You are on page 1of 2

PANGALAN: __________________________________________ MARKA: __________

Worksheet in EsP 6
Week 6
I.Panuto: Piliin ang titik ng tamang sagot. Isulat ito sa patlang bago ang bilang.
_____1. Natalo ang inyong grupo sa paligsahan sa pagsayaw. Ano ang dapat ninyong gawin
bilang ikaw ang lider ng grupo?
a. Nagpasya kang ibahin ang miyembro ng inyong grupo.
b. Nagpasya kang tanggalin ang mga miyembrong di-gaanong marunong sumayaw.
c. Nagpasya kang mag-ensayo pang mabuti ang bawat miyembro upang manalo sa
susunod na paligsahan.
_____2. Nawawala ang pitaka ng iyong ina. Alam mong naiwala mo ito ng ipahabilin niya ito sa iyo
sa palengke. Hindi niya ito maalala. Sinabi niyang hindi kakain ang lahat hangga’t
walang umaamin kung nasaan ito. Ano ang pasya mo?
a. Ililihim mon a lamang ito sapagkat wala naman talagang nakakaalam.
b. Nagpasya kang aminin na ito upang hindi madamay ang iba sa iyong kasalanan.
c. Sinabi mong nakita mo n a nalaglag ito habang hawak ito ng iyong ina.
_____3. Nakita mo ang lalaking nagtatapon ng basura sa ilog na nakakalason sa mga isda at
naninirahan malapit dito. Namukhaan mo ito at pinaghahanap ito ng mga opisyal ng
barangay. Ano ang pasya?
a. Ituturo ko ang lalaking ito sa mga opisyal ng barangay.
b. Hindi ko ito pakikialaman sapagkat malayo naman ako sa ilog.
c. Mananahimik ako kahit may alam ako sapagkat baka ako ang balikan ng lalaki.
_____4. Apat na pirasong tinapay na lamang ang natira sa mesa. Gutom na gutom ka at
napansin mong gayon din ang apat mo pang mga kapatid. Ano ang pasya mo?
a. Hahati-hatiin ko ang tinapay upang makakain ang lahat.
b. Kakainin ko ang isa sapagkat di naman nila alam at hahati-hatiin ko ang tatlo pang
natira para sa aming lahat.
c. Itatago ko na lamang ang tinapay upang di magkainggitan ang bawat isa.
_____5. Sunud-sunod na may nawawalang gamit sa inyong silid-aralan. Kilala mo ang kumuha
Nito at ito ay isa sa mga kaibigan mo. Nagagalit na ang guro at kung hindi pa aamin
ang gumagawa nito ay pare-pareho silang mapaparusahan. Ano ang pasya mo?
a. Tatahimik na lamang ako sapagkat baka magalit sa akin ang aking kaibigan.
b. Kakausapin ko ang aking kaibigan at sasabihin kong ibalik na ang mga kinuhang gamit
ng palihim.
c. Kakausapin ko ang guro at sasabihin kong alam ko kung sino ang kumukuha ng mga
gamit sa silid-aralan.
_____6. Magkaibigan kayo nina Hanna at Trisha. Isang araw, nag-away sila at di nagkikibuan.
Tinawag mo sila at kayo’y nag-usap-usap. Tinanong moa ng dahilan ng kanilang di
pagkikibuan at pareho silang may katwiran. Ano ang iyong pasya?
a. Hindi na ako makikipagkaibigan sa kanila.
b. Kampihan kung sino ang pinakamalapit sa iyong puso.
c. Pagbatiin ang dalawa at hikayating kalimutan na ang nakaraan at di pagkakaunawaan.
_____7. Si Juni ang napiling lider sa pangkatang gawain sa Filipino. Iniasa na sa kanya ng lahat
Ng kanyang mga ka-miyembro ang lahat ng gawain. Minsan nagalit na siya sapagkat hindi
siya sinusunod ng kanyang mga ka-miyembro.
a. Bibitawan na niya ang pagiging isang lider sa isang pangkatang gawain.
b. Itatanong niya sa kanyang mga ka-miyembro ang problema upang agad na
masolusyunan ito.
c. Gagawin na lamang niyang mag-isa ang proyekto upang di magalit ang guro.
_____8. Magkakaroon kayo ng pangkatang gawain. Gagawa kayo ng isang proyekto na ilalagay
Sa exhibit. Ikaw ang naatasang lider.
a. Ang mga miyembrong di ko kasundo ay bibigyan ko ng mahirap na gawain.
b. Ang mga kaibigan ko ay bibigyan ko lamang ng magagaang gawain.
c. Ipapamahagi ko ang mga gawain ayon sa kanilang kakayahan.
_____9. Nais ninyong bumili ng karagdagang electric fan sa inyong silid-aralan. Iminungkahi ninyo
ito sa inyong president. Ito ang kanyang naging pasya.
a. Aalamin muna kung magkano ang maiaambag ng nakakarami bago magpasya.
b. Ang mayayaman ay magbibigay ng mas mataas na halaga kaysa mahihirap.
c. Bawat isa ay magbibigay ng limampung piso.
____10. Nagbigay ng anunsyo ang punungguro ng paaralan na nararapat na gumamit ng
Computer ang lahat ng mga guro sa kanilang pagtuturo. Ang hindi susunod dito ay
kukwestyunin at hindi mabibigyan ng promosyon. May ilang nagmungkahing mga guro. Alin
kaya dito ang makatwiran?
a. Bigyan muna ng ilang linggong pagsasanay ang lahat bago ito ipatupad.
b. Kailangang ipatupad agad ito sapagkat mayroong mga guro na marunong gumamit ng
computer at maaari na silang makauna sa promosyon.
c. Sa sariling bulsa kukunin ang gastos sa pag-aaral ng computer sa mga gurong hindi pa
marunong gumamit ng computer bago ipatupad.
____11. Ang iyong matalik na kaibigan ay napagbintangang kumuha ng lapis sa opisina ng
punungguro. Dahil sa takot, umamin siya kahit di niya ito ginawa. Napag-alaman mo na
ang lapis ay bigay lamang sa kanya ng mag-aaral na totoong kumuha sa opisina ng
punungguro. Hindi alam ng iyong kaibigan na ito ay nakaw.
a. Kalimutan na ang pangyayari sapagkat ito ay tapos na.
b. Pumunta sa opisina ng punungguro at sabihin ang nalalaman.
c. Lalayuan ang matalik na kaibigan upang di ka madamay sa gulo.
____12. Sinabi sa iyo ng iyong kaibigan na nais niyang sumama sa iyo sa mall ngunit baka di siya
payagan ng kanyang ina. Ano ang ipapayo mo sa kanya?
a. Huwag nang magpaalam sa ina sapagkat di rin naman nito malalaman.
b. Magpaalam muna sa ina bago sumama.
c. Ipaalam na may gagawin lamang proyekto sa paaralan.
____13. Inanunsyo ng inyong guro na magkakaroon kayo ng field trip kung saan pupunta kayo sa
mga lugar na marami kayong matututunan. Sinabing magiging masaya kung sasama ang
lahat. Napag-alaman mong marami sa iyong mga kaklase ang di makakasama sapagkat
may kamahalan ang bayad dito. Ano ang sasabihin mo sa guro?
a. Ang mga mag-aaral na may kakayahang magbayad ang magiging kasama na lamang.
b. Huwag ng ituloy kung hindi makakasama ang lahat.
c. Maglikom ng donasyon o tulong para makasama ang mga mag-aaral na hindi
makabayad.

B. 1. Nag-aaway ang iyong kapatid at pinsan. Pinipilit ng iyong kapatid na siya ang nagmamay-ari
Ng perang napulot ng iyong pinsan ngunit di-sumang-ayon ang iyong pinsan kaugnay dito.
Sa kanya raw ang perang ito na bigay ng kanyang ina. Ano ang gagawin mo? Paano mo ito
masusulosyunan? Paano ka makapagbibigay ng makatwirang pasya? Paano mo
maipapakita ang balanseng pagtingin sa pagbibigay ng pasya? ( 7 points )

II. PERFORMANCE TASK


Panuto: Bumuo ng isang maikling sanaysay tungkol sa kahalagahan ng pag-iisip ng mabuti sa
magiging epekto ng sariling pasya sa iba.

You might also like