You are on page 1of 3

LESSON RECAP

Monday (Oct. 17, 2022)

MGA KAISIPANG ASYANO SA PAGBUO NG IMPERYO

 China at ang Sinocentrism

- Ang kabihasnang tsino ay isa sa pinakamatandang kabihasnan sa Asya.


Maiuugat ang kabihasnan na ito sa mga turo at kaisipan ng isang tanyag
na Pilosopo na si Confucius. Naniniwala siya na kailangang pamunuan
ng Mabuti ng mga pinuno ang kanilang nasasakupan upang maging
masagana ang pamumuhay.
- “Huwag mong gawing sa iba, ang bagay na di mo gustong gawin sa iyo.”
- Ang pangunahing layunin lamang ng kababaihan noon ay ang magsilang
ng lalaking anak na siyang maaaring susunod na heir o tagapagmana ng
trono.
- Ang kayamanan ng kabihasnang Tsino ay nagbunga ng mga dakilang
kontribusyon sa mundo sa larangan ng Pilosopiya at Imbensyon.
- Ito ang naging dahilan ng pagtaas ng kanilang tingin sa kanilang sarili.
- Dito ay kinilala at tinawag nila ang kanilang bansa na Zhongguo (Zhong-
guo) na nagpapakahulugan sa katagang “Gitnang Kaharian”.
- Alinsunod rin dito ang pagusbong ng isang paniniwala na tinatawag na
Sinocentrism. O ang paniniwala na natatangi ang kultura at ang
kabihasnan ng tsina sa lahat at magtatagpuan ang kanilang bansa sa
sentro ng daigdig.
- Bahagi ng SInocentrism ang pagkilala sa kanilang pinuno o emperador
bilang “Anak ng Langit” o “Son of Heaven”. Kung kaya’t ang pamumuno
nito ay tinatawag ring “Mandate of Heaven”.
- Sa ilalim ng pamumuno na ito, walang katapusan ang pamumuno ng
Emperador, at ang pagpili sa emperador ay hindi kinakailangang nagmula
sa pamilya na may dugong bughaw, maaaring ang susunod na
tagapagmana ng trono ay magmula rin sa mga mabababang uri o
commoner.
- Ngunit ang mga sakuna gaya ng bagyo, sakit, peste, at kagutuman ay
siyang tinuturing na parusa ng kalangitan dahil sa hindi magandang
pamumuno ng kasalukuyang Emperador. Ito ay magiging dahilan ng
pagpalit ng kasalukuyang namumuno na muling pipiliin ng Langit ayon
sa kanilang paniniwala, upang maibalik ang kasaganahan ng Kaharian.

DIVINE ORIGIN OF JAPAN AND KOREA

 Japan Origin

- Naubuo ang kapuluan ng Japan mula sa pagsasama ng diyos na si Izanagi


at ang diyosa na si Izanami.
- Mula sa pagluha ng kaliwang mata ni Izanagi, nagbuhat ang nagliliwanag
na diyosa ng araw na si Amaterasu Omikami. Mula sa pagluha sa
kaniyang kanang mata ay isinilang ang diyos na nagliliwanag ngunit di
kasing silaw ng kaniyang kapatid, ang diyos ng buwan na si Tsukiyomi.
At nagmula naman sa kaniyang ilong ay ang makulit at masiglang Diyos
na si Susanoo.
- Sa paglipas ng panahon nagkaroon ng apo si Amaterasu na
nagngangalang Ninigi at siya ay ipinadala sa pulo ng Kyushu upang doon
mamuhay at binigyan niya ito ng tatlong kayamanan: (Alahas, Salamin,
at Espada)
- Ayon sa tradisyon, ang kaapu-apuhan ni Ninigi na si Jimmu ang naging
kauna-unahang emperador ng Japan noong 660 B.C.E at simula noon,
tanging lahi lamang ni Amaterasu dapat ang magmula ang emperador ng
Japan.
- Paglipas ng panahon, nagbago rin ang uri ng pamumuno sa Japan na
kung saan ang mga commoners rin ay nagkaroon na rin ng Karapatan at
tsansang mamuno sa bansa.

 Korea Origin

- Ayon sa istorya, ang diyos ng kalangitan na nagngangalang Hwanin ay


nagkaroon ng anak na nagngangalang Hwan-ung o Hwanung.
- Ang kaniyang anak ay nagnanais na manirahan sa mundo ng mga tao.
Kung kaya’t hinanapan ito ni Hwanin ng matutuluyan at napili niya ang
ang mataas na kabundukan ng Mt. T’aebaek.
- Sa kaniyang pagtira sa lupa, dito ay itinatatag ni Hwanung ang “Lungsod
ng Diyos”. Dito ay kaniyang pinamunuan ang lungsod sa pamamagitan
ng pagbahagi ng kaniyang mga kaalaman at pagtatag ng mga batas upang
maging gabay sa nasasakupan sa pagtukoy ng tama at mali.
- Kabilang dito ang pag-usbong ng lungsod sa paggawa ng mga gamut,
malikhaing sining, at magagandang musika.
- Isang araw ay lumapit ang isang tigre at isang oso kay Prinsipe Hwanung
upang humingi ng kahilingan na sila ay gawing tao. Dito ay kaniyang
inutusan ang dalawang hayop na magtago sa kweba ng 100 na araw at
kumain lamang ng 20 na piraso ng bawang at mugworth (Damong
Maria).
- Ngunit sa lumipas na mga araw, tanging ang Oso lamang ang nakatagal
sa pagsubok na ito kung kaya’t paglipas ng 21 na araw siya ay naging
isang ganap na tao at isang magandang dilag na nagngangalang Ungnyeo.
Dahil sa kaniyang puspos na pananalig sa kapangyarihan ni Prinsipe
Hwanung. Siya ay nakipagisang dibdib at nagkaroon sila ng anak na
nagngangalang Dangun o kilala rin sa tawag na Tangun Wanggeom.
- Dito ay nagsimula ang pagkabuo ng unang Emperyo sa Korea na
Gojoseon sa ilalim ng pamumuno ni Dangun.
- Siya ay namuno dito sa loob ng 1500 na taon.

PANINIWALA SA MGA DIYOS-DIYOSAN SA AT ESPIRITU SA TIMOG-


SILANGANG ASYA

You might also like