You are on page 1of 16

6

EDUKASYON SA PAGPAPAKATAO
UNANG MARKAHAN – MODULE 1
(Week 1-4)

SUPER BP
(Batang Pinoy)

1
Module 1: Super BP (Batang Pinoy)

Unang Bahagi

Ang modyul na ito ay magtuturo sa iyo ng mga hakbang kung paano ginagawa ang pagsusuri
sa mga bagay na may kinalaman sa iyong sarili at pangyayari na iyong nararanasan sa araw-araw.
Mahalagang matutuhan mo at maisaisip na ang pagsusuri ng mga bagay na may kinalaman sa sarili at
mga pangyayari ay daan upang makapagsagawa ka ng tamang desisyon nang may katatagan ng loob
na makabubuti hindi lamang para sa iyong sarili kundi para sa nakararami.
Mahalagang kilala mo ang iyong sarili, masuri mo ang mga maliliit na detalye tungkol sa iyong
sariling gusto, potensyal, interes at maging ang iyong mga kahinaan dahil kalimitang ito ay paraan
upang makamtan ang mga pangarap mo sa buhay.

Sa katapusan ng modyul na ito, inaasahang:

1. Nakapagsusuri nang mabuti sa mga bagay na may kinalaman sa sarili at pangyayari.


(MELC EsPPKP-Ia-i-37)

Ang tao bilang nilikha ng Panginoon ay binigyan ng malayang kaisipan na makapagdesisyon


para sa kanyang sarili. Subalit ang bawat desisyon ay may kaukulang resulta na maaaring
magbunga ng hindi maganda para sa sarili at maaaring gayun din sa iba.Kaya naman mahalaga
ang magkaroon ng mapanuring pag-iisip bago bumuo ng pasya o gumawa ng isang desisyon.

Ang mapanuring pag-iisip ay nangangahulugan ng pagkakaroon ng kaalaman sa sarili at sa


pangyayari; pagsusuri ng mga maaaring gawin at pagtitimbang ng posibleng maging resulta nito.
Ang paghingi ng gabay sa Panginoon sa panahong kailangang magpasya ay makabubuti upang
makapagdesisyon nang tama hindi lamang para sa sarili kundi para sa nakararami.

Ikalawang Bahagi

Gawain 1-A

A. Panuto:Basahin at unawaing mabuti ang ipinapahayag ng bawat pangungusap. Piliin at isulat


sa sagutang papel ang titik ng tamang sagot.

1. Ito ay nangangahulugang pangkaisipang nangangailangan ng pagsusuri at pagpili sa isang


bagay, pangyayari o sitwasyon.
A. Desisyon o Pasya C. Kagustuhan
B. Komunikasyon D. Interpretasyon

2. Ipinatawag ka ng tagapayo ng nakababata mong kapatid. Dahil sa paglalaro ay nadulas ang


kapatid mo at nabalian ng buto. Iyak ito ng iyak nang makita ka. Natatakot siya na mapagalitan

2
ng inyong mga magulang dahil kalalabas lang sa ospital ng tatay ninyo na nagkasakit. Ano ang
gagawin mo?
A. Tatawagan ang magulang at ipapaalam ang nangyari.
B. Hindi magsasalita ngunit titingnan ng masama ang kapatid.
C. Paalalahanan ang kapatid na sa susunod ay mag-ingat siya nang husto.
D. Yayakapin ang kapatid mo at sasabihing lakasan niya ang kanyang loob at gagaling din
siya agad.
3. Sa pagsakay ninyo sa sasakyan ay may nakasabay kayong isang matanda. Ibinigay mo ang
iyong upuan sa matanda. Anong ugali ang ipinakita mo?
A. Katatagan C. Pakikiisa
B. Katapatan D. Tamang pagdedesisyon
4. Madalas kang sumali sa mga palaro sa paaralan. May isa kang kamag-aral na alam mong higit
na magaling na manlalaro kaysa sa iyo. Nais niyang patunayan ang kanyang kakayahan. Ano ang
gagawin mo?
A. Sasabihin sa kamag-aral na siya na lang muna ang pumalit sa iyo.
B. Ipakilala siya sa tagapagsanay para mabigyan ng pagkakataon.
C. Sabihin sa tagapagsanay na wala siyang disiplina sa mga pagsasanay.
D. Magkunwaring walang nalalaman sa kakayahan ng iyong kamag-aral.
5. Sa pagbuo ng pasiya, kailangan mong _____.
A. magkaroon ng patunay
B. ipilit ang iyong opinyon
C. humingi ng opinyon sa mga kaibigan mo lamang
D. magbigay ng labis na pansin sa mga patunay na sumusuporta sa iyong personal na
pananaw.

Gawain 1-B

B. Panuto:Isulat ang TAMA kung wasto ang isinasaad ng pangungusap at MALI kung hindi
wasto. Isulat ang sagot sa sagutang papel.

_____6. Ang katatagan ng loob ay naipakikita sa mga gawaing nagpapabuti sa iyo kahit gaano ito
kahirap.
____7. Ang mapanuring pag-iisip ay nangangahulugan ng pagkakaroon ng kaalaman sa suliranin,
pagtitimbang ng maaring gawin, at pagpili nang pinakamabuti bago bumuo ng isang pasiya.

3
_____8. Pagkatapos ng klase sumama ka sa iyong mga kamag-aral na pumunta sa isang video shop
na malapit sa inyong paaralan. Kahit na nagbilin ang iyong ina na kailangan mong umuwi ng maaga
dahil mayroon siyang ipagagawa sa iyo.
_____9. Ipinipilit mo ang iyong pasiyang ginawa kahit na hindi sumasang-ayon sa iyo ang iba pang
miyembro ng pangkat.
_____10. Tumutukoy sa pagtatago ng mga detalye sa isang suliranin ang mapanuring pag-iisip.

Gawain 2-A
A. Panuto: Basahin ang kuwentong may pamagat na “Isang Dakilang Anak” at sagutin ang mga gabay
na tanong pagkatapos. Gawin ito sa sagutang papel.
Mahalaga ang katatagan ng loob sa pagharap sa mga pagsubok sa buhay. Basahin ang kuwento.
Alamin kung paano ito naipakita ng isang batang nag-aayos ng paninda.

Source: www.abs-cbn Source: www.abs-cbn.com/news

.com/news
ISANG DAKILANG ANAK
Isinulat nina: Zenaida R. Ylarde at Gloria A. Peralta

Maaga pa ay gising na si Albert. Tumutulong siya sa nanay sa pag-aayos ng kakanin na


hinahango sa kanilang kapitbahay. Itinitinda ng kanyang nanay ang kakanin sa harap ng kanilang
bahay. Binabayaran ang nanay ayon sa bilang ng kakanin na kanyang naibenta.
Pagkatapos maiayos ang ibebenta ng Nanay, naghahanda na siya para sa pagpasok sa
paaralan. Ito ang karaniwang gawain ni Albert, halos taon na rin ngayon.
Nag-iisang anak si Albert, nakita siya ng mga batang naglalaro sa kalye.
“Eto na si Biko-Kutsinta!” pangungutya ni Gerry.
“Tama, at masama ang lasa ng itinitinda mong pagkain. Mga chocolate cake kaya ang
itinda mo, mas masarap.,” dagdag ni Mark.
Hindi na lang sila pinansin ni Albert. Ilan lamang sila sa mga taong nakakatagpo niya sa
daan araw-araw. Tuloy lang siya ng paglakad. Naalala niya ang payo ng kaniyang ina na laging
maging mahinahon at huwag makikipag-away kahit ginagalit.

4
Karaniwang masayang umuuwi si Albert pagkatapos mag-aral. Masaya siya dahil may
natutuhan na naman siya sa pag-aaral.
“Ikaw bayan, anak?” tanong ng nanay ni Albert. “Magpahinga ka muna anak. Nagawa mo
na ba ang takdang aralin mo? “Opo, Nanay,” sagot ng mabuting anak. “Kumain po tayo para
makainom na kayo ng gamot ninyo.”
Maluha luha si Aling Vicky, ang ina ni Albert. “Mabait ang anak ko at matatag ang loob sa
pagharap sa mga pagsubok na nararanasan namin. Hindi rin siya nagrereklamo. Alam kong
magiging maganda ang kinabukasan niya. Suwerte talaga ako sa pagkakaroon ng anak na tulad
niya. Patnubayan nawa siya ng Diyos, bulong ng ina sa sarili.
Minsan, nakakuha ng mababang marka si Albert sa kanyang pagsusulit. Inaalagaan niya
kasi noon ang inang maysakit kaya hindi siya nakapag-aral. Kinausap siya ng guro niya at sinabi
sa kanya ang tungkol dito. Naikwento ni Albert sa guro ang kanyang sitwasyon. Bukod sa
tumutulong siya sa pagtitinda ng kaniyang Nanay, kung minsan inaalagaan niya ito kapag may
sakit.
Isang lingo pagkatapos ng pag-uusap nila ng kanyang guro, ipinatawag siya sa opisina ng punong-
guro. May magandang balita para sa kaniya: ang Parents-Teachers Association (PTA) ng kanilang
paaralan ang magbabayad sa kanyang gastusin sa paaralan. Makakakuha pa siya ng regular na
panggastos.
Masayang- masaya niyang sinabi sa kanyang nanay ang magandang balita.
Hindi na kailangang kumuha ng panindang kakanin si Albert sa umaga. Bihira na ring
magkasakit ang kaniyang ina. Nagkaroon na ng oras sa mga kaibigan si Albert. Dahil matulungin si
Albert, tinuturuan niya ang mga kamag-aral niyang mababa sa mga pagsusulit.
Salamat po, Diyos ko, sa katatagan ng loob na ibinigay Ninyo sa anak ko, nakangiiting wika
ni Aling Vicky.

Mga gabay na tanong.

1. Ilarawan si Albert. Ano ang kaniyang katangian?


__________________________________________________________________________________
__________________________________________________________________________________

2. Ano ang ginawani Albert para tulungan ang kaniyang Ina? Bakit niya ito ginawa?
__________________________________________________________________________________
__________________________________________________________________________________
3. Kung ikaw si Albert, gagawin mo rin ba ang ginawa niya? Bakit?

5
__________________________________________________________________________________
__________________________________________________________________________________
4. Mayroon ka bang mga nararanasan na kinakailangan mong maging matatag? Ano ang iyong
ginawa?
__________________________________________________________________________________
__________________________________________________________________________________
5. Bakit mahalagang maging matatag ang loob sa pagharap sa mga pagsubok?
__________________________________________________________________________________
__________________________________________________________________________________

Gawain 2-B.
Panuto:Sagutin ang mga sumusunod na tanong ng “Oo” o “Hindi” at ipaliwanag ang iyong sagot.
Gawin ito sa sagutang papel.
1. Naniniwala ka ba na ang katatagan ng loob ay maaaring maipakita sa pamamagitan ng pagtulong
sa kapuwa?
__________, __________________________________________________________________
______________________________________________________________________________
2. Matiyaga mo bang ginagawa ang mga gawain sa paaralan kahit may mga panahong nahihirapan
ka na?
__________, __________________________________________________________________
______________________________________________________________________________
3. Lumalahok ka ba sa mga timpalak/programa sa paaralan?
__________, __________________________________________________________________
______________________________________________________________________________
4. Susubukan mo pa rin bang ituloy ang pagsali sa grupo ng mga mang-aawit sa inyong simbahan
Kahit na hindi ka nakapasa sa una mong pagsali rito?
__________, __________________________________________________________________
______________________________________________________________________________

5. Ipagpapatuloy mo pa rin ba ang paggawa ng proyekto kahit na maikli lamang ang panahon para
Gawin ito?
__________, __________________________________________________________________
______________________________________________________________________________

6
Gawain 3-A
A. Panuto:Basahin ang tula at sagutin ang mga gabay na tanong pagkatapos. Gawin ito sa sagutang
papel.
ANG TAMANG PASIYA
(Malayang salin ng “The Right Decision”)

Maraming nagsasabi,
“Mahirap bumuo ng isang pasiya.”
Dahil maaaring maging mapanganib ang bunga nito.

Bibigyan ako nito ng isang pagsubok


At ‘pag nag-alinlangan ako sa mga bagay maaring dahilan ng away at sakit sa ibang tao.

Narating ang tamang pasiya, samakatuwid,


Pagkatapos nang maingat na pag-iisip,
At pagtitimbang ng mga bagay-bagay.

Sa ganoon, walang nasasaktan.


Kaya, dapat kong timbanging mabuti ang mga pagpipilian.

Dapat mapanuri akong mag-isip.


Sa ganoon, makabubuo ako ng pinakamabuting pasiya.

Mga gabaynatanong.

1. Bakit sinasabing mahirap bumuo ng pasiya?


__________________________________________________________________________________
__________________________________________________________________________________

2. Paano nararating ang tamang pasiya?


__________________________________________________________________________________
__________________________________________________________________________________

3. Nakabuo ka na ba ng mahalagang pasiya? Tungkol saan ito? Nahirapan ka bang magpasiya?


Bakit?
__________________________________________________________________________________
__________________________________________________________________________________

4. Paano nakaapekto sa ibang tao ang iyong pasiya?


__________________________________________________________________________________
__________________________________________________________________________________

5. Ano ang naramdaman mo pagkatapos mong magpasiya?


__________________________________________________________________________________
__________________________________________________________________________________

7
Gawain 3-B

Panuto:Punan ng mga salita ang patlang upang mabuo ang konsepto ng aralin. Piliin ang sagot
sa kahon.

Ang mapanuring ____________________ ay nangangailangan ng kaalaman sa


____________________, pagtitimbang ng maaring ___________________ at
_____________________ ng pinakamabuti bago gumawa ng
_______________________.

suliranin pagpili pag-iisip gawin pasiya

Gawain 3-C
Panuto:Gamit ang tsart, pumili ng isa sa mga sumusunod na sitwasyon at gumawa ng matalinong
pagpapasiya.

1. Bumagyo at nilipad ang inyong bubong.

2. May binili kang tinapay na ipasasalubong mo sa iyong kapatid. Habang ikaw ay


naglalakad pauwi sa inyo, may nakita kang bata na namamalimos.

3. May pagsusulit sa inyong paaralan subalit may sakit ang iyong nanay at walang
kasama sa bahay.

4. Nakapulot ka ng pitaka, nang iyong buksan ay may laman itong pera at I.D. ng may-
ari.

Bilang Tanong Sagot


1 Ano ang tiyak na problema _____________________________________________
na kailangang malutas? _____________________________________________
_____________________________________________
_____________________________________________

_____________________________________________

8
Magbigay ng limang _____________________________________________
2 solusyon. _____________________________________________
_____________________________________________

3 Timbangin ang mga _____________________________________________


solusyong ibinigay. Isulat _____________________________________________
ang mabuti at di-mabuting _____________________________________________
epekto nito _____________________________________________

4 Sa mga ibinigay na _____________________________________________


solusyon, piliin ang _____________________________________________
pinakaepektibo. Ipaliwanag _____________________________________________
kung bakit. _____________________________________________

5 Paano mo maipakikita ang _____________________________________________


paninindigan mo sa iyong _____________________________________________
pasya? _____________________________________________
_____________________________________________

SUSI SA PAGWAWASTO

GAWAIN 1-A GAWAIN 2-A GAWAIN 3-A


1. A
2. A, C, D ANSWERS MAY VARY ANSWERS MAY VARY
3. D
4. B
5. A
GAWAIN 3-B
GAWAIN 2-B Pag-iisip
Suliranin
GAWAIN 1-B ANSWERS MAY VARY
Gawin
1. TAMA Pagpili
2. TAMA Pasiya
3. MALI
4. MALI
5. MALI
GAWAIN 3-C

SANGGUNIAN ANSWERS MAY VARY

Ugaling Pilipino sa Makabagong Panahon 6


Batayang Aklat, pp. 2-17
Zenaida R. Ylarde, Gloria A. Peralta, Ed.D.

K to 12 MELCS with CG codes, pp. 86-89

www.google.com/images

9
Republic of the Philippines
Department of Education
Region I
Pangasinan Division II
Binalonan

WORKSHEETS IN EDUKASYON SA PAGPAPAKATAO 6


QUARTER 1 WEEK 1-4

MELC: Nakasasang-ayon sa pasya ng nakararami kung nakakabuti ito.(EsP6PKP –lai-37)

Pangalan: _________________________________________________ Petsa: __________________

Baitang at Seksyon: ________________________________________ Iskor: ____________________

Written Works
I. Panuto: Basahin at unawain ang ipinapahayag ng bawat pangungusap. Piliin at isulat sa sagutang
papel ang titik ng tamang sagot.

_____1. Galing ka sa isang malaking pamilya. Alam mong nahihirapan ang mga magulang mo sa
pagbibigay ng mga kailangan ninyong magkakapatid. Ano ang gagawin mo?

A. Titigil sa pag-aaral C. Iiwasang bumili ng mga bagay na hindi kailangan.


B. Babawasan ang kinakain D. Hahanap ng trabaho upang kumita ng maraming pera.

_____2. Pareho kayo ng kapatid mo na kailangang bumili ng tela para sa inyong kasuotan sa isang
palabas ngunit kulang ang inyong pera. Ano ang gagawin mo?
A. Hihiram ng kasuotan sa kaibigan
B. Uutang ng pera sa mayamang kamag-aral
C. Maghahanap ng damit na maaaring magamit
D. Igigiit sa magulang na bumili ng telang kailangan

_____3. Maaga kang pumapasok sa paaralan dahil isa ka sa mga tagapaglinis ng inyong silid aralan.
Nang dumating ka sa paaralan, wala pa ang iyong mga kasamahan. Ano ang nararapat mong gawin?
A. Maglinis ng silid-aralan kahit wala pa ang mga kasamahan.
B. Hintayin munang dumating ang mga kasamahan bago umpisahan ang paglilinis
C. Gawin agad ang paglilinis nang mabuti kahit nag-iisa
D. Hintayin ang guro para makita niyang mag-isa kang gumagawa

10
_____4. Binigyan ka ng tatay mo ng tatlong ticket para makapasok sa museo. Dati ka nang nakapunta
sa museo na iyon pero interesado ka pang pumunta muli. Nais ng mga kaibigan mo na pumunta pero
apat kayo at tatlo lamang ang ticket ninyo. Ano ang gagawin mo?
A. Bibili ng isa pang tiket
B. Hindi ka na lang sasama dahil dati ka nangnakapunta
C. Magmumungkahi ng bunutan
D. Iiwan ang isa ninyong kaibigan.
_____5. Noong isang taon, dumalo ang klase ninyo sa isang sesyon ng Sangguniang Bayan. Ngayong
taon, dadalo uli ang klase ninyo pero sampung mag-aaral lamang ang papayagang dumalo. Isa ka sa
napili. Nais magmasid ng bago mong kamag-aral kung paano pinamamahalaan ng mga opisyal ng
bayan ang sesyon, pero hindi siya kasama sa pinayagang dumalo. Ano ang gagawin mo?
A. Hihikayatin ang guro na isama siya sa mga dadalo
B. Magkunwaring hindi narinig ang paggiit ng kamag-aral.
C. Hindi na sasama at ibibigay na lamang ang pribelehiyo sa kamag-aral
D. Sabihin sa kamag-aral na ikukuwento na lang sa kaniya ang mangyayari
_____6. Ang pasiya na dapat gawin ay para sa kabutihang __________.
A. panlahat C. para sa lider
B. para sa sarili D. para sa hindi miyembro ng pangkat
_____7. Naipakikita ang pakikipagtulungan sa _____________.
A. hindi paggawa sa napagkasunduan
B. pagtatrabaho kasama ang iba tungo sa isang layunin
C. hindi pagsasabi ng kahit ano ngunit magkikimkim ng sama ng loob sa ibang
miyembro ng pangkat.
D. pagpipilit na gawin kung ano ang tama sa kaniyang isip kahit hindi sang-ayon ang
iba pang miyembro.
_____8. Sa paggawa ng mga pasiya, dapat ___________.
A. sinusunod ang sariling kagustuhan
B. ginagawa ang hinahangad ng mga kakilala at awtoridad
C. hinahayaan ang ibang mga miyembro na magpasiya para sa lahat
D. nagpapakita ng pagkamakatwiran sa mga maapektuhan ng pasiya.
_____9. Alin sa mga sumusunod ang nagpapakita ng mapanuring pag-iisip?
A. pagtatago ng mga detalye ng isang suliranin
B. pagtatanong sa inyong guro ng kaniyang opinyon
C. pagpapaliwanag ng sariling punto at pagpipilit nito sa iba
D. pag-aaral nang mabuti sa mga patunay bago gumawa ng isang pasiya

11
_____10. Kung ikaw ay binibigyan ng isang sulating takdang-aralin ng inyong guro, alin sa mga
sumusunod ang dapat mong gawin?
A. Isulat kahit papaano ang takdang-aralin
B. Ipasulat sa nakatatandang kapatid
C. Sisikaping malinis, maayos at wasto ang pagsusulat.
D. Magreklamo sa guro

II. Panuto: Basahin at unawaing mabuti ang bawat pangungusap. Sagutin ng Oo kung ang
ipinapahayag ng bawat pangungusap ay dapat mong gawin at ipagpapatuloy at Hindi naman kung
hindi dapat gawin. Gawin ito sa sagutang papel.

___ 1. Kung anong naisip kong sabihin, magsasalita ako kahit alam kong may masasaktan.

___ 2. Makapagbibigay lamang ako ng pasiya kung alam kong ang magiging resulta nito ay para sa
kabutihan ng nakararami.

___ 3. Nagtatampo ako kapag hindi nakikiayon ang iba sa aking pasiya.

___ 4. Kahit na sinasalungat ang aking pasiya, inuunawa ko ang mga nagbibigay nito.

___ 5. Ayaw kong masisi ako ng iba kaya hindi ako gumagawa ng pasiya.

___ 6. Naninindigan ako sa kung ano ang totoo at makabubuti sa lahat bago ako magpasiya.

___ 7. Pabigla-bigla ako sa pagpapasiya dahil gusto ko na may sagot agad ako sa suliranin.

___ 8. Magtitimpi ako kung kakausapin ako ng mahinahon kahit na magkasalungat ang aming ideya.

___ 9. Iniisip ko muna ang mga maaaring kalabasan ng aking pasiya bago ako gumawa nito.

___ 10. Sakit sa ulo ang mag-isip kaya umiiling na lang ako kapag tinatanong.

PERFORMANCE TASK 1

I. Panuto: Basahing mabuti ang kwento at sagutin ang mga gabay na tanong.Gawin ito sa sagutang
papel.

Dumating na nga ang pagkakataong hinihintay ng magkakapatid. Isang araw ng Linggo, pagkatapos ng
hapunan, pinulong ng mga magulang nila ang tatlong magkakapatid at ipinaalam ang sitwasyong dapat
bigyan agad ng pagpapasiya.

TATAY: Mga anak, kailangan nating pagpasiyahan kung papayag tayo na bilihin ng katabi
nating mall ang ating bahay at lupa. Mukha na tayong kawawa dito. Isa pa mga anak, kahit
sarili natin ang bahay at lupa, mukha na tayong squatter dito. Kaya, sinabi ng inyong ina na
papayag na siya na ipagbili ang ating bahay at lupa, pumayag na ako.

12
Ang inyong pasiya na lamang ang aming hinihintay.
JONAS:Oo nga Tatay, mukha na nga tayong kawawa dito, pero patagalin pa natin para
tumaas pa ang halaga ng ating bahay at lupa.
NANAY: Ikaw Leah, anong pasiya mo?
LEAH: Ok lang po sa akin kasi kailangan na. Hindi na talaga tayo bagay dito.
JONAS: A, ewan sa inyo! Ang kabutihan ng pamilya ang iniisip ko kaya gusto kong pataasin
pa ang halaga ng ari-arian natin!
NANAY: Ikaw anak?
JENNY: Kahit po malalayo ako sa kamag-aaral ko at kaibigan, payag po ako na iwan na natin
ang bahay na ito, kasi kailangan na.
NANAY: Aba! Kahit bunso, bukas ang isipan a! Hayaan ninyo, susundan ko sa kuwarto ang
kuya ninyo. Paliliwanagan ko.

Mahigit isang oras ding nag-usap ang mag-ina. Bumalik sila sa kusina at sinabi ni Jonas na
dahil siya lang ang may ibang pasiya, at napagpaliwanagan naman siya ng kaniyang ina na ang tawad
na tatlong milyong piso para sa maliit na bahay at lupa ay malaki na ring maituturing.

Napagkasunduan din ng mag-anak na sa Dasmarinas na sila bumili ng bahay at lupa, at doon


na rin sila lahat magtatrabaho at mag-aaral.

Dahil sa pagbukas ng isipan at mahinahong usapan, nagkaisa ang buong pamilya.


Sagutin ang mga sumusunod na tanong.
1. Ano ang naging problema ng pamilya Gomez?
________________________________________________________________________
2. May katwiran ba si Jonas na huwag pumayag sa pasiya ng buong pamilya na ipagbili ang
kanilangbahay at lupa?
________________________________________________________________________
3. Ano ang batayan ng wastong pagpapasiya?
________________________________________________________________________
4. Bakit mahalaga ang maging mahinahon sa pagpapasiya? Ano ang mabuting naidudulot
nito?
________________________________________________________________________
5. Kung ikaw ay isa sa mga miyembro ng pamilya, ano ang magiging pasiya mo? Ipaliwanag
ang iyong sagot.
________________________________________________________________________

II. Panuto:Sumulat ng sanaysay kung paano nakakabuti ang pagsunod sa pasiya ng nakakarami.
Gawing batayan ang pamantayan sa ibaba.

___________________________________________________________________________
__________________________________________________________________________________

13
__________________________________________________________________________________
__________________________________________________________________________________
__________________________________________________________________________________
__________________________________________________________________________________
__________________________________________________________________________________
__________________________________________________________________________________
__________________________________________________________________________________
___________________________

PamnatayansaPagsulat ng Sanaysay

5 3 1
1. Organisado at may kaisahan ang mga
pangungusap sa bawat talata
2. Magkakaugnay-ugnay ang mga talata
3. Malinis at maayos ang pagkakasulat

PERFORMANCE TASK 2

I. Panuto: Sagutin ng TAMA O MALI ang bawat pangungusap. Isulat ang sagot sa patlang bago ang
bilang.

_______1. Bukas na isipan ay isang palatandaan na ang tao ay nagsusuri ng mga bagay na may
kinalaman sa sarili at pangyayari.

_______2. Ang social media ay pampubliko at ang pagkakilala sa atin dito ay tulad na rin sa pagkilala
sa atin sa personal.

_______3. Ugaliing basahin nang buo at maigi ang nilalaman ng artikulo bago magbigay ng komento.

_______4. Pagpapakalat ng impormasyong hindi kapani-paniwala.

_______5. Ang social media ay para sa pagkakaibigan at pagkakaunawaan.

_______6. Panonood ng mga videos na ipinaghihigpit o ipinagbabawal.

_______7. Ang impormasyon ay nakatutulong upang maging maayos ang lahat.

_______8. Dapat balewalain ang mga nalalamang impormasyon.

_______9. Sa kasalukuyang panahon nakakakuha tayo ng tamang impormasyon sa radyo, telebisyon,


at maging sa internet.

_______10. Ang mahalagang impormasyon ay hindi ibinabahagi sa kapwa ng mahinahon.

14
II.Panuto: Iguhit ang masayang mukha sa patlang bago ang bilang kung wasto ang ginawa na
hakbang at malungkot na mukha kung hindi wasto ang hakbang na ginawa.

______1. Si Mang Randy ay isang opisyal ng barangay. Nakatanggap siya ng e-mail na magkakaroon
ng pagpupulong ang lahat ng opisyales ng barangay. Tiningnan niya ang pangalan ng
nagpadala, mula ito sa kalihim.

______2. Hindi pumasoksi Rowena sa eskwela sapagkat nabasa niya sa kanilang chat group na
walang pasok ngayon araw na ito sapagkat may pagpupulong daw ang mga guro sa inyong
paaralan.

______3. Nanonood ka ng telebisyon at nakita mo sa kanilang palabas na may makapal na usok


malapit sa inyong lugar. Sinabi mo agad sa iyong ina na mayroong sunog malapit sa inyo.
Nabigla siya at hinimatay dahil sa nerbiyos. Nalaman mo mula sa inyong kapitbahay na
nagsasagawa pala sila ng fogging sa inyong barangay.

______4. Ipinabasa ni Rhan Wayne sa kanyang mga magulang ang kanyang nabasa mula sa pagtaas
ng presyo ng mga bilihin bunsod ng napapanahong pandemya.

______5. Nakita mo sa iyong Facebook account na may isang babaeng nanawagan kung sino ang
nakakikilala sa matandang palaboy-laboy sa kanilang lugar at hinahanap ang kaniyang
pamilya. Nagkataon na kilala mo ang matanda at malapit lamang ang tirahan nila sa inyo
kaya pinuntahan mo agad ang kaniyang pamilya at ipinaalam ang kinaroroonan ng matanda.

______6. May parating na bagyo at napanuod mo sa telebisyon na mawawalan ng kuryente kaya


agad mong inihanda ang flashlight na inyong gagamitin.

______7. Narinig mo sa radyo na magtataas na naman ang lahat ng bilihin kaya agad mong sinabi ito
sa iyong magulang para makapaghanda sila sa napipintong pagtaas ng presyo ng bilihin.

______8. May nagpadala ng mensahe sa iyo pero hindi mo naman ito kilala sinabi niyang
magkakaroon ng malakas na lindol kinabukasan at sinabi mo agad ito sa iyong ina at ito ay
nawalan ng malay dahil sa kaba.

______9. Napanuod mo sa balita na bawal pa rin lumabas ang edad 15 pababa pero dahil akala mo ito
ay hindi totoo ikaw ay lumabas ngunit ikaw ay hinuli ng mga pulis dahil sa iyong paglabag.

______10. Hindi ka pumasok sa paaralan dahil sinabi ng iyong kaklase na wala kayong pasok.

15
PERFORMANCE TASK 3

Panuto: Lagyan ng tsek( / ) kung ikaw ay sumasang-ayon sa ipinapahiwatig ng bawat pangungusap at


ekis( x )naman kung hindi.Gawin ito sa sagutang papel.

___ 1. Ibinahagi mo ang naipong pera sa kapatid kahit siya ay may kasalanan.

___ 2. Hindi magsusumbong sa magulang na naligo sa ilog ang iyong kuya kahit na alam mong
ipinagbabawal ito ng iyong mga magulang.

___ 3. Nagkasakit ang iyong nanay at kailangan niya ang iyong pangangalaga kaya ikaw ay lumiban sa
klase.

___ 4. Nagtampo ka dahil hindi ka pinayagan na sumama sa inyong lakbay aral.

___ 5. Ginawa mo ang gawaing bahay na nakaatang sa iyong kapatid na may sakit.

___ 6. Iwasang bumili ng mga bagay na hindi kailangan.

___ 7. Igigiit sa magulang kung may gustong bagay kahit hirap sa buhay.

___ 8. Hahanap ng trabaho upang makatulong sa pamilya.

___ 9. Magkunwaring walang alam kapag tinatanong sa isang pangyayari na nakita.

___ 10. Magpaalam sa magulang kung may pupuntahan kasama ng mga kaibigan.

16

You might also like