You are on page 1of 2

Ano ang Lathalain?

Isang uri ng pamahayagan na naguulat ng mga makatotohanang bagay o pangyayari sa pag-aaral,


pananaliksik o pakikipanayam at sinusulat sa isang paraang kawili-wili.

Ang Lathalain ay..

Balitang maihahalintulad sa puso, taliwas man ito sa tuwirang salita na nabubuo lamang ng
kalansay na pangyayari na pagiisahin upang magkaroon ng laman at dugo o mas kilala sa tawag
na katawan- kagaya ng puso ito’y nakakaramdam, nagkakaroon ng emosyon (lumuluha,
tumatawa)

Katangian ng Isang Lathalain…

-Unang una ay ang pagiging malaya at maluwag ng pamamaraan sa pagsulat, hindi ito
nalilimitahan ng kahit anong istilo.

- Ang ideya sa buong sulatin ay dapat kaugnay sa tema o paksang binigay

-Hindi mahihirapan ang manunulat kung sa paanong anggulo niya gusto tignan o isalathala ang
isang paksa.

-Hindi katulad ng balita na gumagamit ng inverted pyramid upang pagsunod-sunurin ang isang
ideya, ito’y nasa pamamaraan ng isang “hourglass” (eexplain natin yana bak8 hourglass)

- Ang lathalain ay maihahanlintulad din sa mga rides dahil pagkatapos mong makatawag pansin
sa simula ay papataasin ng papataasin ang emosyon para pagdating sa karurukan ay biglang
sasambulat ang inantalang katotohanan ng isang pangyayari.

- Ito ay nakabase sa isang pagmamasid o pagsisiyasat pwede rin ang personal na karanasan hindi
ka lamang dapat bumuo ng isang kahiwagaan sa iyong isipan

Tips sa Lathalain

-Ang alinmang simula o wakas ng lathalain ay maaring tanggapin kung ito’y makakaantig ng
damdamin ng isang mambabasa.

- Ang panimulang talata ay kailangang makakaantig kaagad ng damdamin ng mambabasa.

- Ang pamagat ay hindi pangkaraniwan o di kaya’y mapapaisip ang iyong mambabasa kung
bakit ganito ang iyong inilagay.

- Ang unang pangungusap ay dapat magpakilala sa ideya o impresyon, samantalang ang huling
pangungusap ay dapat mag-iwan nang makahulugang impresyon tungkol sa paksa
-- Ang pinakasikreto sa ganitong uri ng sulatin ay ang pagpapatingkad o pagbibigay diin sa
emosyon o nais iparating.

- Ang wakas ay makapagpapakunot ng noo ng mambabasa dahil siya ay mahihikayat na magisip,


mag-usisa o sumalungat sa wakas ng manunulat.

-Huwag kalimutan na ito ay dapat magbigay pa rin ng emosyon at maging malaman pa din
isingit ang impormasyon na may halong emosyon.

Dapat Iwasan….

-Paggamit ng maanghang na salita at biro na makakasakit sa damdamin o perspektibo ng isang


mambabasa.

You might also like