You are on page 1of 4

Pangalan: Kristine Claire S.

Taruc
BSED-SCI A2020

Takdang Aralin # 3 - Pagbasa at Pagsulat sa Iba't - Ibang Disiplina (10212020)

1. Ibigay ang kahulugan ng salitang Pagsulat ayon kay Alcomtiser Tumangan,


Lalunio, Bernales at Peck/ Buckingham.

Ayon kay Alcomtiser Tumangan (1997) ang pagsulay ay isang paraan ng


pagpapahayag ng pag-iisip at damadamin ng isang tao sa pamamagitan ng mga
simbolo ng mga tunog ng salita. Ayon naman kay Rolando A. Bernales et. al, ang
pagsulat ay pagsasalin sa papel o ano mang mapagsasalinang gamit. Ayon naman
kay Peck at Buckingham, ang pagsulat ay eksteniyon ng wika mula sa karanasan
sa pakikinig, pagbabasa at pagsasalita, na kung saan sinusulat ng isang manunulat
ang kaniyang mga nabasa, narinig at mga karanasan. Pang huli ay ayon kay
LAlunio ang pagsulat ay isang prosesong sosyal o panlipunan bunga ng
interaktibong proseso ng mga magaaral at produkto ng sosyo-kultural na koteksto.

2. Anu-ano ang uri ng Pagsulat, layunin, Pilosopiya, Proseso at Istandard na


isinasaalang alang sa pagsulat.

May dalawang layunin ang pagsulat, ito ay ang ekspresibo at


transaksyonal. Ang ekspresibo ay ginagamit para sa layuning
pagpapahayag ng iniisip o nadarama, halimbawa ntio ay ang tula ng mga
makata. Ang transaksyonal naman ay ginagamit para sa layuning
panlipunan o pakikipag-ugnay sa iba pang tao sa lipunan, halimbawa nito
ay ang liham pangkalakal. Ayon kay Bernales, et al. (2001) may tatlong
layunin ang pagsulat, ito ay ang impormatibong pagsulat o expository
writing na ang mismong pokus nito ay ang paksang tinatalakay.
Mapanghikayat na pagsulat o persuasive writing, naglalayong makumbinsi
ang mambabasa tungkol sa isang katuwiran, opinyon o paniniwala. Ang
pangunahing pokus nito ay ang mambabasa na nais maimpluwensyahan
ng isang awtor nito. Malikhaing pagsulat o creative writing, ito ay
ginagawa ng mga manunulat ng mga akdang pampanitikan tulad ng
maikling katha, nobela, tula, dula, at iba pang malikhain o masining na
akda. Kadalasan ang pangunahing layunin ng awtor dito ay
pagpapahayag lamang ng kathang isip, imahinasyon, ideya, damdamin o
kombinasyon ng mga ito. Ang pokus dito ay ang manunulat mismo.
Mga pilosopiya sa pagsulat;
 Isang proseso, nangangahulugang mayroong sinusunod na
sistema. Ang mga nasabing sistema ay ang masinsinang pag-iisip,
mga katanungan sa isip ng mga manunulat, mga nais isulat,
paggamit ng balangkas, pagwawasto o paguulit.
 Isang proseso at produkto, ang mga nabuong proseso ay laging
mayroong produkto at ang naturang produkto ay madedebelop sa
pamamagitan ng pagsulat ng teksto hanggang sa mabuo o
maisulat ang pinal na teksto na handa ng malathala.
 Pagbuo ng isang pagpapasya, dapat pagpasyahan ng isang
manunulat ang simula at hangganan ng kanyang tekstong
isinusulat upang higit na maayos ang kanyang pagkakalahad ng
mga pahayag.
 Isang pagtuklas, ang isang manunulat ay patuloy na nananaliksik
upang higit na mapaunlad at maging makabuluhan ang mga
impormasyong ibinabahagi sa kanyang mambabasa.
 Isang kasagutan, lumilikha ang mga manunulat upang bigyang
katugunan ang mga katanungan sa isipan ng mga mambabasa,
upang makamtan nila ang kanilang hangarin sa pagbabasa.
 Sariling pagkakaalam, magkakaron ng kabatiran ang isang tao sa
pagsulat kapag personal niya itong ginawa o inaplay at
pagyayamanin sa pamamagitan ng paglinang nito.
 Ang pagsulat ay pakikipag ugnayan, sa pamamagitan ng pagsulat
naipapahayag ang lahat ng nais sabihin ng manunulat sa kanyang
mambabasa.
 Isang panghulma ng katauhan, kailangan taglayin ng isang
manunulat ang mga sumusunod: maparaan, maharaya o malikhain
pagiisip, may lubos na kaalaman sa paksa, may sistema at higit sa
lahat marunong magpigil sa sarili.
 Isang pagsubok, hinihamon ng pagsulat ang iyong pagiisip sa
nilalaman ng paksang iyong susulatin at ang lalim ng iyong
kaalaman sa iyong teksto
 Nangangailangan ng mahabang panahon, kailangan may
nakalaan na mahabang panahon sa pagsulat. Tiyaga at disiplina
ang kailangan upang mabuo ang iyong teksto, kalimitan may mga
bagay na isinasantabi muna para maisakatuparan ang pagsulat at
maipasa sa natakdang panahon.

Ang proseso ng pagsulat ay mahahati sa iba’t- ibang yugto. Ang mga


yugtong ito ay ang mga sumusunod; prewriting,writing, revising,editing.

Prewriting, lahat ng pagpaplanong aktibiti, pangangalap ng


impormasyon, pag iisip ng mga ideya, pagtukoy ng istratehiya ng pagsulat
at pag-ooraganisa ng mga materyales bago sumulat ng burador ay
nakapaloob sa yugtong ito.
Writing, mga ideya ay kailangang maisalin sa bersyong preliminari
ng iyong dokumento na maaari mong irebays nang paulit-ulit depende
kung gaano mo kinakailangan.

Revising, ito ay proseso ng pagbabasang muli sa burador nang


makailang ulit para sa layuning pagpapabuti at paghuhubog ng
dokumento. Maaaring sinusuri ng isang manunulat dito ang istraktura ng
mga pangungusap at lohika ng presentasyon.

Editing, ito ang pagwawasto ng mga posibleng pagkakamali sa


pagpili ng mga salita, ispeling, gramar, gamit at pagbabantas. Ang editing
ang pinakahuling yugto sa proseso ng pagsulat bago maiprodyus ang
pinal na dokumento.

Mga istandard sa pagsulat;


Kaisahan, ito ay may isang paksang tinatalakay. Kasapatan, ito ay
may sapat na detalye, ebidensya, patunay na sinasabi. Kalinawan, ito ay malinaw at
hindi maligoy ang mga pangungusap. Ugnayan, ito ay nakokonek at nagkakaugnay
ang mga pangungusap. Emphasis, pagbibigay ng higit na pansin sa
pinakamahalagang kaisipan

3. Ibigay ang Hakbang sa Pagsulat

Mahalagang masagot ng isang manunulat ang mga tanong na ito bago


siya magsimulang sumulat. Makatutulong ito upang paghandaan ang mga
posibleng suliranin na magaganap sa proseso ng pagsulat at kung paano
magagawan ng solusyon ang mga ito. Ang mga sumusunod ay ang mga
hakbang sa pagsulat.

 Pagbuo ng pangunahing paksa, dito iikot ang pagtalakay ng manunulat. Ang


paksa ay ang pinakakaluluwa ng sulatin.

 Pagbuo ng balangkas, dito makikita ang unang kabuuan ng salita. Ang


balangkas ay isa sa paraan ng pag-aayos ng mga ideya.
 Pangangalap ng datos, pagtitipon ng datos.
 Unang pagsulat, ang pagsulat ng nasa isipan ng walang pakialam sa mga
bantas.
 Pagrerebays at pag-eedit, upang higit na maiayos ang kabuuan ng unang
pagsulat.
 Muling pagsulat, pagpapahusay ng tekstong nirebays.
 Huling pagrerebays at pag-eedit, paghahanda ng sulatin para sa pinal na
pagsulat.
 Pinal na pagsulat, kailangan malinis na ang pagkakasulat.

4. Anu-ano ang Katangian ng pagsulat

Ang mga katangian ng pagsulat ay dapat may kaisahan ng paksa, may


kaugnayan o coherence, may diin o emphasis, may orihinalidad, makatotohanan,
at napapanahon.

5. Ipaliwanag ang 2 uri ng pagsulat

May dalawang uri ang pagsulat, ito ay ang teknikal at akademik. Ang
teknikal na pagsulat ay ginagamit sa komersyal at propesyonal na tao upang ang
teknikal na impormasyon ay maihatid sa iba’t-ibang mambabasa. Katulad na
lamang ng mga komersyal sa telebisyon, billboard at iba pang ginagamit sa
komersiyal. Sa kabilang dako, ang akademik na pagsulat ay may layunin na
pataasin ang antas at kalidad ng kaalaman ng mga estudyante. Halimbawa nito
ay ang paggawa ng isang research o thesis paper.

You might also like