Professional Documents
Culture Documents
MGA PAGBASA (Pasko NG Pagsilang) - 6PM
MGA PAGBASA (Pasko NG Pagsilang) - 6PM
UNANG PAGBASA
Isaias 62, 1-5
Magsasalita ako para lumakas ang loob ng Jerusalem. Hindi ako tutugon
hangga’t hindi siya naililigtas, hangga’t ang tagumpay niya ay hindi
nagliliwanag na tulad ng sulo sa gabi. Ang lahat ng bansa’y pawang
makikita ang iyong tagumpay, at mamamalas ng lahat ng hari ang iyong
kadakilaan.
ALELUYA
Aleluya! Aleluya!
Bukas ninyo makikita
maghahari’y Poong sinta,
patatawarin ang sala.
Aleluya! Aleluya!
MABUTING BALITA
Mateo 1, 1-25
Si Abraham ang ama ni Isaac; si Isaac ang ama ni Jacob na ama ni Juda at
ng kanyang mga kapatid. Naging anak naman ni Juda kay Tamar sina
Fares at Zara. Si Fares ang ama ni Esrom at si Esrom ang ama ni Aram. Si
Aram ang ama ni Aminadab; si Aminadab ang ama ni Naason na ama
naman ni Salmon. Naging anak ni Salmon kay Rahab si Booz, at naging
anak naman ni Booz kay Ruth si Obed. Si Obed ang ama ni Jesse na ama ni
Haring David.
Lahat: Amen.