You are on page 1of 5

1ST SLIDE: WELCOME

 Welcome sa inyong lahat, magandang umaga, ako nga pala si Adrian Maverick Sarte, you can
address me as Sir Mavs. Ako ang inyong magiging guro sa araw na ito.

2nd SLIDE: BALITAAN

 Bago natin simulan ang ating lesson, tayo muna ay magbalitaan!


 Ano ung mga news na nababalitaan ninyo patungkol sa Russia at Ukraine? (Tama mayroong
digmaang nagaganap sa pagitan ng dalawang bansa na ito)
 (Read PPT headlines)
 Ngayon ay tatanungin ko kayo, sa inyong palagay… Bakit kaya nagkakaroon ng mga digmaan
ang mga bansa?

(Maraming salamat sa inyong makabuluhang mga sagot na ibinahagi sa ating klase, bago ang
lahat magbalik aral muna tayo!)

3rd SLIDE: BALIK ARAL

 Naghanda ako ng mga mga salita na inyong bubuuhin na patungkol sa ating mga pinagaralan
noong nakaraang aralin.
 Maaring magtaas ng kamay ang gustong sumagot, ngunit paglipas ng sampung Segundo at wala
pang nagtataas ng kamay ay magtatawag ako ng sasagot. Ang di makasagot ay hahatulan ng
SAMPUNG TAONG PAGKABILANGGO.

(Read statement and reveal the answer)

4th SLIDE: PAGHAMBINGIN MO

 Ngayon, dadako naman tayo sa unang aktibidades para sa pagsisimula ng ating aralin sa araw na
ito. (Next slide paghambingin mo)
 Magprepresenta ako ng tatlong larawan na inyong oobserbahan, at pagtapos nito ay mayroon
akong mga tanong na inihanda para inyong sagutin. (After showing pics ask and reveal questions
1 by 1, 1 student per question only)

5th SLIDE: START OF THE LESSON

 Ngayon sisimulan na natin ang unang aralin sa unang yunit sa Ikaapat na Markahan. (Read
PPT)(Next Slide)
 (Layunin Read) (Next Slide)
6TH SLIDE: MGA DAHILAN WW1

 Ngayon ay dadako na tayo sa mga naging dahilan ng pagsiklab ng Unang Digmaang Pandaigdig
(Read PPT Slides)
 (Nasyonalismo) Ang kasabihan ng ana karaniwan nating napapakinggan, MASAMA ANG
SOBRA. Ang nasyonalismo ay isang magandang katangian na taglayin ng isang mamamayan ng
isang bansa, KUNG HINDI ITO AABOT SA SUKDULAN. “Mahalin ang iyong bayan at
ipagmalaki, ngunit huwag mo itong sambahin at maging superior ang tingin sa sarili!”
 (Imperyalismo) Ito ang isa sa mga epektibong taktika na ginagamit ng mga malalaking bansa
uoang makalamang sa ibang bansa. Kung kaya ganon na lamang kayaman ang mga bansa noong
panahon dahil sa pamamagitan nito ay naaangkin nila ang mga likas na yaman ng ibang bansa.

 (Militarismo) Dahil sa paglalaan ng pondo ng mga bansa sa kanilang seguridad, kadalasan ito rin
ang nagbibigay ng initiative na ito ay lumahok sa ano mang uri ng digmaan na maaaring
kasangkutan nito.
 (Pag-aalyansa) Ito marahil ang pinaka nagiging puno’t dulo ng paglaki ng saklaw ng
nangyayareng digmaan na dapat ay nasa pagitan lamang ng dalawang bansa.

Pagtapos natin talakayin ang mga dahilan na nagbunsod ng Unang Digmaang Pandaigdig,
dumako naman tayo sa ilan sa mga pangyayaring naganap noong Unang Digmaang Pandaigdig.
Dito ay ating oobserbahan, kung papaano ng aba nangyari ang digmaan.

7th SLIDE: WAR VISUALISATION:

 Dito ay tatalakayin natin ang ilan sa mga pangyayaring naganap noong Unang Digmaang
Pandaigdig.
(Read ppt reveal digmaan sa ganto ganyan)
 Mayroong dalawang alyansa ang binuo bago pa nagsimula ang Unang Digmaang Pandaigdig.
(Read PPT reveal alliances)
 Ngayon, ating alamin paano ng aba nagsimula ang unang digmaang pandaigdig? (Pakibasa any
volunteers?)
 So nakakagulat ang pangyayaring ito, pinatay ang mag asawang magmamana sa trono ng bansang
Austria-Hungary!!! Ngunit nakakapagtaka rin na bakit ito umabot sa punto na ang pangyayaring
ito ay naging digmaan sa pagitan ng iba’t-ibang bansa….

Ngayon ay dumako na tayo sa mapa na kung saan sumiklab ang unang digmaang pandaigdig, dito
ay makikita natin ang iba’t ibang pangyayari noong panahon na iyon.

(PPT reveal map)


8th SLIDE ULTIMATUM FOR SERBIA:

 Noong Hulyo Dalawamput tatlo, taong labing siyam labing apat, nagpadala ang Austria-Hungary
ng isang Ultimatum sa bansang Serbia na pinaghihinalaan na nagpondo sa pagpatay kay
Archduke Franz Ferdinand at sa asawa nito.
 Ang ultimatum ay naglalaman ng kagustuhan ng AustriaHungary, ngunit kabilang dito ang
kagustuhan nitong paglahok sa magiging proseso ng hustisya laban sa pumatay kay Archduke
Ferdinand. (next slide deliver letter) ngayon ano ang ginawa ng Serbia sa ipinadalang
ultimatum???
 Sa kabilang dako naman tinanggap ng Serbia ang laaht ng kondisyon na nakapaloob dito maliban
sa isa. (Participation on justice process of Austria-hungary). Dahil mapagsasawalang bahala nito
ang sariling soberanya ng bansa kung makikilahok ang ibang bansa dito.
 Dahil sa response na ginawa ng Serbia, hindi ito nagustuhan ng Austria-Hungary kung kaya’t ito
ay nagdeklara ng digmaan laban sa Serbia.
 Ika-28 ng Hulyo taong labing siyam labing apat, nagsimula ang unang pag-atake sa panig ng
Austria-Hungary, sa Belgrade ng Serbia.
 Dahil sa pagatake na ito, ang Russia bilang isang kapwa slav nation na kalahi ng Serbia, Si
Nicholas II ng russia ay naalarma at agarang nagpadala ng hukbo upang protektahan ang Serbia
sa pagatake.

 Sa kabilang dako naman, ang Germany na ka-alyado ng Austria-Hungary sa Central Powers, ay


gumawa rin ng aksyon laban sa Russia. Dahil sa nagbabadya at lumalakas na pwersa ng Russia,
hindi ito ipinagsawalang bahala ng Germany at sila’y nagdeklara rin ng digmaan. Kung kaya’t si
Wilhelm II ay nagpadala rin ng hukbo sa Russia upang mapigilan ang pag-responde nito sa
Serbia.

 Ang pagdeklara ng digmaan laban sa Russia ay pagdeklara rin sa mga ka-alyado nito, kung kaya’t
nagplano agad ang Germany na unang lumusob rin sa kaalyado nitong France, sa taktikang
tinatawag na SCHLIFFEN PLAN.

(Dadaan sila sa neutral na bansang Belhika(Belgium) upang malusob ang France upang mapahina
ang pwersa nito ng walang nilalabag na kasunduang pang teritoryal sa mga border nito)
(Sa pamamagitan nito, madali silang makakaresponde sa kanilang hukbo na kumakalaban sa
Russia)
(Ang plano na ito ng Germany ay maaring magbigay ng madaling pagkapanalo para sa Central
Powers)

(Habang nangyayari ang mga kaguluhang ito sa iba’t-ibang panig ng


Europe, ang U.S. at Italy ay nanatiling neutral)
9th SLIDE: BELGIUM ATTACKED!!!

 Ngunit, di umayon ang plano ng Germany sa kanilang inaakala. Hindi pumayag ang Bansang
Belgium na patawirin ang Germany sa kanilang bansa para malusob ang France. Kaya ang
ginawa ng hukbo ng Germany, sapilitan nilang pinasok ang Belgium na nagbunsod ng isa
nanamang digmaan.
 Dahil sa nangyaring pagatake sa neutral na bansa ng Belgium, naalarma ang Britain kung kaya’t
ito ay nagpadala ng Ultimatum sa Germany, na naglalaman ng kasulatan na kung hindi nito
ititigil ang pag-atake sa Belgium, mapipilitan itong sumabak rin sa Digmaan laban sa kanila.
 Ipinagsawalang bahala ng Germany ang Ultimatum, at ito ang nagbunsod sa pagdeklara ng
Britain ng digmaan laban sa Germany.
 Nagpadala ang Britain ng hukbo upang tumulong sa France
 Dito nagsimula ang ilang taong Trench Warfare na nagresulta ng pinaka madugong digmaan,
ngunit sa kabila nito, noong araw ng pasko ay nagkaroon ng Christmas Truce ang magkabilang
panig para sa pagdidiwang ng pasko.

(Ipapanood “Christmas Truce”)

10th SLIDE: DIGMAAN SA BALKAN

 Lumusob ang Austria at tinalo ang Serbia pagkaraan ng ilang buwan. Upang makaganti ang
Bulgaria sa pagkatalo, sumapi ito sa Central Powers noong Oktubre, 1915.
 Noon 1915 tuluyang sumapi rin ang Italy sa Allied Powers ng France at Britain, dahil sa
kagustuhan nito na maangkin ang mga teritoryong latin nahawak ng Austria ang (Italy Irrendenta)
at ang mga kolonya nito sa Africa. Ang Turkey ay kumampi sa Germany upang mapigilan ang
Russia sa pag-ankin sa kanyang bansa sa Dardanelles.

11th SLIDE: DIGMAAN SA SILANGAN

 Lumusob ang Russia sa Prussia (Germany). Ngunit nang dumating ang saklolo ng Germany
kasabay ang pagsalakay rin ng hukbo ng Austria-Hungary, natalo ang hukbong Russia.
 Dito tuluyang bumagsak ang hukbong sandatahan ng Russia. Upang makaiwas ang Russia sa
digmaan, nakipagkasundo sila sa ilalim ng pamahalaang Bolshevik sa Germany sa
pamamagitan ng paglagda sa Treaty of Brest-Litovsk. Na kung saan ay isusuko ng Russia ang
ilan sa mga lupain nito at sasailalim sa pamumuno ng Central Powers, at dito nagtapos ang
pwersa ng Russia sa paglahok sa Digmaan.

12th SLIDE: DIGMAAN SA KARAGATAN!!

 Sa kabilang dako naman, ang Britain ay nagtangkang harangin ang ruta ng kalakalan ng Germany
 (Bakit kaya naisipang harangin ng britain ang ruta ng kalakalan ng Germany sa panahon ng
digmaan?)
 Tama!!! Layunin ng Britain na pabagsakin ang ekonomiya ng Germany upang magutom ang
bansa nito at tuluyang sumuko ito sa digmaan.
 Ang Britain na kinikilala bilang bansang may pinakamalakas na hukbong pandagat na may
dalawampu’t siyam na barkong pandigmaan, ay may kakayahang magawa ang planong
pabagsakin ang Germany sa planong ito,
 Ngunit ang Germany rin ay hindi basta bastang sumuko at ginamit nila ang kanilang pambihirang
teknolohiyang pangdigmaan, kaya sila ay mayroong mga Submarine U-boats upang pabagsakin
ang mga barko ng Britain.

You might also like