You are on page 1of 2

Bahay

1: Ate pahingi naman ng pera diba maykaya ka naman


2: Wala, butas nga ang bulsa ko eh!
1: Sige na ate kumukulo na kasi ang tiyan ko (grumble)
2: Ano ba tama na! tignan mong nagbibilang ako ng poste
1: (iyak) !!Ate naman oh! May bulsa ka sa balat☹
2: Haysst! Oh tama na huwag ka ng umiyak, batang balat-sibuyas
2: Oh! Eto bente
1: bente lang, ate naman oh! Maputi ang tainga (angry walkout)
2: Bumili ka ng toyo, magluluto ako ng adobong manok!

Tindahan
1: Pabili po! Pabili po! Pabili po! (Nakita ang nagtitinda) Pabili po!
Kuyang may taingang kawali
3: Oh! Bakit? Batang makapal ang mukha!
1: Ang sakit naman po ng sinabi niyo, hind nga po kayo namamansin
noong tinatawag ko kayo
3: Ano bang bibilhin mo?
1: Pabili po ng toyo
3: oh! Eto
1: Salamat po

Sa Daan
4: Mare, iyon ba yung kapatid ni _____
5: Oo, mare
4: Balita ko walang trabaho ang ate niya
5: Mukha nga eh, tignan mo yun oh toyo nanaman binili niya
4: Oo nga, mukang toyo nanaman ulam nila
4;5: (nagtatawanan)
(1 dali daling humarap sa dalawang taong nagsasalita)
1: Mga ate narinig ko ang pinag-uusapan ninyo.. Ang sakit naman po ng
mga sinabi niyo
4: Oh, bakit? Diba totoo namang toyo nanaman ulam niyo
1: Grabe ka naman po
5: Tignan mo yan ang payat payat mo dahil toyo ulam niyo
4;5: (nagtatawanan)
1: Mga ateng alimuom ang alam, ateng no.5 anak mo nga’y buto’t balat
na dahil sa pitaka mong may pagpaging alimasag
1: Para sa inyong kaalaman, bumili ako ng toyo dahil magluluto ang ate
ko ng adobong manok, oh siya dyan na kayo mga ateng mapanghusga

You might also like