan ang anak na lalaki dahil sa katwirang wala namang
mawawala sa kanila.
3. Matagal mag-ayos ng kanilang sarili ang mga babae kaysa lalaki.
4. Mas agresibo at mapusok ang mga lalaki.
5. Sa pagkukuwento mas madetalye ang babae kaysa lalaki.

C. Paglalahad

- Ano nga ba ang sekswalidad?


- Alin ang tunay na kahulugan nito? Alin ang persepsyon lamang?
- Ilalahad ang tamang pananaw sa Sekswalidad.

D. Pagpapalalim

Gawain 1: Panuto: Basahin at intindihing mabuti ang bawat tanong. Isulat ang mga
sagot sa inihandang worksheet para dito. Sumulat ng isa hanggang tatlong
pangungusap sa bawat aytem para mas magiging klaro at mas maipapaliliwanag ang
mga sagot. Limang puntos sa pinakatamang sagot sa bawat aytem.

1. Ano ang seksuwalidad ng tao? Ipaliwanag.


2. Bakit nagiging iba ang katutubong simbuyong seksuwal o sex drive ng tao sa
seksuwal na pagnanasa ng hayop?
a. Magbigay ng katangian bawat isa: tao at hayop
b. Magbigay ng halimbawa bawat isa: tao at hayop
3. Magbigay ng isang malaim na kahulugan ng kasal.
4. Ano ang puppy love? Ipaliwanag ito at magbigay ng isang halimbawa.
5. Ano ang tunay na katuturan ng buhay natin sa mundo? Ipaliwanag.

Gawain 2: Panuto:
1.Pumili ng isa sa napapanahong isyu kaugnay ng sekswalidad na napag aralan mo na sa
unang lingo ng araling ito. Halimbawa: Teen- age Pregnancy at Pornograpiya.
2. Gumawa ng poster tungkol dito na nagpapakita ng kampanya laban dito.
3. Gamit ang PORMAT na ito:
a. Meaning o kahulugan nito
b. Mga masasamang Epekto
c. Mga paraan kung paano ito maiiwasan o kaya masolusyonan
d. Lagyan din ito ng mga larawan na puwedeng ginupit sa mga magasin o kaya ay
iginuhit na nagpapakita sa napiling napapanahong isyu tungkol sa sekswalidad.

Rubric sa Pagtataya ng Poster


100% - Nagtataglay ng lahat ng elemento sa itinakdang PORMAT
90% - Nagtataglay ng 3 sa mga elemento sa itinakdang PORMAT
80% - Nagtataglay ng 2 sa mga elemento sa itinakdang PORMAT
75% - Nagtataglay ng 1 sa mga elemento sa itinakdang PORMAT

E. Takdang Aralin
F. Ibigay ang kahulugan ng mga sumusunod na salita
G. Ano ang kasal?
H. Ano ang mga kailangan (requirements) sa Kasal?
I. Ano ang mga responsibilidad ng pagiging asawa? at pagiging magulang?

You might also like