You are on page 1of 5

FIRST PERIODICAL TEST IN SCIENCE 3

Panuto: Basahin ang bawat tanong nang mabuti. Piliin ang titik ng naaangkop na sagot at isulat
sa inyong papel.

1. Alin sa sumusunod ang hugis ng isang pisara?

A. B. C. D.

2. Alin sa sumusunod na bagay ang makikita sa kusina?

A. B. C. D.

3. Ano ang lasa ng toyo at patis?


A. maalat B. maasim C. mapait D. matamis

4. Ano ang lasa ng suka, katas ng kalamansi at katas ng lemon?


A. maalat B. maasim C. mapait D. matamis

5. Aling solid ang may parehong tekstura ng bato?


A. baso B. bulak C. langka D. salamin

6. Ang janitor na si Kuya Tony ay pinakiusapang mag-akyat ng isang bagay sa


ika-4 na palapag ng paaralan. Alin sa mga bagay na nabanggit ang
mas mahihirapan niyang buhatin?
A. isang baso B. isang lamesa C. isang lapis D. isang kuwaderno

7. Aling pangkat ng liquid ang madalas na makita sa kantina ng paaralan?


A. asido, lotion, shampoo C. honey, mantika, ketchup
B. gatas, juice, tubig D. softdrinks, suka, toyo

8. Si Mateo ay binigyan ng lobo ng kanyang nanay, sa sobrang tuwa ay hinipan ni Mateo ito ng
hinipan upang lumaki. Ano ang maaring mangyari sa lobo kapag patuloy na hinipan ito ni
Mateo?
A. Ang lobo ay lalaki lamang ng bahagya.
B. Ang lobo ay magkakaroon ng iba’t ibang hugis.
C. Ang lobo ay puputok dahil sa labis na lamang gas.
D. Ang lobo ni Mateo ay dadami dahil sa gas na nasa loob nito.

9. Alin sa sumusunod na pangkat ang gas?


A. aklat, lapis, pambura C. carbon dioxide, helium, oxygen
B. bulaklak, bato, dahon D. toyo, tubig, suka
10. Alin sa mga sumusunod ang HINDI katangian ng solid?
A. Ang solid ay umaagos. C. Ang solid ay may tiyak na hugis.
B. Ang solid ay may tekstura. D. Ang solid ay umuukupa ng espasyo.

11. Paano mailalarawan ang pagdaloy ng tubig?


A. mabilis na pagdaloy C. napakabilis na pagdaloy
B. mabagal ang pagdaloy D. napakabagal na pagdaloy

12. Paano maikukumpara ang katangian ng shampoo at lotion?


A. Ang lotion at shampoo ay mayroong lasa.
B. Ang lotion at shampoo ay parehong may tekstura.
C. Ang lotion at shampoo ay parehong may tiyak na hugis.
D. Ang lotion at shampoo ay mayroon parehong mabangong amoy.

13. Alin sa sumusunod na liquid ang HINDI maaring gamitin sa pagluluto ng


pagkain?
A. ethyl alcohol B. patis C. suka D. toyo

14. Kung isasaayos mo ang sumusunod na solid ayon sa pinakamaliit


hanggang sa pinakamalaki, alin sa sumusunod ang nasa tamang ayos?

Holen Kabinet Backpack Notebook


I II III IV

A. I, II, III, IV B. II, III, IV, I C. IV, III, II, I D. I, IV, III, II

15. Alin sa mga bagay ang magkapareho ng tekstura?

bato pinya unan semento tubig


I II III IV V

A. I, II at III B. II, IV, at V C. I, II at IV D. III, IV at V


16. Kumakain ng paborito niyang fried chicken si Lyra at nilagyan niya ito ng ketchup. Habang
binubuhos niya ang ketchup napansin niyang mabagal ang pagdaloy nito palabas ng bote.
Pagkatapos kumain ay naglagay naman siya ng tubig sa pitsel at madaling naisalin ang tubig
mula sa pitsel patungo sa baso. Ano ang natuklasan ni May tungkol sa liquid mula sa
sitwasyong ito?
A. Ang liquid ay walang hugis.
B. Ang liquid ay may iba’t-ibang amoy.
C. Ang liquid ay may iba’t-ibang kulay.
D. Ang liquid ay may iba’t-ibang bilis ng pagdaloy.

17. Alin sa sumusunod na kagamitan ang maaaring gamitin sa kusina?

A. B. C. D.

18. Alin sa sumusunod ang liquid na nakapinsala sa kapaligiran at sa tao?


A. mantika B. pamatay insektoC. toyo D. tubig

19. Alin sa sumusunod na bagay ang HINDI nakakabuo ng init?

A. B. C. D.

20. Nais ni Kuya Nathan na lagyan ng simbolo ang kerosene na nasa bote
upang magbigay babala sa mga makakakita nito. Anong simbolo ang
dapat niyang ilagay?

A. B. C. D.

21. Paano makakaiwas sa disgrasya o sakuna mula sa mga nakalalasong mga


bagay tulad ng gaas at pamatay insekto?
A. Ilagay ito sa tabi ng stove.
B. Hayaaan itong nakakalat.
C. Ilagay ito sa ibabaw ng kainan.
D. Ilagay ito sa loob ng cabinet na hindi maabot.

22. Pagmasdan ang larawan sa kanan, ano ang maaring mangyari kapag
pinagpatuloy ng batang babae ang kanyang ginagawa
sa posporo?
A. Gaganda ang kapaligiran.
B. Ang bata ay magiging masaya.
C. Maaring magkaroon ng bagong kaibigan ang bata.
D. Maaring mapaso ang bata at magkaroon ng sunog.

23. Madalas na nagispray ng pamatay insekto si Ate Larah sa kanilang


tahanan. Sa paanong paraan niya maproprotektahan ang kanyang sarili
sa pag-ispray ng pamatay insekto upang hindi magkasakit?
A. Magsuot ng bagong damit habang gumagamit ng pamatay insekto.
B. Magsuot ng mask at gwantes habang ginagamit ang pamatay insekto.
C. Isarado ang mga bintana at pintuan habang gumagamit ng pamatay
insekto.
D. Lahat ng nabanggit.

24. Ano ang nagpapakita ng proseso ng Melting?


A. hamog sa dahon C. natutunaw na kandila
B. kumukulong tubig D. pagtigas ng yelo

25. Ano ang pagbabago ang ipinapakita sa larawan ng nsa kanan?


A. Gas to Solid C. Solid to Gas
B. Liquid to solid D. Solid to liquid

26. Ano ang dahilan kung bakit natutunaw ang isang ice cream?
A. Dahil tumaas ang temperature ng ice cream.
B. Dahil bumaba ang temperature ng ice cream.
C. Dahil hindi nagbago ang temperature ng ice cream.
D. Wala sa nabanggit.

27. Alin sa mga sumusunod na pangungusap ang HINDI nagpapatunay na


mayroong pagbabagong nangyayari sa tubig habang ito ay
pinapainitan?
A. Nagkakaroon ng usok.
B. Tumataas ang temperature ng tubig.
C. Unti-unting bumababa ang lebel ng tubig.
D. Unti-unting tumitigas at nagkakaroon ng hugis ang tubig.

28. Ano ang maaring gawin ni Juan sa tubig para ito ay maging yelo?
A. Painitan ito sa kalan.
B. Hayaan itong nakabilad sa araw.
C. Ilagay ito sa loob ng ref.
D. Lahat ng nabanggit.

Para sa mga tanong bilang #29 at #30, pagmasdan at suriin ang figure sa ibaba patungkol sa
Temperatura ng Tubig Habang iniinit.

Temperatura ng Tubig Habang


Iniinit
150

100

50 Degrees Celsius

0
1 3 6 9 12 15
minute minute minute minute minute minute
Time (min)
29. Anong konklusyon ang napatunayan nito?
A. Ang tubig ay hindi naaapektuhan ng temperature.
B. Ang tubig habang iniinit ay tumataas ang temperatura.
C. Ang tubig habang iniinit ay bumababa ang temperatura.
D. Ang tubig habang iniint ay hindi nagbabago ang temperatura.

30. Ano ang magpapatunay na naapektuhan ng temperatura ang tubig?


A. Walang epektong pinapakita nag bar graph.
B. Nagbabago ang aanyo ng tubig habang iniinitan.
C. Bumababa ang temperatura habang tumatagal ang oras ng pag-init
ng tubig.
D. Tumataas ang temperatura habang tumatagal ang oras ng pag-init
ng tubig.

-wakas-

You might also like