You are on page 1of 5

Republic of the Philippines

C CEBU TECHNOLOGICAL UNIVERSITY


Province of Cebu

Website: http://www.ctu.edu.ph Email: thepresident@ctu.edu.ph


Phone: +6332 402 4060 loc. 1137

Panggitnaang Pagsusulit sa FT 606


Pahambing na Pag-aaral sa Iba’t Ibang Wika sa Pilipinas

Unang Bahagi - Pagpapaliwanag (50 pts.)


Panuto: Ipaliwanag ang mga sumusunod na mga katanungan. Ipahayag ang iyog sagot sa loob
ng isang talata lamang (5-8 pangungusap).

1. Bakit mahalagang pag-aralan ang katangian at kalikasan ng iba’t ibang mga wika sa Pilipinas?
(10 pts.)

Mahalagang pag-aralan ang katangian at kalikasan ng iba’t ibang mga wika sa Pilipinas
dahil sumasalamin ito sa kung gaano kayaman ang wika. Sa pag-aaral din ng katangian at
kalikasan ng wika mas mauunawaan ang gamit nito, kung paano nabubuo ang mga
pangungusap gamit ang wika, kung paano ito sumasailalim sa pagbabago, at paano
bibigyan ng pakahulugan ang bawat salita. Sa pagkakaroon ng sapat na pag-unawa ukol
dito mas naintindihan na magkaugnay ang wika at kultura at hindi maaaring
paghiwalayin dahil ang kultura ang nagpapayaman sa wika samantalang ang wika naman
ang nagbibigay ng ngalan o salita sa lahat ng mga gawaing nakapaloob sa kultura. Para
ipapamalas sa buong mundo kung gaano kaganda at kayaman ang ating wika at kultura.
Nararapat lamang na matutuhan natin ito.

2. Batay sa pag-aaral na Leksikong Kultural ng Tagalog at Sinugbuanon: Isang Analisis, sa


paanong paraan nagkakaroon ng kaugnayan ang sining ng kulit sa wika? Magbigay ng
pagpapatibay sa iyong sagot. (10 pts.)

Ang wika ay ginagamit natin sa pang-araw-araw na pamumuhay mula sa simpleng


pakikipagtalastasan, maging sa pagbahagi at pag-unlad ng kaalaman sa sining at kultura
ng isang lugar. Sa katunayan pinaniniwalaan na ang wika ay hindi isang simpleng
instrumento ng komunikasyon ito ay tumatayo bilang isang sining sa pagkamalikhain ng
isang tao at nilalapatan ito ng isang hanapbuhay gaya ng kulit. Ang wika at kultura ay
hindi dapat magkahiwalay sapagkat binibigyang-buhayng wika ang kultura.
Samakatuwid mayroon pagkakaugnya ang sining ng kulit at wika ipinapakita lamang nito
na ang wika may sinusunod na patern sa pagbuo at ito ay nakabatay sa uri ng
pamumuhay at gawain ng mga tao sa lipunan.

3. Ano-anong mga register sa paglilitson ang mga natuklasan sa pag-aaral na Register sa


Paglilitson: Talisay City, Cebu (magbigay lamang ng 5-10)? Patunayan na ang mga register na
ito ay may malalim na ugnayan sa kulturang Cebuano. (10 pts.)

1. Maghaling na og kayo para sa baboy, ang uban mogamit og kahoy ang uban kay uling.
2. Magkakusog ang kayo sa kahoy mas tagumkom o crispy ang panit kung uling ang
gamitin dili kayo kagumkom ang panit.
3. Kung kahoy ang gamiton 2 hangtud 3 ka oras maluto ang baboy kung uling 3 hangtud 4
ka oras.
4. Mogamit og manual sa pagtuyok sa baboy pasabot nay tawo ang magsigo og patuyol
samtang giasal ang uban mogamit og electric dili na kinahanglan ang tawo ang pagtuyok
sa kawayan o tubo samtang giasal.
5. Samtang gituyok ang baboy pahiran panag- sa og mantika. Aron dili mopilit ang baho
og aso.
Ang natuklasan sa pag-aaral na Register sa Paglilitson sa Talisay City Cebu ay ang mga
paraan o proseso na ginamit sa paglilitson mula sa pagpili ng baboy hanggang sa pagluluto
nito. Pinapakita din sa pag-aaral ang varayti ng wikang ginagamit sa paglilitson ng baboy
at ang proseso ay nagmumula sa baryasyon ng pananalita ng indibdwal sa partikular na
okupasyon na kanilang ginagampanan sa isang gawain. Pinatutunayan lamang na ang
pag-aaral na ito ay may malaking kaugnayan sa kulturang Cebuano dahil ang mga
Cebuano ay kilala sa pag-uugaling masisipag upang makatayo ng sariling negosyo.
Pinapakita dito ang kakaibang pamamaraan at kasipagan para makilala sa buong mundo
na ang Cebuano ay may angking kakaiba na pwedeng ipagmalaki at isa na dito ang paraan
sa paglilitson na naging isa sa mga pangunahing hanapbuhay dito.

4. Sa iyong palagay, bakit binanggit sa pag-aaral na Wikang Tagalog at Wikang Sebuwano:


Morpo-Analisis na Pag-aaral na ang wikang Sebuwano at Tagalog ay magkalapit na wika at
paraan nito sa paglalapi? Patunayan ang iyong sagot. (10 pts.)

Ang Wikang Tagalog at Wikang Sebuwano ay hindi magkalayo. Ito ay pinatunayan sa


Morpo-analisis na Pag-aaral ng wikangTagalog at wikang Sugbuanun’g Binisaya. Ang
dalawang wika ay magkalapit at ang paraan nito sa paglalapi. Batay sa natuklasan, ang
panlaping [a] ay panlapi na ginagamit sa wikang SB na magagamit sa tatlo sa
makangalan, makauri at makadiwa na wala sa wikang Tagalog. Mas maraming
panlapi ang Wikang Sinugbuanong Binisaya kaysa Wikang Tagalog ngunit kapwa
magkahawatig ang dalawang wika. Ang dalawang wika ay may panlapi din na in ngunit
magkaiba ito sa posisyon sa pagkabit. Ang mga panlapi na ginagamit sa dalawang wika ay
magkatulad na magkatulad ang tuntunin at ang pagkabuo sa morpoemang makauri.
Isinasaad lamang dito na ang wika ay hindi nakatuon sa pagbigkas sapagkat ang bawat
wika ay maaaring mahalaw sa pakikipaghalubilo sa bawat isa.

5. Sa paanong paraan mo itinuturo sa iyong mga estudyante ang pagkakaiba ng mga wika sa
Pilipinas sa panahon ng pandemya? Magbigay ng dalawang praktikal na mga gawaing iyong
inilapat sa mga araling ito. (10 pts.)

Maituturo ko sa mga estudyante ang kaibahan ng mga wika sa Pilipinas sa panahon ng


pandemya sa pamamaraang: una sa pagpapaunawa sa kung ano ang wika, kahalagahan
nito lalong lalo na ang mga barayti at baryasyon ng wika sa buong Pilipinas sa
pamamagitan ng pagguhit ng isang poster/ paggawa ng isang islogan na pumapaksa ang
pagkakaiba ng mga wika sa Pilipinas sa panahon ng pandemya. Pangalawa sa Pagsulat ng
idsng dulstinsa ibat-ibang wika sa Pilipinas ito ay upang maipahayag ng mga mag-aaral
lahat ng iniisip at nadarama at malinang ang kaalaman nila sa ibat-ibang wika sa Pilipinas.
Kung paano magiging susi sa kanilang pag-unlad ang pagkatuto sa wika ng sariling bansa
gayong nahaharap tayo sa pandemya. Masasalamin dito ang iba’t-ibang lebel ng pag-
unawa sa mga salitang nakalimbag sa sulatin.Ito ay maaring maging daan upang higit na
mas pahalagahan mag-aaral ang kaibahan ng wika sa Pilipinas at paano ito gamitin.

Ikalawang Bahagi – Pagbuo ng Balangkas ng Pananaliksik sa Wika (100 pts.)


Panuto: Bumuo ng balangkas o plano ng pananaliksik na may kaugnayan sa paghahambing ng
iba’t ibang wika sa Pilipinas, barayti at baryasyon ng wika, leksikograpiya at iba pang mga
kaugnay na pag-aaral na may kinalaman sa pagsusuri sa wika. Punan ng iyong sagot ang mga
espasyong nakalaan.

Mga Bahagi ng Balangkas ng Pananaliksik


Pananaliksik
Wika ang ginagamit sa pakikipagtalastasan. Sa pamamagitan nito ay
Backgrawnd ng
Pag-aaral (2 talata naipapahayag natin ang ating saloobin at kaisipan. Sa pamamagitan din
lamang) - 20 pts.
nito nalalaman natin kung ano ang gustong ipahiwatig ng ating kapwa.

Nagkakaintindihan at nagkakaunawaan ang bawat isa sa pamamagitan

ng paggamit ng wika.Ang wika ay sadyang napakahalaga ito ang

nagbubuklod sa bawat tao hindi lamang dito sa Pilipinas kundi maging

sa mga ibang bansa. Sa pamamagitan ng wika kaya nagkakaunawaan at

nagkakaroon ng madaling komunikasyon ang bawat tao kundi pati na rin

sa mga karatig bansa nito.

Ang wika ay kaluluwa ng isang bansa at salamin ng lipunan ito ay sagisag

ng pambansang pagkakakilanlan. Ang wikang pambansa ay siyang susi

sa pagkakabuklod-buklod ng damdamin at diwa ng mga mamamayan.

Sa pamamagitan ng mga salita nagkakaunawaan ang mga tao.

Nakakapagkomunikasyon sa iba at nasasanay tayo sa gramatika sa sarili,

sa kapwa at sa lipunan.

Nilalayon ng pag-aaral na alamin alamin ang kaibahan at pagkakatulad


Paglalahad ng
Suliranin - 10 pts. ng aspekto ng pandiwa ng wikang Cebuano. Ang mga sumusunod na

tanong ay tinatangkang sagutan ng mananaliksik.

1. Ano-ano ang mga salitang magkakatulad at magkakaiba sa wikang

Cebuano at wikang Filipino ayon sa kayarian nito?

2. May pagkakaiba ba ang panlaping ginagamit sa wikang Cebuano at

wikang Filipino?

Ang Disenyo ng pananaliksik na ito ay patungkkol sa kaibahan at


Desinyo ng
Pananaliksik - 10 pagkakatulad ng aspekto ng pandiwa ng wikang Cebuano na kung saan
pts.
ginagamitan ito ng sa istrukturang pananaw na ang pandiwa ay nakilala

sa pamamagitan ng mga paraan nito sa iba't ibang aspekto batay sa uri

ng kilos sa isinasaad. Nagbabago ang anyo ng pandiwa sa iba't ibang


aspekto ayon sa isinasaad nitong kilos.

Ang pag-aaral ng isang wika ay isang mabisang salik sa


Kapaligiran ng
Pag-aaral - 10 pts. pakikipagtalastasan o pakikipag-ugnayan sa isa’t isa. Ang wika ay hindi

lamang kumakatawan sa isang tao. Ito ay hindi lamang isang paraan

para sa pagpapahayag ng mga sariling saloobin,opinyon, mga personal

na obserbasyon at halaga ng kanyang mga katangian. Ito ay isang

sisidlan na siyang nagpapahayag ng mga aspeto ng isang komunidad o

bansa. Ang wika ay kumakatawan din sa pangunahing pagpaparating sa

iba ng panlipunang pagkakakilanlan. Sa maikling salita, ang wika ay

tumutulong na mapanatili ang mga damdamin ng kultura, sining at

pagkabansa ng isang bayan.

Ang kalahok sa pananaliksik na ito ay ang mga mag-aaral, guro,


Mga Kalahok - 10
pts. mananaliksik at mag-aaral ng Lingwistika.

Ang pag-aaral na ito ay isasagawa ayon sa disenyo ng pamamaraang


Instrumento ng
Pag-aaral - 10 pts. deskriptibong paglalahad ng mga datos. Palarawan o deskriptibong uri

ngpananaliksik ang ginamit na disenyo ng mga mananaliksik sapagkat ito

ay tungkol sa isang kalagayan sa kasalukuyan na kung saan ang uring ito

ay isang imbestigasyon na naglalarawan at nagbibigay-kahulugan

tungkol sa isang bagay o paksa.

Nagmula ang mga datos sa library. Naghanap ang mga mananaliksik ng


Pinagmulan ng
mga Datos - 10 pagkukunang datos katulad ng nga libro at mga di-nalathalang tesis.
pts.
Itinala ang mga nakokolektang datos, pagkatapos ay isinaayos ang mga

nakalap na datos at inuri ayon sa kayarian at pagsasagawa ng masusing

pagsusuri sa aspekto ng pandiwa.


Mula sa nakalap na datos ng mananaliksik, inuri ang mga salita ayon sa
Paraan ng
Paglikom ng mga kayarian at binigyan ng angkop na katumbas sa wikang Cebuano upang
Datos - 10 pts.
malaman ang pagkakatulad at pagkakaiba ng mga salita sa dalawang

wika. Matapos ang masusing pag-aanalisa sa mga datos nabuo ang

pagbabanghay ng mga pandiwa ayon sa panlaping ginamit.

Ipinasa ni:

Ailyn O. Labajo
Istudyante

Inihanda ni:

Arnel T. Noval, EdD


Instructor, Department of Literature and Languages
College of Arts and Sciences

You might also like