You are on page 1of 1

Banghay Aralin sa Filipino

Unang Baitang

I. Layunin

Sa loob ng 60 minuto, ang mga mag-aaral ay inasahang:

a. nailalarawan ang damdamin ng isang tauhan sa kuwentong napakinggan


b. nabibigyang halaga ang mga aral na nakuha sa maikling kwento;
c. at aktibong nakakasagot at partisipasyon sa klase.

II. Paksang Aralin

a. Paksa: Ang Kuneho at Ang Pagong


b. Sanggunian: Ang Bagong Filipino
c. Kagamitan: Powerpoint, Mga larawan at Aklat

III. Pamamaraan

a. Panimulang Gawain:
Ang guro ay magpapakita ng mga larawan ng mga kilalang tao na
naging matagumpay sa buhay dahil sa pagiging matiyaga at tiwala sa sarili.

b. Panlinang na Gawain
Makikinig at manonood ang mga mag-aaral ng bidyu ng kwento na
pinamagatang “Ang Kuneho at Ang Pagong upang lubusang maintindihan ang
kwento.

c. Paglalahad
Makikinig ang mga mag-aaral habang binabasa ng guro ang kwento sa
klase.

IV. PAGPAPAHALAGA

Sa ibaba ay ang mga gabay na tanong na inihanda ng guro para sa mga mag-
aaral.

1. Tungkol saan ang kwento?


2. Ano ang naramdaman ni Kuneho sa pinakitang asal ni Pagong?
3. Ano ang natutunan mo sa kwento?

V. Paglalahat

Ang guro ay magpapakita ng bidyu na kung saan nagpapakita ng Kahusayan sa


pagtatiyaga. Ang bawat mag-aaral ay maglilista nga mga impormasyon sa
kanilang kwaderno.

You might also like