You are on page 1of 4

Republic of the Philippines

Department of Education
Region IV-A CALABARZON
Division of San Pablo City
Ambray District
PAARALANG PAG-IBIG AT PAG-ASA
San Pablo City

1st Summative Test


Araling Panlipunan 1

Pangalan: _________________________ Marka: ____________


Guro: Bb. Charmaine D. Velasco Petsa: _____________

I. Sagutin nang wasto ang bawat tanong. Bilugan ang titik ng tamang sagot.

1. Saan nagpapahinga at natutulog ang mga kasapi ng mag-anak?


a. bahay b. paaralan c. sambahan
2. Aling pangangailangan ang nagpapanatili ng kalusugan at kalakasan ng bawat
isa?
a. kasuotan b. bahay c. pagkain
3. Bakit kailangan ang kasuotan?
a. upang maging maganda ang katawan
b. upang proteksyunan ang katawan
c. upang makatulog sa gabi
4. Kulot na kulot ang iyong buhok. Ano ang gagawin mo?
a. Ikakahiya ko ito.
b. Ipagmamalaki ko ito.
c. Hindi ako lalabas ng bahay.
5. Maputi ang kulay ng balat ng iyong mga kapatid ng iyong mga kapatid at
kayumanggi naman ang kulay ng iyong balat. Ano ang gagawin mo?
a. Magtatampo ako sa aking mga magulang.
b. Hindi ako lalabas ng bahay upang pumuti.
c. Buong puso kong tatanggapin kung anuman ang kulay ng aking balat.
6. Sarat ang ilong ng iyong kaibigan. Nahihiya itong pumasok sa paaralan dahil
lagi siyang inaasar ng kanyang mga kaklase. Ano ang gagawin mo?
a. Pagsasabihan ko siya na huwag pansinin ang nang-aasar sa kanya.
b. Papayuhan ko siya na isumbong sa kanyang guro ang mga nang-aasar sa
kanya.
c. Pagsasabihan ko siya na huwag nang pumasok.
7. Ano ang gagawin mo sa pisikal na katangian ng mga Pilipino?
a. Ikuwento sa mga kaibigang dayuhan.
b. Ipagmalaki ang katangian.
c. Ikahiya.
8. Anong salita na ang ibig sabihin ay mga batayang prinsipyo o saligang batas na
gumagabay sa pamamahala ng isang bansa o mga samahan?
a. pribilehiyo b. konstitusyon c. nangalipol
9. Anong salita na ang ibig sabihin ay makaabot, makarating?
a. makatuntong ng kolehiyo
b. pribilehiyo
c. kamangmangan
10. Anong salita na ang ibig sabihin ay nangamatay, nawalang pag-asa o
pangitain?
a. nangalipol b. kamangmangan c. konstitusyon

II. Bilugan ang T kung ang sagot ay tama at bilugan ang M kung mali ang sagot.

T M 1. Ang bawat isa ay may pangalan.


T M 2. Ipagmalaki ang sariling pagkakakilanlan.
T M 3. Binibigyan tayo ng pangalan kahit nasa sinapupunan pa, sa iba’t
ibang kadahilanan o tinatanaw.
T M 4. Ilihim natin ang ating totoong edad.
T M 5. Dapat natin alamin ang ating tirahan.
T M 6. Bawat isa ay may kanya-kanyang katangian.
T M 7. Nadadagdagan ang edad taon-taon.
T M 8. Ang pangalan ay mahalagang impormasyon tungkol sa sarili.
T M 9. Ikahiya ang sarili.
T M 10. Isali ang pangalan ng pinapasukang paaralan kapag pinakikilala
ang sarili.
III. Basahin ang mga sumusunod na katangian tungkol sa ating mga ninuno na
dumating sa Pilipinas. Isulat sa patlang ang titik ng tamang kasagutan. Piliin ito
sa kahon.

a. Negrito b. Indones c. Malay

______ 1. Maitim ang kanilang balat.


______ 2. Sarat ang kanilang ilong.
______ 3. Matatangos ang kanilang ilong.
______ 4. Bilugan at maitim ang kanilang mga mata.
______ 5. Kayumanggi ang kulay ng kanilang balat.
______ 6. Sila ay may taas na apat na talampakan.
______ 7. Higit na mas mataas at payat na pangangatawan.
______ 8. Makakapal ang kanilang labi.
______ 9. Kulot-kulot ang maiikli nilang buhok.
______ 10. Katamtaman ang kanilang taas.

IV. Kulayan ang napiling larawang akma, umaayon, o tutugon sa


pangangailangan ng sitwasyon sa bawat bilang.

1. Matamlay at sakitin ang batang si Tristan.

2. Pauwi na sa bahay si Jerome nang biglang umulan.


3. Malamig ang panahon, lalabas ng bahay si Brianna.

4. Kailangan ni Arabella ng masustansiyang pagkain.

5. Sa kalye natutuloy ang mag-anak ni Aling Tinay.

You might also like