You are on page 1of 25

Name: Esrael A.

Oftana Date: September 25,2021

Pagsususri ng Pelikula: HENERAL LUNA

A. Background ng Pelikula:

 Ang Pelikulang ito ang nagpatunay na ang Pilipinas ay hindi na rin ngayon
papahuli sacinematography at anyo ng paggawa ng pelikula. Ang mga effects
na siyang ginamit, mula sapag-iilaw, pag-shooshooting, paglalapat ng
tugtugin ang mga patunay nito. Maayos nilangnaipakita sa
pamamagitan ng mga sangkap na ito ng paggawa ng pelikula ang
mismong kaayusan ng panahon ni Heneral Luna, subalit nagawa ito sa
pamamagitan ng makabago at masmagandang gamit ng teknolohiya.

B. Pagkilala ng Direktor/Talambuhay ng Direktor:

 Jerrold Viacrucis Tarog (Born May 30, 1977) is a Filipino film director,
screenwriter, producer, editor, and composer. He is best known for directing
Heneral Luna (2015), Bliss (2017), Goyo: The Boy General (2018), and the
upcoming film Darna. His first feature film was the independently produced
Confessional (2007), followed by Mangatyanan (2009) and Sana Dati (2013).
He has also directed segments in three installments of the Shake, Rattle & Roll
horror anthology series.

 Early life and education


Jerrold Tarog was born in Manila on May 30, 1977, and grew up in
Canlubang, Laguna. He was an only child of parents Jose, an Overseas
Filipino Worker from Bicol, and Aurora, who hails from Leyte. At age
six Tarog learned to play the drums, and he took piano lessons at age
seven.

Tarog graduated from the University of the Philippines Rural High


School in Los Baños, Laguna for his primary education and spent two
years in the University of the Philippines Los Baños to study agribusiness
management for his secondary education; he eventually withdrew from
the latter school having performed poorly. He later shifted his major and
transferred to the University of the Philippines Diliman, where he
graduated with a degree in music composition from the university's
College of Music school. He briefly attended the International Academy
of Film and Television in Cebu City.

 Career
While a student at the UP Diliman, Tarog became significantly interested
in filmmaking since the university's College of Music hall stood nearby
the UP Film Center and he began taking film classes. He recalled
watching classic films that were directed by acclaimed directors Akira
Kurosawa, Martin Scorsese and Woody Allen. After graduation, Tarog
was a drummer of a heavy metal band, having played the drums in
college.
In his early filmmaking career, Tarog assumed different names on
separate occasions. As a screenwriter he was Ramon Ukit, a Filipinized
name of his favorite American fiction writer Raymond Carver. As an
editor, he was Pats R. Ranyo, an anagram of the character he played in
his own film Confessional, Ryan Pastor. As a sound designer he was
Roger "TJ" Ladro, an anagram of his complete name. He has described
his filmmaking expertise as "self-taught.

C. Tema ng Pelikula:

 Ang heneral luna ay isang pelikulang pantalambuhay mula sa pilipinas tungkol


kai antonio luna na nagsilbing heneral non hukbong pilipino noong
himagsikang pilipino at digmaang pilipino-amerikano.

D. Buod ng Sinusuring Pampanitikan (Panimula, Gitna at Wakas):

 Nagsimula ang pelikula sa pagdedebate ng gabinete sa kung nararapat ba ang


presensya ang mga Amerikano sa Pilipinas kasama sina Pangulong Emilio
Aguinaldo at Apolinarion Mabini. Kabilang sina Pedro Paterno at Felipe
Buencamino sa mga sumasang-ayon sa pakikipagkalakalan ng Pilipinas sa mga
Amerikano, subalit ipinapaglaban naman nina Heneral Luna at Jose Alejandrino
ang pakikidigma tungo sa paglaya ng Pilipinas. Humingi si Luna ng permiso sa
pangulo upang masimulan nila ang pang-unang pag-atake sa mga Amerikano
ngunit tiniyak naman ni Aguinaldo na tutulong ang mga Amerikano sa paglaya
ng Pilipinas mula sa Kastila. Sa kasamaang palad, ang mga Amerikano pala ay
sumugod sa mga pangunahing bayan na nagmitsa ng posibleng digmaan laban
sa kanila.

Si Luna at ang kanyang mga pinagkakatiwalaang kakampi ay nakidigma na


laban sa mga Amerikano at sa gitna ng labanan ay humingi ng dagdag pang
sundalo si Luna ngunit hindi ito sinunod ni Janolino sapagkat si Aguinaldo
lamang daw ang kanyang sinusunod, bagay an ikinagalit ni Luna. Matapos
iyon, tinipon ni Luna ang 4,000 na sundalo at ipinatupad ang kilalang
“Artikulo Uno” na nagsasabing ipapapatay nang walang paglilitis ang hindi
sumunod sa kanyang utos.
Habang nagpapatuloy ang digmaan, ikinagalit ni Luna ang pagsang-ayon
nina Buencamino at Paterno sa panukala ng Amerikano sa awtonomiya kaya
ipinakulong niya ang mga ito. Pinahina rin siya ng pagtanggi ni Mascardo
sa pagbibigay ng dagdag na sundalo at ang paglaya nina Buencamino at
Paterno ay nakapagpadismaya kay Luna kaya naghain siya kay Aguinaldo
ng resignasyon. Subalit, itinanggi ito ng pangulo na nagbigay naman sa
kanya ng kuwartel sa Hilaga.

Nagpadala ng telegrama si Aguinaldo na nag-uutos kay Luna na tumungo sa


kanya, ngunit kahit na kahina-hinala ay tumungo pa rin siya kasama lamang
sina Roman at Rusca. Nagkita sila ni Buencamino roon at nagbatuhan ng
maiinit na salita. Nang may magpaputok sa labas, tinungo ito ni Luna at
doon siya pinagbababaril ni Janolino at ng kanyang mga sundalo.

Sa utos ni Aguinaldo ay nilibing si Luna at Roman nang may mataas na


sundalong karangalan. Marami ang naghinala kabilang na si Mabini, subalit
itinanggi ni Aguinaldo ang kasamaang kanya namang tunay na
pinangunahan.

E. Panunuri ng Pelikula hindi bababa sa 10 eksina (Mahahalagang eksina


na tumatak, larawan at paliwanag) Maayos na pagkakasunod-sunod:

1.
Ang larawang ito ay ang pagtitipon ng mga membro sa gabinete sa
isang palasyo sa Bulacan. Ito ay ang unang pagtitipon ng halos
magkagulo na ang palasyo dahil sa lakas at nagtataasan na ng boses
ang bawat isa dahil sa mga opinion at paraan na dapat gawin sap ag
ataki ng mga amerikano sa bayan.

2.

Ito ay ang pagtatalo ng mga membro sa gabinete at ang pagtaaas ng


boses ni Heneral Luna dahil sa pagkataranta ng iba at pagtataksil. Sa
tagpo ring ito ay sinabi ni Heneral Luna sa isang membro na:
“Negosyo o Kalayaan? Bayan O sarili? Mamili ka” ito ang linyang
binitawan ni Heneral Luna sa kanyang pagka galit dahil mas inuuna
ng mga membro sa gabinete ang kanilang mga sarili kesa sa bayan.
3.

Sa eksinang ito ay ang pag-alis ni Heneral Luna at ng kanyang


Samahan sa isang palasyo na kanilang pinagtitipunan. Bago paman
nila linisan ang palasyo ay nagpakita sila ng paggalang sa bayan na
kahit anong mangyari ay iaalay nila ang kanilang mga sarili sa bayan.

4.

Isang sundalo ang nag alay ng kanyang lubos na pagmamahal sa


bayan, naantig ang puso at kabutihan ni Heneral Luna sa tagpong ito
kaya kahit paman nasa gitna sila ng bakbakan ay binigyan nya ng
parangal ang isang mabuting sundalo na nag alay ng kanyang buhay
sa bayan at nagpasalamat ang sundalo sa Heneral ngunit sa kasamaang
palad ang sundalo ay binawian ng buhay.

5.

Sa tagpong ito, ay ipinakita ni Heneral Luna ang kanyang katapangan


at pagmamahal sa bayan. Nilusob nya ang pinaroroonan ng mga
sundalong amerikano kahit paman delikado. Siya ay tinamaan ng bala
sa dibdib.

6.
Ito ay ang pagka hulog nya sa sinasakyang kabayo upang lumosob sa
teretoryong pinaroroonan ng mga amerikano ngunit sa kasamaang
palad ay tinamaan sya ng bala sa dibdib. At nais nya nalang
magpakamatay at barilin ang kanyang sarili. Ngunit, lingid sa
kanyang kaalaman ay ang balang nakatama sa kanya ay tumama pala
sa kanyang bitbit na baryang pilak at laking tuwa nya na pinigilan sya
ng kanyang Samahan sa pagpapakamatay.

7.

Ang eksinang ito ay nagpapakita ng mainit na tagpo, ipidama ng


Heneral ang kanyang pagka humaling at pagmamahal. makikita ang
pagtatalik ng dalawang tao na si Heneral Luna at Isabel na sabik at
uhaw sa pagmamahal. Mainit nilang pinagsaluhan ang mga yakap at
halik na umabot sa matinding tension.
8.

Sa eksinang ito, ang isa sa pinakabatang Heneral sa bans ana si


Heneral Gregorio Del Pilar o mas kilala sa bansag na “Goyong”.
Masasaksihan sa tagpong ito ang pag lusob ng mga sundalong
amerikano sa kanilang pianaroroonan.

9.

Sa ganap na ito ay dala-dala ni Luna ang liham na naglalaman ng


kanyang pagbibitiw sa pwesto bilang heneral ng Hukbong Sandatahan
ng Pilipinas. Matapang at walang paligoyligoy niyang ipinahatid ang
mga katwiran nito sa harap mismo nina Mascardo, Mabini, Pangulong
Aguinaldo, Buencamino na nagtatago sa isang silid. Subalit hindi
tinanggap ng pangulo ang kanyang pagbibitiw bilang isang Heneral
dahil siya lamang ang may katangiang makagagabay sa hukbo ng
maayos.

10.

Ito ang huling kaganapan sa pelikulang Heneral Luna, sa eksinang ito


ng pelikula ay pumunta sa palasyo ng pangulo si Heneral Luna ngunit
lingid sa kanyang kaalaman ay may matinding kaganapan pala syang
haharapin. Dito ay naranasan nya ang karumal-dumal na tagpo dahil
siya ang pinagtataga ng itak at pinagbabaril ng mga kapwa sundalong
Pilipino. Kahit paman sa huling hininga ni Heneral Luna ay bitbit nya
parin ang katangian ng isang matapang na Pilipino, siya ay lumaban at
nagtiwala sa sariling kakayahan kahit paman alam niyang wala syang
laban. Nangingibabaw sa kanya ang pagiging matapang, magiting na
sundalo at ang pagiging maka-bayan.

“Ang tanging kalaban ng mga Pilipino, ay ang ating mga sarili”


-Heneral Antonio Luna
F. Mga Tauhan at Kanilang Katangian:

 Heneral Antonio Luna (John Arcilla)

Ang pangunahing tauhan sa pelikula at ipinakita ang kagitingan sa


paninindigang ang Pilipinas ay sa mga Pilipino at hindi sa
Amerikano. Siya ay isang mahusay, matapang at matalino, ngunit
may madaling uminit na ulong heneral na patuloy sa kanyang
paniniwala kahit pa makalaban ang ibang mga Pilipino, partikular
na ang pangulo, na nagtaksil sa kanya sa huli.

 Pangulong Emilio Aguinaldo (Mon Confiado)

Siya ang kinikilalang unang pangulo ng Pilipinas na namumuno


nang dumating ang mga Amerikano. Pinakasinusunod siya ng mga
mabababang pinuno ng sandatahan kaya naman bahagyang
nahirapan si Heneral Luna sa kanyang mga plano. Maikukumpara
rin siya sa isang ahas sa damuhan na dapat ay kakampi ngunit
patagong magtataksil sa kanyang kapwa Pilipino.

 Apolinarion Mabini (Epy Quizon)

Ang unang “prime minister” ng Pilipinas sa ilalim ni Aguinaldo.


Hindi siya makabalintuna sa mga adhikain ni Aguinaldo sapagkat
pawang mas mataas ang pangulo. Hindi rin niya nalaman ang pagkitil
kay Luna bagama’t siya ay may nararamdamang kakaiba lalo na nang
makita niya ang bolong may dugo ng isa sa mga sundalo.

 Jose Alejandrino (Alvin Anson)

Isa siya sa mga pangunahing kakampi ni Antonio Luna sa kanilang


paninindigang nararapat lumaya ang Pilipinas mula sa mga
Amerikano na siyang kapwa heneral nito.

 Col. Francisco “Paco” Roman (Joem Bascon);


 Cap. Eduardo Rusca (Archie Alemania);
 Cap. Jose Bernal (Alex Medina) at;
 Major Manuel Bernal (Art Acuña)

Sila ang iba pang mga katiwa-tiwalang kasamahan ni Heneral


Luna sa kanilang pakikidigma laban sa mga Amerikano.

 Felipe Buencamino (Nonie Buencamino) at;


 Pedro Paterno (Leo Martinez)

Silang dalawa ay naninindigan sa debate na nararapat panatilihin


ang pakikipagkalakalan sa mga Amerikano ng mga Pilipino,
kabalintuna nila Heneral Luna.

 Cap. Pedro Janolino (Ketchup Eusebio)

Siya ang kapitan ng Kawit Batallion at hindi siya sumunod sa utos


ni Luna sapagkat ayon sa kanya ay si Aguinaldo lamang ang
sinusunod niya. Siya rin ang pangunahing nagtaksil sa Pilipinas na
sa utos ni Aguinaldo ay pinatay niya at ng kanyang batalyon sina
Luna at Roman.

 Gen. Arthur McArthur Jr. (Miguel Faustmann) at;


 Gen. Elwell Otis (E.A. Rocha)

Sila ang namumuno sa mga Amerikano sa pakikidigma sa mga


Pilipino.

G. Tagpuan at Panahon:

1. Kawit, Cavite
Araw ito ng Marso 1, ang klima ay tag-init at ito ay umaga
2. Guagua, Pampanga
Ika dalawampu’t-lima ng Abril, ang klima ay tag-init at ito ay gabi
3. Intramuros, Manila
Ika labintatlo ng Agosto, ang klima ay tag-init at tinatayang ito ay
umaga
4. Bayambang, Pangasinan
Ika dalawa ng Hunyo, ang klima ay tag-init at ito ay umaga
5. Cabanatuan, Nueva Ecija
Ika lima ng Hunyo, ang klima ay tag-init at ito ay umaga

6. Bulacan
Ika dalawampu’t-anim ng Setyembre, ang klima tag-init rin at
tinatayang ito ay umaga

H. Paglalapat ng Teorya (Ipaliwanag ang eksina):

1. Teoryang Historikal

Sa tagpong ito ng pelikula, ay ang pagpupulong ng mga nakaupo sa


Gabinete dahil sa biglang pagdating ng mga amerikano sa bansa
upang sakupin ang bayan. Makikita ang pagtatalo ng mga nakauppo
sa gabinete kasama ang Presidente, Apolinario Mabini at mga
kasamahan ni Heneral Luna.

2. Teoryang Sosyalismo

Sa eksinang ito ng pelikula makikitang si Heneral Luna at ang


kanyang ibang Samahan ay nakipag-usap sa isang dayuhan at
matutukoy itong isang teoryang sosyalismo sapagkat sa tagpong
nakikiipagsalamuha ang Pilipino sa banyaga.

3. Teoryang Kultural
Dito makikita ang pagka makadiyos ng mga Pilipino na sa lahat ng
kanilang gagawin ay lahi silang humihingi ng gabay sa diyos.
Makikita rin dito ang pagkamaka-bayan nina Heneral Luna at nasa
kultura ito ng mga Pilipino.

4. Teoryang Bayograpikal

Ang pelikulang ito ay isang Bayograpikal sapagkat ang mga


kaganapan at tagpo ay hango sa totoong buhay ng ating dakilang
bayani na si Heneral Antonio Luna.
5. Teoryang Feminismo

Sa kaganapang ito makikita na ang mga kababaihan ay nagtulong-


tulong na mag-alsa sa pakikipag digmaan. Napapaloob ito sa teoryang
feminismo sapagkat nakikita sa pelikula ang pagkakaisa ng mga
kababaihan sa pakikipagdigmaan laban sa mga dayuhan.

6. Teoryang Romantisismo
Sa tagpong ito ng pelikulang Heneral Luna, makikita ang pagtatalik
ng dalawang tao ng sabik at uhaw sa pagmamahal. Mainit nilang
pinagsaluhan ang mga yakap at halik na umabot sa matinding tension
kaya masasabing ito ay naaangkop sa teoryang Romantisismo.

I. Mga Simbolong Ginagamit:


1. Watawat
sumsimbolo sa kasarinlan ng bansa, ibinabandera o winawagayway
ang watawat bilang tanda ng isang bansa na may ganap na Kalayaan.
2. Uniporme
Sumisimbolo sa bawat hukbo ng mga sundalong matatapang bilang
isang kasuotan at pagkilala.
3. Lampara
Ang liwanag na dala ng lampara ang nagsisilbing ilaw ng mga
sundalong nakikipagdigmaan, ito rin ay kumakatawan sa bawat araw
na may boong pag-asa.
4. Pluma at aklat
tanda ng nakaukit at hindi mabuburang nakaraan na naglalaman ng
malaking bahagi ng kasaysayan.
5. Armas de Fuego at mga bala
sumisimbolo sa patuloy na bakbakan at pakikibaka ng bawat tao.
6. Insignia sa balikat
tanda ng pagkilala sa isang tao dahil sa di matatawarang nagawa sa
bayan sa gitna ng digmaan.
7. Baryang Pilak
sa pelikulang ito nagsilbi itong anghel na hawak ay kalasag upang
protektahan ang may bitbit sa tiyak na kapahamakan. 8. Trumpeta
tanda ng pagsuko at pagtalikod sa mga kalaban hindi dahil ayaw na nila
kundi ito ang makabubuti.
J. Bisang Pampanitikan:

1. Bisa sa Isip:

 Naimpluwensyahan ng pelikula na ito ang pagiisip ng mga manonood ukol sa


ating pamahalaan at maging sa kasaysayan. Namulat nito angmga kaisipan na
hanggang ngayon ay hindi parin talaga natin lubusang kilala ang ating mga
bayani, at naipakita rin dito sa kanila na may mga bagay na nangyari dati na
nakaaapekto sa mga pangyayari ngayon sa bansa.

2. Bisa sa Damdamin:

 Napukaw ng pelikulang ito ang damdamin ng bawat manonood bata, matanda,


estudyante o mga magulang man. Halo-halong emosyon ang nadama marahil ng
mga manonood. Maaaring nalungkot dahil sa nangyaring kalupitan kay Luna na
sinaksak at pinagbabaril ng mga kapwa niya Pilipino, nagalit sa mg taong
walang aw ana pinatay si Heneral Luna sa kabila ng mga ginawanito para sa
bayan. Nainis sa ibang tao na nasa pamahalaan na walang ginawa kundi ang
magpakasaya sa kabila ng paghihirap ng ibang Pilipino, natuwa dahil sa mga
binitiwang kataga ni Heneral Luna o naiyak dahil kahit sa huling sandali ng
kanyang buhay ay nagging matapang parin si Luna at siya’y kinatakutan parin
ng mga kawal.

3. Bisa sa Kaasalan:

 Nasasalamin sa pelikulang ito ang pagiging Mabuti at pagmamahal sa bayan.


Ipinakita ni Heneral Luna ang kanyang pagkamakabayan at lubos na kabutihan
na inialay nya sa ating bayan. Ang mga taong kagaya ni Heneral ay dapat
talagang tanghalin na isang bayani dahil dugo’t pawis ang kanyang inialay. Ang
kanyang mga ipinakitang taktika at mabuting gawi ay dapat na gayahin upang
mas mabigyan natin ng kabutihang asal ang bawat Pilipino.

4. Bisa sa Panlipunan

 Ang pelikulang Heneral Luna ay nagbibigay ng katingan ng pagiging Maka-


bayan, maka-pilipino at pagiging matapang ng isang magiting na Pilipino.
Samatuwid, nais ipahayag ng pelikulang ito sa lipunan na gayahin ang mga
katanging ipinakita ni Heneral Luna, na huwag matakot at tayong Pilipino ay
dapat hind imaging dayuhan sa sarili nating bayan.

K. Mga Aspektomg Teknikal:

1. Sinematograpiya:

Ang pelikulang Heneral Luna, ay nag lalaman ng mga katotohan


tungkol sa ating kasaysayan na ang ilan ay hindi natin inakala .Hindi
man kasing galing tulad ng mga ‘’Hollywood films’’, hindi natin
maipagkakaila na maganda at maayos ang pag kakagawa ng pelikula
mula sa pag kuha ng mga videos at pag lalapat ng mga effects. Sa
pamamagitan nito ay maayos na naisakatuparan ang mga ekesenang
hinahangad ng mga gumawa ng pelikula.

2. Musika:

Ang mga musikang ginamit sa pelikulang Heneral Luna ay naakop sa


kung ano ang gusting ipahayag ng pelikula sa sambayanan. Ginamit
sa pelikula ang kantang may titulong “Ang Heneral” at “Anak ng
Kalayaan” ang mga kantang ito ay nag hahatid ng pagka Makabayan
at naaangkop din sa anong gusting ipahayag ng pelikula.

3. Disenyo ng Pelikula:

Ang disenyong pamproduksiyon ng pelikula ay naayon lamang sa


tema na makaluma. Dahil dito, mas nadama ng mga manonood ang
makalumang tema ng pelikula. Nakamamangha rin ang kanilang
disenyong produksiyon dahil akmang akma siya sa mga dapat na nasa
pelikula tulad ng pananamit, gamit, lugar at iba pa.
4. Pagganap ng mga Artista:

Ang mga artistang gumanap sa pelikulang Heneral Luna ay nagpakita


ng kahusayan at talento sa pag acting, dahil ginampanan ng bawat
artista ang kanilang mga role o tungkulin sa pelikula na may
pagmamalaki at lubosang pagmamahal sa kanilang trabaho at dinama
ng mga gumanap na artista sa pelikula na parang sa totoong buhay.
L. Mga Kuha/Shots:
1. 10 Long Shots:
2. 10 Medium Shots:
3. 10 Close-Up Shots:
M. Moral:

 Ang pelikulang Heneral Luna ay sumisumbolo sa ating bayaning si Antonio


Luna na kumakatawan bilang isang Matapang na namumuno sa mga sundalong
pilipino na nakikipag digmaan sa mga amerikano. Si Heneral Luna ay isang
matapang na nakikipag digmaan upang maipagtanggol ang ating nasasakupan.
Ang nais ipabatid ng pelikulang ito na sa kahit ano mang unos na kinakaharap
ng ating bayan at manatili tayong matatag at matapang na humarap sa anomang
problema. Katulad ni Heneral Luna at ng kanyang hukbo sila ay nagkaisa na
lumaban sa kampo ng mga amerikano at ipinapahag nila sa pelikula ang
pagmamahal sa bayan at pagiging makabayan. Handa dapat tayong mag alay ng
ating mga sarili kung ito may ika bubuti ng ating bayan. Tanging ipinabatid sa
pelikulang ito na bilang isang pilipino tayo ay maging matapang at huwag
hayaang lamunin tayo ng takot at isulong ang kabutihan at huwag dapat maging
dayuhan sa sarili nating bayan.

N. Konklusyon:

 Sa panonood ng pelikulang Heneral Luna, marami akong natutunang kaalaman


at napagtantong mga aral na maaaring isabuhay. Isa sa aking mga
impormasyong natutunan ay ang pagiging magiting na bayani at ang
kahalagahan ni Heneral Luna sa kasaysayan, sapagkat kung hindi dahil sa
kanya ay agad tayong nasakop ng mga Amerikano. Natutunan ko rin na hindi
lahat ng mga pangulo ay may pinong kalooban, katulad na lamang ni Pangulong
Aguinaldo na handang ipakitil ang kapwa Pilipino, kaya nararapat na mag-ingat
tayo sa ating ihahalal na pinuno sa kasalukuyan. Dagdag pa rito, kinakailangan
din natin na maging mapanuri sa makakasama sa ating landas sa buhay dahil
maaaring sila mismo ang magtaksil sa atin at pumutol sa pagtitiwalang inakala
natin ay nararapat ibigay. Bukod sa mga aral na aking natutunan,
pinasasalamatan ko rin ang director at mga tao sa likod ng pelikula na ito. Ito ay
sapagkat nakatulong ito upang muling buhayin ang kasaysayan at magbigay
karunungan sa mga mamamayang Pilipino, partikular na sa mga kabataan. Sa
kasalukuyan kasi, moderno na ang mga kabataan, mahirap para sa kanila ang
magbasa ng mga aklat upang alamin ang ating kasaysayan kaya naman tunay
itong nakaagapay sa promosyon nito. Tunay ngang maraming bayani ang
nanindigan laban sa pananakop ng dayuhan. Sila ay nararapat nating bigyang–
parangal at alalahanin bilang pagpapakita ng pasasalamat sa pag-aalay ng
kanilang buhay para sa Pilipinas.

You might also like