You are on page 1of 3

REPORT

SA
FILIPINO 120
HAZEL JANE V. HISOLER, BSED - FILIPINO
Tagapag-ulat

JAHERON DACULA
GURO
Mga pangangailangan sa Mabisang Pagsasalita

 Ang mabisang komunikasyon ay nakasalalay ng malaki sa mga partisipant kung gayon,


Malaki ang impluwensiya ng mabisang pagsasalita sa epektibong proseso ng
komunikasyon.

Mga katangiang dapat taglayin ng isang mabisang tagapagsalita

A. Kaalaman
“You cannot say what you do not know”, kaya kailangan ang kaalaman sa mga
sumusunod.

Apat na elemento
1. Paksa ng usapan
2. Bokabularyo
3. Gramatika
4. Kulturang pinanggalingan ng wikang ginagamit mo, sa iyong sariling kultura ng
iyong kausap.

B. Kasanayan
Ang pagsasalita ay isa sa apat na makrong kasanayan. Kailangang linangin ang
mga sumusunod na kasanayan.

Tatlo na elemento
1. Kasanayan sa pag-iisip ng mensahe sa pinakamabilis na panahon.
2. Kasanayan sa paggamit ng mga kasangkapan sa pananalita.
3. Kasanayan sa pagpapahayag sa iba’t ibang genre.

C. Tiwala sa sarili
 Madalas na ang pagkakaroon ng tiwala sa sarili ay bunga ng sapat na kaalaman sa
paksang pinag-uusapan at maging sa malawak na talasalitaan.
 Ito ay natatamo rin sa pamamagitan ng pagsasanay at eksposyor.
 Para sa mga taong likas na mahiyain, kailangan ang mga nararapat na
pagkakataon upang masanay silang magsalita o makipag-usap hindi lamang sa
taong kaharap kung hindi lalo na sa media.

Ang mga sumusunod ay nagpapakita ng kawalan ng tiwala sa sarili:

1. Kimi o hindi palakibo.


2. Mahina ang boses.
3. Garalgal ang boses.
4. Mabagal magsalita.
5. Pautal-utal na pagbigkas.
6. Panginginig, paninigas o pag-iwas ng tingin.
7. Labis na pagpapawis.
8. Kabado.

You might also like