Esp9 1ST Quarter

You might also like

You are on page 1of 4

Republic of the Philippines

Department of Education
CARAGA Region
SCHOOLS DIVISION OF SURIGAO DEL SUR
BAROBO II DISTRICT
TAMBIS NATIONAL HIGH SCHOOL

EDUKASYON SA PAGPAPAKATAO 9

Pangalan:________________________ Iskor__________
Grado at Pangkat__________________

Panuto: Basahing mabuti ang bawat pangungusap at unawain ang tanong .Piliin ang pinaka
angkop na sagot at isulat ang titik nito sa patlang.
_____1. Ano ang kabutihang panlahat ?
a. Kabutihan ng lahat ng tao
b. Kabutihan ng mga pangkat na kasapi ng lipunan
k. Kabutihan ng bawat indibidwal na kasapi ng lipunan
c. Kabutihan ng lipunang nararapat bumalik sa lahat ng mga kasapi nito
_____2. Ano ang tunay na layunin ng lipunan ?
a. Kapayapaan k. katiwasayan
b. Kabutihang panlahat d. kasaganaan
_____3. Ito ay nagmula sa salitang ugat na “lipon” na nangangahulugang pangkat.Ang
mga tao ay may kinabibilangang pangkat na iisa ang layunin o tunguhin.
a. Komunidad k. pamayanan
b. lipunan d. pamilya
_____4. Ayon kay Dr. Manuel Dy Jr.,Propesor ng Pilosopiya ,”kinakailangan ng tao
na makibahagi at mamuhay sa lipunan , isa ito sa itinalagang likas na katangian
ng mga nilikha ayon sa likas na batas.Ibig sabihin ay
a. ang buhay ng tao ay mahalaga
b. ang buhay ng tao ay may patutunguhan
k. ang buhay ng tao ay panlipunan
d.ang buhay ng tao ay nilikhang may halaga
_____5. Ang sumusunod ay elemento ng kabutihang panlahat maliban sa
a. kapayapaan k. paggalang sa indibidwal na tao
b. katiwasayan d. kapakanang panlipunan ng lahat
_____6. Ang sumusunod ay hadlang sa pagkamit ng kabutihang panlahat maliban sa :
a. paggawa ng tao ayon sa kanyang pansariling hangad
b. pagkakaroon ng pakiramdam na mas malaki ang naiaambag ng sarili kaysa
sa nagagawa ng iba
k. pakikinabang sa benepisyong hatid ng kabutihang panlahat subalit pagtanggi
sa pagbabahagi para sa pagkamit nito
d.pagkakait ng tulong para kapwa na nangangailangan
______7. Paano nabubuhay ang isang lipunan? Kung…..
a. may pera ang bawat kasapi k. magkatulad sila ng pagnanais
b. hindi sila magpapatalo sa kasapi d. mag-asawa silang lahat
______8. Ano ang dahilan kaya nanatiling buo ang isang samahan? Mayroon silang….
a. kontribusyon k. pagmamahalan
b. gampanin d. katalinuhan
______9. Ito ang higit na mahalaga sa lahat kapag ang lipunan ang pinag-uusapan.
a. Kabuuan ng dignidad k. Kaangkupan sa Iba
b. Kabutihang Panlahat d. May Takot sa Batas
______10. Ito ay mahalagang bahagi ng lipunan na bumuo at magpatupad ng batas.
a. Pamahalaan k. Bahay-aliwan
b. Pamilya d. Paaralan
_______11. Ang buhay ng tao ay panlipunan .Ang pangungusap ay
a. Tama, dahil sa lipunan lamang siya nakapamumuhay
b. Tama, dahil lahat ng ating ginagawa at ikinikilos ay nakatuon sa ating kapwa
k. Mali, dahil may mga pagkakataong ang tao ang nagnanais na makapag-isa
d.Mali, dahil may iba pang aspekto ang tao maliban sa pagiging panlipunan
_______12. “Huwag mong itanong kung ano ang magagawa ng bansa para sa iyo, kundi ita-
nong mo kung ano ang magagawa mo para sa iyong bansa”. Ang mga katagang ito
ay winika ni
a. Aristotle b. St.Thomas Aquinas k. John F. Kennedy d. Bill Clinton
_______13. Ang __________ ay pagkakaroon ng katahimikan, kapanatagan o kawalan ng
kaguluhan sa lahat ng aspekto ng buhay tulad ng isip , kalooban, pamilya, lipu-
nang ginagalawan at iba pa
a. Kalayaan b. kabutihan k. kapakanan d. kapayapaan
______14. Kalayaan at pagkakapantay-pantay ang nararapat na manaig sa lipunan.Ang
Pangungusap ay
a. Tama, dahil ito ang mahalaga upang mangibabaw ang paggalang sa mga
karapatan ng tao
b. Tama, dahil ito ay inilaan na makamit ng tao sa lipunan ayon sa likas na
Batas
k. Mali, dahil sa kalayaan ,masasakripisyo ang kabutihang panlahat at sa
pagkakapantay
Pantay , masasakripisyo ang kabutihan ng indibidwal
d.Mali, dahil sa kalayaan , masasakripisyo ang kabutihan ng indibidwal at sa pagkaka-
Pantay pantay, masasakripisyo ang kabutihang panlahat
______15. Ano ang tawag sa samahan ng mga tao na nag-uugnayan sa isa’t-isa sa
pamamagitan ng isang pinagkasunduang sistema?
a. Samahan k. Grupo
b. Lipunana d. Magkakaibigan
______16. Sa samahan na may ugnayan sa isa’t-isa, ano ang namamagitan rito?
a. Interaksyon k. Katalinuhan
b. Pananagutan d. Ugali
______17. Bakit nagiging komplikado ang ugnayan ng isang samahan? Dahil …..
a. pare-parehas sila ng uri k. marami ang magkakaaway
b. iba’t- ibang uri sila d. kasama ang pera sa usapin
______18. Paano nabubuhay ang isang lipunan? Kung…..
a. may pera ang bawat kasapi k. magkatulad sila ng pagnanais
b. hindi sila magpapatalo sa kasapi d. mag-asawa silang lahat
_____19. Sanhi ng hindi pagkakaunawaan ng mga tao ang kakulangan ng pag-uusap .Ito ay
mahalaga upang maibahagi sa bawat isa ang kanilang saloobin. Ito ay
a. Pagmamahal b. diyalogo k. katarungan d. kalayaan
_____20. Ang dalawang pagpapahalagang ito ay susi upang makamit ng lipunan ang kanyang
tunay na layunin at tungkulin.
a. Pagmamahal at kalayaan k. diyalogo at pagmamahal
b. Kalayaan at diyalogo d. pagmamahal at katarungan
_____21. Pangunahing yunit sa paghubog ng mapanagutang mamamayang mulat sa tunay na
kakulangan ng kabutihang panlahat
a. Komunidad b. pamilya k. lipunan d. pangkat
_____22. May tatlong kondisyon ang kailangan upang makamit ang kabutihang panlahat ayon
kay
a. Sto.Tomas Aquinas k. Joseph de Torre
b. Dr. Manuel Dy d. Jacques Maritain
_____23. Ano ang Indibidwalismo?
a. Paggawa ng tao ng kanyang personal na naisin
b. Paggawa ng tao ng bagay na para sa kabutihan ng kapwa
k. Paggawa ng tao na iniisip ang bawat indibidwal
d.Paggawa ng tao batay sa batas
_____24. Alin sa mga sumusunod ang maaring ihambing ang isang lipunan?
a. Pamilya
b. Barkadahan
k. Organisasyon
d. Magkasintahan
______25. Ano ang pinakamahalagang dahilan upang maging pinuno ang isang indibidwal?
a. Personal na katangiang tanggap ng pamayanan
b. Angking talino at kakayahan sa pamumuno
k. Pagkapanalo sa halalan
d. Kakayahang gumawa ng batas
_______26. Ano ang tawag sa nabuong gawi, tradisyon, paraan ng pagpapasya, at mga hangarin
ng isang pamayanan?
a. Kultura
b. Relihiyon
k. Batas
d. Organisayon
______27. Ito ang tawag sa paraan ng pagsasaayos ng lipunan upang masiguro na ang bawat isa
ay malayang magkaroon ng maayos na pamumuhay at makamit ang kabutihang panlahat.
a. Batas
b. Layuning Komyunal
k. Prinsipyo ng Subsidiarity
d. Pampolitika
_______28. Paano mo masasabi na ikaw ay isang mabuting kasapi ng lipunan? Iniisip ang……
a. kabutihan para sa sarili k. kakainin sa susunod na mga araw
b. kabutihan para sa iba d. maka-mundong mga Gawain
_______29. Ang mabuti ay;
a. paggawa ng tama k. pagbuo ng sarili
b. pagsunod sa batas d. pagsunod sa Diyos
_______30. Sinong pilosopo ang nagsabi na “Bahagi ng pagiging tao ang pagkakaroon ng
magkaibang Lakas at Kahinaan at dapat magkapantay-pantay sa pamamagitang ng pag-babahagi
ng yaman ng bayan”.
a. Howard hughes k. Max Scheler
b. Karl Marx d. Martin Luther
_______31. Siya ang nagpanukala ng Prinsipyo ng Proportio;
a. Santo Tomas De Aquino k. Nelson Mandela
b. Malala Yuosafzai d. Ninoy Aquino
_______32. Adbokasiya niya ang pagkilala ng tao lagpas sa kulay ng balat nito.
a. Nelson Mandela k. Martin Luther King
b. Benigno Aquino Jr. d. Max Scheler
_______33. Ang kauna-unahang babaeng Pakistan na nanindigan sa karapatan ng kababaihan
na makapag-aral sa kanilang bansa.
a. Malala Yuosafzai k. Maria Antoinette
b. Marvic Munich d. Tracy Gablet
_______34. Naging isang Senador ng Pilipinas na lumaban sa Diktaduryang Marcos.
a. Benigno Aquino Jr. k. Ninoy Aquino
b. Corazon Aquino d. Bam Aquino
_______35. Ang pagtulong ng pamahalaan sa mga mamamayan upang magawa nila ang
makapagpapaunlad sa kanila ay tinatawag na_________.
a. Lipunang Politikal
b. Prinsipyo ng Subsidiarity
k. Prinsipyo ng Pagkakaisa
d. Politikang Tardisyonal
______36. Sa prinsipyong ito, tungkulin ng mga mamamayan ang magtulungan at ng
pamahalaan ang magtayo ng akmang estruktura upang makapagtulungan ang mga mamamayan.
a. Prinsipyo ng Imperyalismo
b. Prinsipyo ng Subsidiarity
k. Prinsipyo ng Pagkakaisa
d. Prinsipyo ng Materyalismo
_______37. Sa mga katagang sinabi ni dating pangulong Benigno Aquino na “Kayo ang boss
ko!” Ang tunay na “boss” ay ang _________.
a. Kabutihang panlahat
b. Taumbayan
k. Pinuno
d. Lipunang pampolitika
_______38. Alin sa mga sumusunong hindi katangian ng mahusay na lider?
a. Mayroong nakikita sa kanilang pag-aalab ng kalooban.
b. May talas sila ng paningin upang makita ang potensyal ng grupo o pamayanan.
k. Mahusay silang magsalita upang ihayag ang pansariling layunin.
d. Malay sila sa layuning komyunal.
_______39. Ang pamamahala ay usapin ng pagkakaloob ng __________.
a. Tiwala
b. Tungkulin
k. Pamayanan
d. Lipunan

________40. -Ang pag-unlad ng isang lipunan ay hindi gawa ng pinuno.


-Pananagutan ng pinuno ang pagbagsak o hindi pagtatagumpay ng lipunan sa mga
proyekto nito.
a. Tama ang unang pangungusap at mali ang ikalawa.
b. Parehong tama ang mga pangungusap.
k. Mali ang unang pangungusap at tama ang ikalawa.
d. Parehong mali ang mga pangungusap.
________41. Piliin ang taong hindi nagpakita ng halimbawa ng paglimot sa sariling hangarin at
inuna ang kabutihang panlahat.
a. Ninoy Aquino
b. Malala Yousafsai
k. Justin Bieber
d. Jose Rizal
________42. Sa isang lipunang pampolitika, sino/alin ang kinikilala bilang tunay na boss?
a. Mamamayan
b. Pangulo
k. Pinuno ng simbahan
d. Kabutihang panlahat
________43. Ang tawag sa paraan ng pagsasaayos ng lipunan upang masiguro na ang bawat
isa ay malayang magkaroon ng maayos na pamumuhay.
a. Lipunang Pampolitika k. Lipunang Pang-Ekonomiya
b. Lipunang Sibil d. Lipunang PangHustisya
________44. Ang lipunang ito ay nagsisikap na pangasiwaan ang mga yaman ng bayan ayon sa
kaangkupan nito sa pangangailangan ng tao.
a. Lipunang Pampolitika k. Lipunang Pang-Ekonomiya
b. Lipunang Sibil d. Lipunang PangHustisya
________45. Ano dapat ang batayan sa tunay na pagkilala sa isang mayaman?
a. Sa dami ng kanyang ari-arian k. Bungan g kanyang paggawa
b. Sa kanyang mga anak na nagtapos d. Sa dami ng kilala nito
________46. Ito ay nagmula sa salitang Griyego na ang ibig sabihin ay “Oikos” at “Nomos” na
nangangahulugang Pamamahala sa Bahay.
a. Politikal k. Ekonomiya
b. Sibil d. Solidarity
________47. Ang kusang-loob na pag-organisa ng ating mga sarili tungo sa sama-samang
pagtuwang sa isa’t-isa.
a. Lipunang Pampolitika k. Lipunang Pang-Ekonomiya
b. Lipunang Sibil d. Lipunang PangHustisya
________48. Pangunahing layunin ng lipunang sibil ang:
a. Pagpaparating ng mga karaingan sa pamahalaan
b. Pagbibigay-lunas sa sulirain ng karamihan
k. Pagtalakay ng mga suliraning panlipunan
d. Pag-bibigay-pansin sa pagkukulang ng pamahalaan
________49. May kasinungalingan sa mass media kung mayroong:
a. Paglalahad ng impormasyong hindi pakikinabangan
b. Pagpapahayag ng sariling kuro-kuro
k. Paglalahad ng isang panig ng usapin
d. Pagbanggit ng maliit na detalye
________50. Itinatag ito upang matugunan ng Simbahang Katoliko ang iba’t-ibang kalagayan ng
iba’t- ibang pamayanan.
a. Couples for Christ k. Seventh Day Adventist
b. Basic Ecclesial Community d. Christian Life Program

Inihanda ni:

Bb. Roselyn L. Ontolan


Guro sa ESP-9

You might also like