You are on page 1of 3

Pangalan:______________________________________________________Baitang/Seksiyon:________

Lagumang Pagsusulit sa ESP 3


Kwarter 1
I. Basahin at sagutin ang mga pangungusap sa ibaba. Bilugan ang iyong mga kasagutan.
1. Ang tao ay tinatawag na _____ dahil sa kaniyang kakayahan ng gumawa ng isang mahalagang bagay ng may kahusayan.
a. bukod tangi
b. kakaiba sa lahat
c. obra maestra ng Diyos
d. mas mataas ang antas sa hayop
2. Masayang ginagawa ni Jose ang kaniyang mga tungkulin sa bahay at paaralan. Ano ang ugaling ipinapakita ni Jose?
a. Pagmamahal
b. Pagiging responsible
c. Pagpapahalaga sa gawain
d. Pagwawalang bahala sa mga ginagawa
3. Ang kaugaliang pagpapahalaga sa mga gawain ay nakikita sa _________ ng isang tao.
a. ngiti ng isang tao b. kilos ng isang tao c. buhay ng isang tao d. mukha ng isang tao
4. Ano ang maidudulot sa ating puso kung pinahahalagahan natin ang ating mga ginagawa?
a. Kaba b. Katahimikan c. Kaligayahan d. Kapanatagan
5. Malungkot si Mercy nang makita niyang mababa ang kaniyang marka sa ginawang proyekto pero aminado siya na hindi
niya ginalingan ito. Ano ang aksiyong ipinakita ni Mercy sa kaniyang gawain?
a. Walang pagtitiyaga si Mercy
b. Walang interes sa ginagawa
c. Walang pagpapahalaga sa gawain
d. Walang pakialam sa magiging resulta
6. Alin sa sumusunod ang nagpapakita ng katatagan ng kalooban?
a. Pagtakas sa mga gawaing-bahay
b. Pagsisinungaling sa mga magulang
c. Pagiging positibo sa pagharap sa mga problema
d. Paghahamon ng away sa kaklase kapag inuunahan sa mga gawain
7. Si Allan ay bagong lipat sa paaralang kaniyang pinapasukan. Isang araw, tinutukso siya ng kaniyang mga kaklase.
Ano ang nararapat niyang gawin?
a. Lumipat ng ibang paaralan
b. Sabihin sa guro ang ginagawang panunukso
c. Huwag kikibuin dahil mapapagod din sila sa panunukso
d. Hahamunin ng suntukan ang mga kaklaseng nanunukso
8. Ang batang may matatag na kalooban ay:
a. May tiwala sa sarili
b. Nag-iisip muna bago gumawa ng anumang aksiyon
c. May pagpipigil sa sarili upang huwag makapanakit ng iba
d. Lahat ng nabanggit
9. Sumali ka sa patimpalak sa pag-awit sa inyong paaralan ngunit pumiyok ang iyong boses sa gitna ng kompetisyon
kaya ikaw ay natalo. Paano mo ipapakita ang katatagan ng loob?
a. Huwag pumasok sa klase dahil sa kantiyaw
b. Hindi na kailanman sasali sa mga patimpalak
c. Magkulong sa kwarto buong araw dahil sa kahihiyan
d. Muling mag-ensayo upang maging handa sa susunod na patimpalak
10. Hindi pinagbigyan ni Annie ang kaniyang kaibigan na mangopya sa kaniya sa pagsusulit. Nanindigan si Annie na
mali ito. Anong katangian ni Annie ang nagpakita ng katatagan ng kalooban?
a. Tiwala sa sarili b. Pagpipigil sa sarili
c. Pagiging positibo d. Pag-iisip bago gumawa ng aksiyon
11. Magkakaroon ng paligsahan sa pag-awit at nagkataon na magaling kang umawit.Ano ang gagawin mo?
A. Huwag ipakita ang kakayahan C. Sumali ng buong husay
B. Huwag sumali D. Mahiyang sumali
12. Si Arnel ay batang pilay subalit napahusay niyang gumuhit. Kung ikaw ang nasa kalagayan niya, sasali ka bas a
paligsahan sa pagguhit?
A. Oo dahil takot ako sa guro C. Oo dahil kailangang patunayan ko ang aking talent
B. Hindi dahil nahihiya ako D. Hindi dahil baka id ako manalo
13. Lahat ng iyong kamag-aral ay marunong sumayaw maliban sa iyo. Nagkataong kailangang magpakita ng talento
ang inyong section. Ano ang gagawin mo?
A. Magmumukmok na lang sa isang sulok
B. Sasali kahit di marunong
C. Iiyak dahil kakantiyawan ng kaklase
D. Magsasabi ng tunay sa guro at sasabihin ko din ang taglay kong kakayahan.
14. Umuwi ka ng bahay galing sa paaralan. Nadatnan mo na madaming Pinagkainan sa lababo. Anong gagawin mo?
A. Di na lang papansinin ang nakita
B. Magdadahilan na masakit ang ulo upang di mapaghugas
C. Huhugasan ko ng kusa ang mga plato
D. Ipagpapabukas ko ang paghuhugas
15. Ano ang dapat gawin kung may mga iniatang na gawain sa iyo ang iyong kapatid?
A. gagawin ko nang maayos B. di ako susunod sa aking kapatid
C. sa inay lang ako susunod D. di ko siya papansinin
16. Nakasalubong mo ang iyong guro s aumaga. Ano ang sasabihin mo?
a. magandang hapon po b. magandang umaga po c. magandang gabi po
17. Madalas mong nakikitang nag-iisa ang iyong kaklase. Anong gagawin mo?
a. kakausapin ko siya at kaibiganin b. tatawanan ko siya c. babatuhin ko siya
18. May talento ka sap ag-awit, paano mo ito maipapamalas sa iba?
a. hindi ko ito ipaparinig, saying lang b. makikilahok ako sa mga contest c. wala lang
19. Hindi ka nananalo sa patimpalak ngayon, ano ang gagawin mo?
a. susubok uli at gagalingan pa b. aawayin ko ang nanalo c. tatanungin ko ang judges
20. Nakikita mo si nanay na may problema, paano mo siya dadamayan?
a. hihingi ng pera b. aaluhin siya at sabihin na kaya niya ito c. iiwan siya at bahala siya
II. Basahin at unawaing mabuti ang bawat pangungusap na nasa ibaba. Lagyan ng tsek (√) ang patlang kung ito ay
nagpapakita ng pagpapahalaga sa gawain, ekis (×) naman kung hindi. Isulat sa hiwalay na papel ang iyong mga
sagot.
_____21. Masaya ako sa tuwing naghuhugas ng pinggan.
_____22. Sa tuwing ako ay gumuguhit pinagsisikapan ko na makagawa ng isang maganda at makulay na gawa.
_____23. Nababagot ako sa tuwing nagbabasa ako ng libro.
_____24. Bakit kaya ako naiinis sa tuwing inuutusan ako ni nanay?
_____25. Gustong-gusto kong tumutulong sa mga gawaing-bahay tuwing walang pasok.
_____26. Tinatamad akong maglinis ng aking silid.
_____27. Tuwing gabi ginaganahan akong mag-aral ng aming leksiyon bilang paghahanda ng aking sariling
kinabukasan.
_____28. Hindi ako tumutulong sa aking kagrupo sa paglilinis ng aming silid aralan.
_____29. Matamlay ako sa tuwing ginagawa ko ang aming mga asignatura.
_____30. Magsisikap ako sa pag-aaral upang magkaroon ng matataas na marka.

Lagda ng Magulang____________________________

Republic of the Philippines


Department of Education
Cagayan Valley /Region 02
Schools Division of the City of Ilagan
Ilagan East District
ILAGAN EAST INTEGRATED SPED CENTER
City of Ilagan, Isabela
UNANG LAGUMANG PAGSUSULIT
EDUKASYON SA PAGPAPAKATAO 3
TALAAN NG ISPESIPIKASYON

Mga Layunin CODE Bahagdan Bilang Kinalalagyan


ng ng Bilang
Aytem
ESP-
Naipakikita ang natatanging
3.1,hTG 35 14 1,4, 6-10,15-
kakayahan sa iba’t ibang
pamamaraan nang may 17,21-25
tiwala, katapatan at katatagan
ng loob
Naisasabuhay ang iba’t ESP-
ibang patunay ng 3.1b- 10 2 26-27
pangangalaga at pag- 3ht
iingat sa sarili
Naipakikita ang katapatan, ESP-3.1- 25 5 28-30
pakikiisa at pagsunod sa mga
tuntunin o anumang 4.1nb
kasunduang itinakda ng mag-
anak na may kinalaman sa
kalusugan at kaligtasan tungo
sa kabutihan ng lahat
Naisasabuhay nang palagian ang ESP-3.1,cl 30 9 5,11-14,18-21
mga makabuluhang gawain tungo
sa kabutihan ng kapwa

Kabuuan 100 30 1 – 30

You might also like