You are on page 1of 3

Calaph

“Ang Diyos na Kinalimutan ng Panahon”


Noong unang panahon, may isang taong nagngangalang Calaph. Siya ay isa sa
mga limang diyos ng sansinukob, ngunit siya’y kinalimutan ng mga tao. Dahil siya
‘diumano ang nagpasimula ng sampung buwang tag-gutom sa bayan ng Kreta at
Athenas. “Mga mamamayan ng Kreta at Athenas, nais kong ipahayag sa inyo mismo na
si Calaph, ang diyos ng pagmamahal at buhay ang siyang nagbigay ng sampung
buwang tag-tuyot at tag-gutom sa bayang ito” wika ni Klavirea. Nagalit at nadismaya
ang mga taong nakarining ng ibinalita niya. Inako niya ang lahat ng pagkakamali na
hindi niya kailanman magagawa sa mga tao. Kaya’t siya’y bumaba sa lupa, at siya’y
namuhay at itinago niya ang kaniyang pagkakakilanlan sa lahat ng tao at diyos.

Isang gabi, nanaginip si Calaph na siya’y mapapahamak sa isang diyos na


mapanganib, siya din ang dahilan kung bakit siya kinalimutan ng mga tao. “Calaph,
Calaph”, sabi ng babaeng nasa panaginip niya. “Sino ka, bakit mo alam ang aking
pangalan?” tanong ni Calaph. “O Calaph, ang diyos ng pagmamahal, hindi mo
kailanman maitatago ang iyong tunay na pagkakakilanlan sa akin.” Sagot nito sa
kaniya. “Anong kailangan mo at pinuntahan mo pa ako sa’king panaginip?” tanong ni
Calaph. “Bibigyan kita ng isang babala. Mag-ingat ka sa bawat taong iyong
nakakasalamuha at makakasalamuha, sapagkat isang diyos ang bababa mula sa
Bundok Olimpos. Balak ka niyang paslangin, kaya’t ika’y malalagay sa panganib mula
sa kaniyang mga kamay. Ang diyos na ding iyon ang mismong nag-utos kay Klavion na
ipahayag sa mga tao na ikaw ang nagbigay ng halos isang taong tag-gutom sa Kreta at
Athenas.” Sagot nito kay Calaph. “At sino naman itong diyos na ito na nais akong
paslangin?” tanong ni Calaph sa kaniya. “Patawad, pero hanggang doon na lamang ang
aking maaring ibigay na babala sa iyo. Paalam, Calaph”. ang sagot nito kay Calaph. At
kaagad na nagising si Calaph sa mahimbing niyang pagkakatulog. Kaagad na
naghanda sa nakaambang panganib sa buhay nito.

Samantala,nagtaka ang mga diyos at diyosa sa pagkawala ni Calaph sa Bundok


Olimpos. Dahil hindi man lang siya nagbigay ng dahilan kung ba’t siya umalis. At hindi
rin maipaliwanag ang galak na nakikita sa mukha ni Marinaus, ang diyos ng kailaliman
ng mundo. Na tila nagagalak siya na nawala si Calaph sa Bundok Olimpos.
“Nakakapagtaka ang mga ikinikilos ni Marinaus, simula nang nawala si Calaph ay
naging mas masaya na ito ‘di tulad ng dati.” sabi ni Armentia, ang diyosa ng Araw. At
nalaman nga niya ang mga balak nito kay Calaph. Kaagad siyang nagtungo kay Floria,
ang diyosa ng pagmamahal at kagandahan at ang kasintahan ni Calaph. Ipinaalam nito
sa kaniya ang mga balak ni Marinaus kay Calaph. Nabigla siya sa mga sinabi nito sa
kaniya. “Kung may magagawa lamang talaga ako Armentia, pipigilan ko si Marinaus.
Ngunit wala akong magagawa, dahil pinagbawalan na ako ng aking ama na tulungan si
Calaph. Kahit na anong mangyari sa kaniya, talagang wala akong magagawa” wika nito
sa kaniya. Kaya’t hinayaan na lamang nila ang mga balakin ni Marinaus.
Isang araw, nakasalubong ni Calaph na isang matandang lalaki. Aksidente
nitong nabangga ang matanda. “Ano ba!, hindi ka ba marunong na tumingin sa
dinadaanan mo?” tanong niya kay Calaph. “Paumanhin po lolo, hindi ko po kasi
tinitignan ang aking dinadadanan.” sagot niya sa matanda. Habang inaayos nila ang
kalat na sanhi ng banggaan nila, napagtanto niya na si Calaph ito. “Calaph, sa wakas at
nahanap na rin kita. Malapit na ang araw ng pagtatapos ng iyong buhay.” wika ni
Marinaus sa kaniyang isipan na nagbalat-kayo na isang matanda. “Ano nga ba ang
pangalan mo hijo?” Tinanong nito sa kaniya. “Ako po si Cala-.... Calixtus, anak ni
Pietrus Maximus Angleus.” Sagot naman niya. “Nagagalak akong makilala ka Calixtus!”
Sabi niya kay Calaph. “Hinding-hindi mo ako maloloko Calaph, anak ni Filimus, ang
diyos ng kasaganahan.” pabulong niyang sinabi . “Bago ka lang ba dito sa lugar na ito?,
ngayon ko lang kasi kita nakita.” Tanong ni Calaph sa kaniya. “Oo, ngunit dito ako
isinilang, nanggaling pa ako mula sa Persia.” ang sagot nito kay Calaph. “Sige po,
mauuna na po ako. Paalam po Mang .....” sabi niya kay Marinaus. “Minotus, Minotus
nalang ang itawag mo sa akin.” ang sabi ni Marinaus. “Paalam na din sa iyo Calixtus, sa
susunod na pagkikita ulit.” Sabi niya kay Calaph. Parehas silang umalis.

Habang paalis na si Marinaus, napagplanuhan nitong patayin si Calaph. Ngunit


hindi na niya nito ginawa. Samantala noong kinagabihan ng araw na iyon,
napanaginipan muli ni Calaph ang babaeng nagbabala sa kaniya. “Pagbati muli
Calaph, siguradong naaalala mo muli ako?” tanong niya kay Calaph. “Oo, naaalala kita,
sino ka ba talaga?” tanong ni Calaph. “Ako si Occideus, ang diyosa ng kalikasan at
kaligtasan.” sagot ni Occideus sa kaniya. “Mag-iingat ka sa matandang iyon, hindi siya
ang taong inaakala mo Calaph. Ang taong iyon ay ang diyos na si Marinaus, ang diyos
na magtatangka ng iyong buhay!” Sabi nito sa kaniya. “Imposible!, paano naman niya
ito magagawa?” tanong nito sa kaniya. Hindi na sumagot si Occideus. At muling
nagising si Calaph mula sa pagkakatulog. “Ano bang nagawa ko sa kaniya na dapat
niyang gawin ito sa akin?” tanong niya sa sarili. At agad siya muling natulog.

Samantala, ipinag-utos ng ama ni Floria na dapat na siyang ikasal sa kahit


sinumang lalaki, mortal man o diyos. Kaya’t ipinahayag ni Hermentia, ang mensahero
ng mga diyos ang balita ng ama ni Floria. “Mga mamamayan ng Kreta at Athenas.
Ipinapahayag ng ama ni Floria na lahat ng lalaki, mortal man o diyos na maaari na
ninyong hingiin ang kamay ni Floria para sa maaring pagpapakasal nito sa isa sa
inyong mga kalalakihan ng nayong ito.” wika nito. Nakaabot ito kina Marinaus, dahil kay
Klavirea at kay Calaph. Kaya’t naghanda na si Calaph sa pagpunta sa Bundok Olimpos
at kaniyang hingiin ang kamay ng kaniyang sinisinta. Naghahanda din si Marinaus para
pigilan si Calaph na maging diyos ulit.

Naunang pumunta kay Floria si Marinaus, hiniling nito ang kamay sa


pagpapakasal. Ngunit may mga pagsubok na ipinagawa ang ama nito sa kaniya, ngunit
may hindi ito napagtagumpayan na pagsubok. Ito ang huling pagsubok na ang
pagkakanta ng isang awitin ng may puso. Dahil nga mapusok ang puso nito, kaya’t
hindi siya nagtagumpay. Kinabukasan, si Calaph ang sumunod na pumunta kay Floria.
Ngunit iba ang ipinagawang mga pagsubok para sa kaniya. Una, ipinagutos ng ama ni
Floria na kumuha ng dahon sa puno ng buhay na nakakamatay ‘pag hinawakan. Ngunit
sa tulong ni Centauro, nakakuha sila ng dahon. Sunod, ay ang pagkuha ng balahibo
mula sa isang Sarimanok, isang ibon na mahirap mahagilap. Ngunit pinayuhan siya ng
mga ibon na pumunta sa Puno ng Buhay sa kabilugan ng buwan, at dapat itong
magbigay ng mga prutas. Sinunod niya ang mga ipinayo ng mga ibon sa kaniya. At
nagawa niya ang ikalawang pagsubok. Ngunit ang panghuli nitong pagsubok siya
nahirapan, dapat niyang putulin ang isang sanga mula sa puno ng buhay na hindi
mapuputol. Ngunit sa tulong ng mga langgam, pinutol nila ang isang sanga nito. Agad
nitong ibinigay ang lahat ng mga pagsubok sa ama ni Floria, at kaagad na tinupad nito
na ibigay ang kamay ni Floria kay Calaph. Kaya’t sila’y pumunta kay Francius, ang hari
ng mga diyos upang sila’y ikasal. Binigyan din nito si Calaph ng mahiwagang mansanas
mula sa Puno ng Buhay upang maging diyos muli ito.

Nalaman ito ni Marinaus at mas lalo pang sumiklab ang galit nito kay Calaph,
kaya’t nagplano ito na patayin si Calaph. “Calaph, napakawalang-hiya mo talaga.
Nagkaroon ka pa talaga ng lakas ng loob na agawin mo sa akin ang babaeng dapat ay
sa’kin?!” sinabi nito sa kaniya. “At kailan pa naging sayo si Floria, hindi sya naging sa
iyo at hindi kailanman siya mapapasaiyo. Kaya’t tigilan mo na ang iyong mga pantasya
na papasaiyo siya!” sagot niya kay Marinaus. Kaya’t silay nagtunggalian kung sino ba
talaga ang nararapat para kay Floria. At sa wakas, nagtagumpay si Calaph kay
Marinaus. Napilitan si Marinaus na lisanin ang Bundok Olimpos at pumunta sa
kailaliman ng mundo. At namuhay ang magsing-irog sa Bundok Olimpos ng payapa.

You might also like