You are on page 1of 4

Unang Markahang Pagsusulit

sa
Edukasyon sa Pagpapakatao IV

TALAAN NG ESPISIPIKASYON

Competency Aytem Kaalaman Pag-unawa Paglalapat Pagsusuri Pagbubuo Pagtataya Key


1.Nakagagamit ng
mapanuring paraang
pagkuha ng impormasyon 4 3,4 1,2
2.Naipapakita ang
pagpapahalaga sa
kapwa sa paraang di
paghamak, pagtawa sa 3 7 5,6,27,28 31,33
kakulangan at di pagbiro
na makasasakit sa kapwa
3.Naipakikita ang di
paninira at panlalamang
sa kapwa 2 8,9
4.Nakapagkwento ng
makabuluhang
pangyayari 2 10,11
5.Naipakikita ang
kabutihan ng pagkatao sa
pagpuri sa mabubuting 2 12,13,23,25,26 34,35
gawa at pagtulong sa
kapwa
6.Natutukoy ang
epektibong paraan ng
paglinang ng mapanuring 2 36-40 14,15
pag-iisip
7.Nakapagbibigay
opinyon o kuro-kuro sa
mga pangyayari 2 16,17
8.Naipakikita ang
pagiging matapat sa
kapwa at pamunuan ng 19,24 18, 20,21
barangay
9.Nakasusunod sa
panuntunang “Gawin mo
sa iba ang gusto mong 22,32
gawin sa iyo” (Golden
Rule)”
10. Nagbibigay ng
tamang ulat o tunay na
dahilan ng mga 29,30
pangyayari

Prepared By :

JEANA L. GOCO
Grade IV Adviser Noted :

GINALYN H. DE GUIA
Principal
UNANG MARKAHANG PAGSUSULIT
EDUKASYON SA PAGPAPAKATAO IV

Pangalan: _________________________________________ Baitang at Seksiyon: _____________________________:


Paaralan:_ _______________________________________ Petsa: __________________ Iskor: ______________

I. PANUTO: Basahing mabuti ang mga sumusunod na mga sitwasyon. Itiman ang bilog na may wastong sagot.

1. Narinig mo sa anunsiyo na nangangailangan ng tulong ang inyong karatig barangay dahil sinalanta sila
ng baha. Ano ang iyong maibabahagi sa kanila?
A. Magkunwaring hindi narinig ang anunsiyo. C. Ipaubaya sa lokal na pamahalaan.
B. Magbigay ng lumang gamit na pwede pang gamitin. D. Hindi ako magbabahagi dahil sayang.
2. Napanood mo sa telebisyon ang mga biktima ng nasalanta ng bagyong Glenda. Ano ang maaari mong
magawa para sa kanila gayong malayo sila sa lugar ninyo?
Ipagdasal ang kanilang agarang pagbangon. C a Hayaang ang kalapit na lugar ang tutulong.
Ba Magkibit-balikat lamang. Da Huwag makialam sa kanila.
3. Si Dianne ay mahilig magbasa ng diyaryo, makinig at manood sa radyo at telebisyon. Paano mo siya ilalarawan?
Aa matulungin Ba maalam Ca malinis Da matapat
4. Anong programa sa telebisyon ang dapat panoorin upang kayo ay makakakuha ng impormasyon tungkol sa
pinakahuling pangyayari sa ating paligid?
 B teleserye  C game show Da cartoons
Aa Balita
5. Narinig mong pinagtawanan ng iyong mga kaibigan ang kaklase ninyong sakang. Ano ang dapat mong gawin?
Aa Awayin sila.  B Makisali sa kanila  C Sawayin sila.  D Pabayaan sila.
6. Si Donna at Liza ay ay nagkwentuhan hanggang umabot na sa puntong ang kapintasan ng ibang tao na ang kanilang
pinag-uusapan. Kung ikaw ang nakarinig sa kanila, ano ang nararapat mong gawin?
 A Awayin sila.  B Pabayaan sila. C  Pagsabihan sila.  D Sumali sa kanila
7. Nakasalubong mo si Mary na isang bulag at biniro mo siya dahil sa kanyang kapansanan. Ang ginawa mo ba’y tama?
  A Oo  B Hindi  C Siguro  D Hindi siguro
8. Mahaba ang pila ng mga bumibili sa kantina. Napansin mong maliliit sila at ikaw ay mas malaki sa kanila. Ano ang
gagawin mo?
  A Aawayin ang unang nakapila.  C
Pipila nang maayos at hintaying matapos ang nauna.
 B Sindakin ang nauna sa pila. D
  Sumingit sa pila at dilatan ang nauna sa iyo.
9. Pumunta kayo sa gym ng iyong mga kaibigan upang maglaro ng basketball ngunit may nauna na sa inyo. Ano ang iyong
gagawin?
  A Paalisin ang mga nauna.  C Bulyawan sila upang umalis.
 B Hintaying matapos ang laro ng mga nauna.  D Didilatan ang mga nauna.
10. Kapag walang kuryente ay umiiyak ang bunsong kapatid ni Ronnie. Ano ang dapat gawin ni Ronnie upang tumahan at
maaliw ang kanyang kapatid?
  A Kwentuhan ang kapatid ng nakakaaliw.  C Bulyawan ang kapatid upang tumahan.
 B Gumamit ng nakakatakot na maskara.  D Pabayaan lamang na umiyak ang kapatid.
11. Malungkot ang iyong kaibigan. Paano mo siya aaliwin?
  A Kwentuhan ng nakakatakot.  C Kakantahan ng pampaantok.
 B Sasayawan ng katutubong sayaw.  D Kwentuhan ng nakakaaliw.
12. Nagdadamo ka sa inyong bakuran. Maya-maya kusang tumulong ang iyong kapatid. Ano ang iyong gagawin?
  A Purihin siya.  B Sawayin siya.  C Pagtawanan siya.   Pagalitan siya
D
13. May biglaan kang ensayo sa sayaw ngunit kailangan mo pang tapusin ang nakatukang gawain sa bahay. Nagkusa
ang iyong kapatid na siyang gagawa para sa iyo. Ano ang gagawin mo?
 A Ngingitian lamang ang kapatid.  C Purihin at pasalamatan siya.
 B Bulyawan ang kapatid.  D Tingnan lamang ang kapatid
14.Napanood mo sa telebisyon ang anunsiyo na lahat ng mga gagamit ng sabong ipinakita ay kikinis at puputi ang balat?
paniwalaan mo ba ito? Bakit?
  A Oo, dahil iniendorso ito ng idolo kong artista  C Oo, dahil gusto kong pumuti.
 B Hindi, dahil kailangan ko pang suriin.   D Hindi, dahil mahal ang presyo.
15. May napanood kang isang patalastas sa telebisyon tungkol sa isang pagkain. Kung titingnan mo ito ay nakakatakam.
Ito’y nakabalot sa makulay na pambalot. Bibili k aba kaagad?
  A Oo, dahil mahal. C  Hindi, susuriin ko muna.
B  Oo, dahil nakakatakam. D  Hindi dahil nakabalot sa makulay na pambalot.

16. Nagpupulong kayo para sa kapakanan at ikabubuti ng inyong silid-aralan. Ikaw ay isa sa mga opisyales, ano ang
dapat mong gawin?
A. Manahimik lamang. C. Pabayaan na lamang sila.
B. Pagtawanan lamang sila. D. Magbigay ng suhestiyon na sa tingin mo ay mabuti.
17. Nag-aaway sina Ana at Nena. Pumagitna ka sa kanilang dalawa. Paano mo ba aayusin ang kanilang sigalot?
A. Pakinggan ko muna ang bawat isa. C. Iiwanan ko sila at hayaang lumala ang away.
B. Kakampihan ko kaagad ang isa sa kanila. D. Alamin ang tuanay na nangyari bago humusga.
18. Naglalaro ka sa harap ng barangay hall nang makakita ka ng Php100.00. Ano Ang gagawin mo?
A. Ibulsa ko ang pera C. Ipambibili ko pagkain
B. Ibibigay ko sa punong-barangay. D. Hindi ko pupulutin.
19. Nakalimutan ng konduktor na singilin ang iyong pamasahe. Ano ang gagawin mo?
A. Hayaan na lamang. C. Manahimik lamang.
B. Itago ang perang pamasahe sa bulsa. D. Ibigay sa konduktor ang pamasahe.
20. Binigyan kayo ng pampurga at kailangang inumin sa oras na iyon. Ilang sandali biglang naiwala mo ang pampurga.
Ano ang gagawin ng
A. Magsinungaling at humingi uli. C. Kunin ang pampurga ng kaklase.
B. Sabihin ang totoo sa guro. D. Gumawa ng kwentong hindi totoo
21. Nakabasag ng plorera si Cherry at napagalitan siya ng guro.
A. Matulog na lamang. C. Ipagtapat sa nanay ang pangyayari
B. Pupunta sa silid-tulugan D. Bumulahaw pagdating sa bahay.
22. Anong kasabihan ang napapaloob sa “Golden Role”?
A. Kapag may isinuksok, may madudukot. C. Gawin mo sa iba ang gusto mong gawin sa iyo.
B. Nasa tao ang gawa, nasa Diyos ang awa.. D. Ang pagsasabi ng tapat ay pagsasamang maluwat.
23. Ang pangkat ninyo ang nakatukang maglinis sa silid-aralan. Nakita mong marami na ang naglilinis. Ano ang gagawin
mo?
A. Titingnan lang sila. C. Utusan sila.
B. Iwanan sila. D. Tutulong ako sa kanila.
24. May sumuway na kapit-bahay sa ordinansa ng barangay.Siya’y malapit na kaibigan ng iyong pamilya. Ano ang
iyong gagawin?
A. Hayaan na lamang. C. Ipaalam sa kinauukulan.
B. Ipaalam sa kapit-bahay. D. Ipagsasabi sa iba.
25. Sumakay sa jeep ang isang pilay ngunit wala ng upuan. Ano ang gagawin mo?
A. Ibibigay ko ang aking upuan. C. Pababain siya.
B. Tingnan lamang siya. D. Pagtawanan siya.
26. Nakita mong maraming dala ang iyong pilay na kaklase. Ano ang gagawin mo?
A. Tingnan lamang siya. C. Pagtawanan siya.
B. Tulungan siya. D. Iwasan siya.
27. May kapansanan ang iyong kaklase. Sanggol pa lamang ay duling na siya. Paano mo ba siya pakikitunguhan?
A. Iwasan siya. C. Biruin siya.
B. Pagtawanan siya. D. Kaibiganin siya at ituring na normal.
28. Narinig mong pinagtawanan at nililibak ng iyong mga kaibigan ang bago ninyong kaklase na kuba. Ano ang gagawin
mo?
A. Sawayin sila. C. Pabayaan sila.
B. Makisali sa kanila. D. Aawayin sila.
29. Nakita mong sinuntok ni Allan si Tony ngunit siya pa ang nanira at nagsumbong gayong siya naman ang nauna.Ano
ang gagawin mo?
A. Sabihin kung sino ang nagpasimuno sa away. C. Manahimik na lamang
B. Hindi magsasalita. D. Kampihan si Allan.
30. Hindi mo sinadyang natabig ang plorera sa mesa ng guro dahil itinulak ka ng kaklase. Ano ang gagawin mo?
A. Uuwi sa bahay at magmukmok. C. Manahimik na lamang at huwag magpaliwanag.
B. Umiyak na lamang at umupo sa sulok. D. Ipaliwanag ang tunay na nangyari at humingi ng paumanhin.

II. Panuto: Itiman ang bilog na may tsek (/) kung tama ang pahayag at bilog na may ekis (x) kung mali.

 X   / 31. Bigyang pagkakataon ang mga may kapansanan na makapag-aral.

 X  / 32. Kung ano ang gusto mong gawin sa iyo ay huwag mong gawin sa iba.

 X  / 33. Ikakahiya ang kapatid na may kapansanan.

 X  / 34. Tingnan lamang ang mga kaklaseng abala sa paglilinis.

 X  / 35. Nakita mong abala sa gawaing-bahay ang iyong nanay kaya nagkusa kang tumulong.

III. Panuto: Sagutin ang katanungan sa ibaba. (5 puntos)


( 36 – 40)

Paano nakakatulong sa iyo ang makabagong teknolohiya ngayon tulad ng mga “gadgets”?

Rubric:
5 puntos – kung malinaw at tumpak ang kasagutan
3 puntos – kung hindi masyadong malinaw at malapit sa katumpakan
1 puntos – kung may kahit konting naisulat at malayo sa paksa

You might also like