You are on page 1of 5

1

SI BARON GEISLER AT ANG KANIYANG MASKARA

Florence Arielle P. Sanchez

Imahen:

Ang imahe o brand ni Baron Geisler ay maraming naging pagbabago. Ang kaniyang mga

naging roles sa show business ay paiba-iba na siyang nagbigay ng versatility sa imahe ni Baron

Geisler.

Nagsimula ang kaniyang pag-arte bilang child star sa kanilang probinsiya sa Pampanga.

Taon matapos nito ay nakilala siya bilang isa sa mga promising stars kasabay ang mga aktor na

sina John Lloyd Cruz at Marc Solis.

Bumida rin siya sa pelikulang “Jologs” kung saan ay gumanap siya bilang isang drag

queen na nakararanas ng pang-aabuso dahil lamang sa kaniyang sekswalidad. Sumunod ay bumida

naman siya sa isang youth-oriented program na siyang nagbigay ng kaniyang inosenteng binata na

imahe.

Ngayon ay kilala na siya bilang “bad boy” o kontrabida sa mata ng masa. Siya ay

tumanggap ng maraming proyekto kung saan siya ay gumanap na kontrabida, taliwas sa kaniyang

mga proyekto noon. Ngunit, masasabi kong mahusay ang pagbibigay buhay sa mga karater na

kaniyang ginanap.
2

Teksto:

Ang karakter ni ginanap ni Baron Geisler sa pelikula na pinamagatang “Anak” ay ang

pangalawa at nag-iisang lalaking anak ni Josie, ang karakter na ginanap ni Vilma Santos, na

nagngangalang Michael.

Ang karakter ni Michael ay maituturing na mahinhin at walang kimi. Siya ay ipinakilala

bilang matalinong anak ni Josie dahil siya lamang ang nakapag-aral sa private school na may

scholarship kung saan kalahati na lamang ng matrikula ang kanilang binabayaran.

Sa kaniyang paaralan, ipinakita na hirap siyang makipag-usap sa mga kaklase niya

partikular sa kaniyang crush na si Bernadette na ginanap ni Jodi Santamaria. Naikwento rin ng

kaniyang nakatatandang kapatid na si Carla na siya namang ginanap ni Claudine Barretto, nang

mamatay daw ang kanilang ama, ay halos dalawang buwang hindi makapagsalita si Michael.

Sa pelikulang ito, ang imahe na ipinapakita ni Baron Geisler upang ganapin ang kaniyang

karakter ay mahiyain, inosente at walang imik sa kung anong nangyayari sa kaniyang paligid. Ang

karakter ni Baron Geisler ay siyang maituturing na lalaki ngunit Maria Clara. Ito ay dahil sa

nahihirapan siyang kausapin ang kaniyang crush na si Bernadette kung kaya ay idinaan na lamang

niya sa pagsusulat ng liham.

Ang primerong pagsubok na ikinakaharap ng kanilang pamilya ay ang pera. Ito ang

dahilan kung bakit nangibang bansa ang ilaw ng tahanan. Ang karakter ni Baron Geisler ay

nahirapang umamin sa kaniyang ina tungkol sa pagkatanggal ng kaniyang scholarship na dulot ng

pagkakaroon ng line of 7 sa kaniyang marka sa naraang taong panuruan.


3

Madalas nating makita sa mga lalaking karakter sa pelikula noon ay mga siga,

matatapang, at walang kitatakutan. Ngunit, taliwas dito ang kaniyang karakter ni Michael.

Siwang:

Ang karakter na si Michael ay nagkaroon ng pagbabago sa kaniyang imahen sa bandang

dulo ng pelikula. Matapos niyang masabi kay Josie ang tungkol sa pagkawala ng kaniyang

scholarship ay sinubukan niyang maglayas nang hindi na kinaya ng kaniyang konsensiya ang hindi

pag-imik ukol dito.

Noong siya ay bumalik sa kaniyang tahanan ay unti unti nang nawawala ang kaniyang

pagkamahiyain at unti unti na rin siyang nagsasalita para sa kaniyang sarili. Mapapansin ito sa

mga senaryo kung saan nag-aaway ang kaniyang nakatatandang kapatid na si Carla at ang kaniyang

inang si Josie. Nagkaroon ng pagtataas ng boses mula sa kaniyang karakter at ang pagpipigil sa

dalawa na hindi maikakailang nagbago na ang kaniyang personalidad.

Ang siwang naman sa kaniyang naging karakter bilang Michael at kaniyang imahen

bilang produkto ng show business ay ang pagiging aktibo niya sa pagiging aktor. Hindi rin

maikakaila na hindi nga naman siya tunay na mahiyain dahil sa pagsunod-sunod ng mga proyekto.

Kitang-kita rin ang pagkakaiba ng imahen ni Baron Geisler bilang Michael sa Anak at

ang imahen niya bilang Cher sa Jologs. Ang Jologs ay isang pelikula na may genre na comedy na

ibang iba sa drama ng anak. Dito natin maikukumpara ang versatility ng talento ni Baron Geisler

sa pag-aarte.
4

Lalo namang malaki ang pagkakaiba ni Michael sa mga sumunod na roles ni Baron

Geisler bilang kontrabida. Si Michael ay isang supporting role lamang hindi tulad ng pagiging

kontrabida kung saan ay kasusuklaman ng masa.

Kontraryong Pagbabasa:

Sa kasalukuyan, kilala na ang aktor bilang isang drug-addict na mayroong mga scandal

pagkatapos humupa ng isa pang scandal. Hindi naging maganda sa pandinig ang naging

kinahinatnan ng buhay ng aktor.

Pinagpepyestahan ang kaniyang kwento ng sexual harrassment at paulit-ulit na pagpasok-

labas sa rehabilitation center upang humupa ang kaniyang drug addiction. Marami ring nagsampa

ng kaso laban sa kaniya na ikinatuwa na naman ng medya. Hindi mo maiisip na ang Michael noon

ay ginanap ng parehong Baron Geisler ngayon.

Ngunit, kamakailan lang ay unti-unti namang nagbabagong muli ang imahen ni Baron

Geisler. Ang dahilan ng pagbabagong ito ay ang kaniyang asawa at talong anak. Ang kaniyang

pagbabago mula sa pagiging kontrabida at tarantado ay napalitan na ng imahen ng isang butihing

ama.

Noong taong 2020 rin ay nailinaw na ang kuwento sa kung bakit inihian ni Baron Geisler

si Ping Medina. Ito ay dahil ginahasa umano ni Ping Medina ang kaniyang ex. Labis na ikinatuwa

ng mga tao ang palilinaw na ito sapagkat hindi lamang nito nabigyan ng rason upang gawin niya

iyon ay naisiwalat din sa sambayanan kung sino ang tunay na masamang tao.
5

Marahil ayang imahen ni Baron Geisler na nabuo matapos ang kaniyang success kung

saan ay nasa pinakamababang punto siya ng kaniyang buhay ay tinakpan lang ang imahen ng

karakter na si Michael.

Bilang ng Mga salita: 903

Pasensiya na po at ito lamang ang aking nakayanan.

You might also like