You are on page 1of 22

KABANATA I

INTRODUKSYON

Ang pagsasagawa ng pag-aaral ng mga mananaliksik tungkol sacyberbullying ay

isang hakbang uang maiwasan kung bakit itp nagaganap. Ang cyberbullying o

pagmamaton sa intenet ay ang paggamit ng internet o mga iba pang teknolohiya para

gumamit ng mga masasakit na salita at maglabas ng mga dikaaya-ayang utrato na

maaring ikasira ng mga mamay ari nito. Ang isang bata na nakakaranas ng cyberbullying

ay maaring magkaroon ng epekto sa kanyang pangkalahatang gawain. Ang katawagang

“Cyberbullying” ingles ay nilikha at binigyan kahulugan ni bell besev paggamit ng

teknolohiyang pang impormasyon at pang komunikasyon para suportahan ang sinasadya

at paulit-ulit na mapanirang pamamaraan ng isang indibidwal o group upang makasakit

ng tao. Sa pagnahon ngayon ay uso na ang makabong teknolohiya karamihan ng mga tao

ay mayroon nito. Ang pagkakaroon ng bagong teknolohiyang ay may mabuti at

masamang naidudulot sa bawat isang gumagamit nito. Ang mabuting naidudulot nito ang

pagkakaroon ng bagong kaalaman na makakatulong sa pang araw-araw na gawain, ngunit

sa pag tagal ng panahong ay masyado na itong inabuso at ginamit na rin sa pansarili

nilang interes.

Ginamit narin ang teknolohiyang para makapanakit ng iba at mag pahiya.Ang

kalimitangnakakaranas ng cyberbullying ay mga kabataan, sila ang malimit biktimahin

ng isa o group ng kabataan. Mahirap alamin kung sinu ang gumagawa ng cyberbullying

dahil hindi agad malalaman kung kaninong pangalan o address ng may ari ng isang

account sa isang social media. Ang kagawain sa cyberbullying ay hindi lamang limitado

sa mga bata, habang ang mga pag-uugali ay nakikitang sa parehong kahuluhan sa mga
matatanda. Ang pagkakaiba sa group ng edad ay minsangtinatawag bilang cyber-stalking

o cyber-harrashment, kapag sinasagawa sa kapwa matatanda at minsan din ay inaayon sa

kasarian. Ang mga bata ay nagsisimula ng maging malupit sa isa’t-isat kapag nasa

internet sila. Kahit nasa ikalawang baitang pa lamang. Ayon sa pananaliksik, maagang

nagpakita nito ang mga bata lalaki kaysa sa mga batang babae. Ngunit pagtapak sa

kalagitnaang baitang, ang mga batang babaae naman ay karaniwang gumagawa ng

pagmamaton. Mapalalakima o babae ang maton (bully), ang layunin nila ay intentional na

magpahiya, guluhin, mang insulto at magbanta sa isa’t-isa.

Ang pagmamaton ito ay nagaganap sa pamamagitan ng elektronikong liham,

mabilisang pamemensahe (texting) at ang pagpapaskil ng mga sulatin sa blog at salitang

hiram website ang isapang kadahilan ay ang kawalan na kayang paghiwalayin ang isang

cell phone mula sa may ari nito, kaya nagagawang patuloy na bibiktimahin ang isang tao.

Ang mga gumagamit ay madalas na kailangan i-on ang kanilang mga cellphone ppara sa

lehitimong mga layunin, na kung saan ay nagbibigay ito ng pagkakataon para sa mga

may masamang intension na patuloy na gumagawa ng mga di maganda tulad ng

manggulo sa mga tawag sa cellphone o manakot at mang insulo sa pamamagitan ng mga

kakayahan ng cellphone, text, messaging. Ang mga nakakaranas ng cyberbullying ay ang

mga kabataan walang kakayahan na ipagtangol ang kanilang sarili sa nambubully sa

kanila. Bukod pa dito, ang mga bully ay kaayang ayang pagtulungan ang biktima sa

electronic pages kaysa sa tradisyunal na pagmamaton dahil wala namang limitadong

bilang ng taong maaring sumali at suportahan ang mga pagmamaton pahayag. Isang

posibleng kabutihang naman sa biktima ng cyberbullying kaysa sa tradisyunal na

pagmamaton ay maari nilang iwasan ang chat room. Ang mga e-mail, address, at
numerong cellphone ay pweding palitan; at isa pa ay mayroon ng mga serbisyo sa e-mail

na salain ang mga mensahe bago pa ito makarating sa tatangap

Gayunpaman, hindi nito kayang iwasan ang lahat ng anyo ng cyberbullying; ang

pahahayag ng mga mapanirang-puring materyal tungkol sa isang tao sa internet ay

napakahirap iwasan lalo na kung ito’ynailathala na milyon-milyong tao na ang maaaring

nakapagdownload nito bago pa ito matanggal. Ang mga gumagawa nito ay maaaring

makapag post ng mga litrato ng biktima at ng mga inedit katulad ng paglalagay ng mukha

nila sa isang katawang nakahuba

Layunin ng pag-aaral

Sa pang kalalahatang ang aking layunin patungkol sa cyberbullying ay makaka-ambag ng

ilang tiyak na mungkahi para magkaroon kayo ng kunting kaalaman patungkol sa aking

papel- pananaliksik.

Ang tiyak ng layunin ay ang mga sumusunod:

1. Para alamin ang kahulugan ng cyberbullying.

2. Para malaman ninyo ang epekto ng cyberbullying.

3. Para malaman ninyo ang prosiyento ng cyberbullying dito sa ating school.

4. Para malaman ang solusyon upang maiwasan ang cyberbullying.

5. Alamin kung sino-sino ang mga nabiktima ng cyberbullying.


Saklaw at delimitasyon

Ang pananaliksik na patungkol sa cyberbullying ay dito lamang sa Guisguis Sta.

Cruz, Zambales at pili lamang ang aking kukunin na respondent patungkol sa aking

paksa kung sila ay nabiktima na o sila ay naging bully sa kapwa tao. Ang kukunin

kong porsiyento sa mga taong na cyberbullying ay ang buong philipinas dahil mas

madaming akong makukuhang paksa at ideya sa internet at mas madali kong

magagawa ang aking paksa ang cyberbullying.

Ang mga kukunin kong respondent ay ang mga senior high shool ng Guisguis

National School dahil doon nakapokus ang aking paksa at dahil din may karanasan

sila sa cyberbullying.

Nakatuon din ang aking pagsusuri sa cyberbullying at ang mahalagang paksa sa

pagmamaton. Ang mga anyo ng cyberbullying ay ang social media, elektronikong

liham o e-mail, mabilisang pagmemensahi (texting). Pagpapaksil ng mga sulatin blot

at website at paggamit ng litrato o video. Itong limang anyo ng cyberbullying ay

magpaakita at bibigyan depinisyon sa talakayin.


Depinisyon ng mga terminolohiya

 Ang anti-cyberbullying law of 2013 ay na ipinatupad sa mga paaralan ng

magbibigay proteksyon sa sino mang nabiiktima ng mga pang-aabusong

berbal, pisikal at emosyonal o bullying.

 Ang batas republika ay mga philipinas na nilikha ng kongreso at nilagdaan

ng pangulo.

 Ang pagmamatonay ang paggamit ng puwersa, pagbabanta, o pagmimilit sa

pang-aabuso, mananakot, oagresibo mangibabaw. Ang pag-uugali ay

madalas ng paulit-ulit at kanagawian.

 Cyberbullying ang taong nagsasagawa ng pagmamaton gamit ang internet.

 Cyberbullying isang anyo ng pangaapi o panliligalig gamit ang

elektronikong anyo teknolohiya.

 Ang emosyon ay ang pakiramdam ng isang tao na hindi nagagawa ng pisikal

kundi ng metal at sikolohikal na gawain na makikita sa kilos, gawa, o ang

ugali ng isang indibidwal.

 Ang internet ay ang mga magkakabit ng mga komupyuter network na

maaring gamitin ng mga tao sa buong mundo.

 Social media ay ginagamit ng mga social networkers para ipahayag ang

kanilang damdamin sa mga tao na gumagamit din ng social media tulad ng

facebook, twitter, etc.

 Ang teknolohiya ay ang paggamit ng makabagong gadyet tulad ng

cellphone, laptop, kumpyuter, at iba pa.


Kahalagahan ng ag-aaral

Magulang- Mas maganda pang bantayan ang kanilang mga anak para mas

maiwasan ang cyberbullying at para makita ang mga pagbabago na mangyayari sa

kanilang mga anak.

Kabataan- Madami na ding kabataan ang nakaranas ng cyberbullying kaya mas

maganda basahin nila ito dahil ikakabuti din nila ito at para maihinto na ang

cyberbullying sa mga kabataan kung sila ay nabigyan agad ng kaalam.

Guro- Kailangan din itong mga guro para ito ay maibahaginila sa mgaestudyante

o kaya sa mga kabataan nanangangailangan ng payo kung paano ito maiiwasan o

masolusyunan.

Paglalahad ng suliranin

1. Ano-ano ang mga epekto sa kabataan ng nakararanas ng Cyber bullying?

2. Bakit may gumagawa ng pagmamaton sa internet sa kapwa nila kabataan?

3. Anu ang malaking pagbabago ng mga kabataan na nakararanas ng Cyber bullying?

4. Anong edad ang mga taong nagmamaton gamit ang teknolohiya?

5. Ilan na ang taong na cyber bullying dito sa paaralan?


KABANATA II

Mga kaugnayan na pagaaral

Pagmamaton sa internet

Mula sa wikipediang tagalong, ang malayang ensiklopedya angPagmamaton

sainternet o “cyberbullying” ay ang paggamit ng internet at iba pang kaugnay na

teknolohiya para sadya at paulit-ulit na makasakit ng kapwa tao. Dahil sa patuloy na

paglalaganap nito, lola na sa mga kabataan, nagsuslong na ng mga batas at kampanya

upang ito’y matigil na.

Ang katawagang “cyberbullying” a ingles ay nalikha at binigyang kahulugan ni

bill besev bilang “paggamit ng teknolohiyang pang-impormasyon para suportahan ang

sinasadya at paulit ulit na mapanirang pamamaraan ng isang individual o groupo upang

makasakit ng tao.” kinalaunan, ang cyberbullying ay itinuring na “kapag ginagamit anf

internet, cellphone secular at iba pa sa paghahtid ng mensahe o mga larawan na

naglalayong manakit o magpahiya ng kapwa.” Ang ilan sa mga mananliksik ay gamit ang

parehong lenggwahe upang ipaliwanag ang nasabing katawagan.

Ang pagmamaton sa internet ay ang patuloy na pagpapadala ng mensahe sa isang

taong na nagsasabing hindi nila kilala kung sino ang nasa likod nito na may kasamang

pagbabantay, seksuwal na nilalaman, nakakainsultong pananalita, panghahamak at

pagpapahatid ng mga maling pahayag na nagdudulot ng pagkawala ng kahihiyan ng isang

tao.
Ang mga bata ay nagsisimula na maging malupit sa isa’t isa kapag nasa internet

sila, kahit nasa ikalawang baitang pa lamang. Ayon sa pananaliksik, panaliksik, mas

maagang nagpakita nito ang mga batang lalaki kaysa sa mga batang babae naman ang

karaniwang ng pagmamaton. Mapalalaki man o babae ang maton (bully). Ang layunin

nila ay intensiyonal na nagpahiya, guluhin, mang-insulta at magbanta sa isa’t isa. Ang

pagmamaton ito ay nagaganap sa pamamagitan ng “mabilisang pagmemensahe (hindi sa

naisusulat)” mabilisang pagmemensahe(texting), at ang pagpapaskil ng mga sulatin sa

mga blog at website

Ang ilang mga katangian na likas na likas sa mga online na teknolohiya ay maari

itong samatalahin para gamitin sa mga di kaaya-ayang layunin. Hndi tulad ng pisiskal na

pagmamaton, ang mga electronic bully ay maaring di kilala sa paggamit ng mga

pansamantalang email accounts, sagisag-panulat sa mga chatroom, instant na maitatgo

nila programs, cellphone text messanging at iba pang lugar sa internet na maitatago nila

ang kanilangpagkakakilanlan, ito marahil ang nagbibigay sa normatibo at mga

panlipunang hadlang sa kanilag pag-uugali.

Bukod pa rito, ang mga electronic forum ay karaniwang walang gabay. Habang

ang mga chat host ay palagiang inoobserbahan ang ibang dayalogo sa mga chat room, sa

pagsisikap sa mga pag-uusap ng pulis at ng nakasakit na individual, ang mga personal na

mensahe (e-mail o text message) ay maari lamang mabasa ng nagadala at tumanggap,

kayat ito ay labas sa abot regulasyon ng mga awtoridad. At kapag ang mga tinedyer ay

mas maraming nalalaman sa mga kompyeter at cellphone, kaya nilang gamitin ito ng

walang pahintulot sa kanilang mga magulang para hindi malaman ang kanilang karanasan

sa pagbubuli (siya man ay biktima o ang nakasakit). Ang isa ang kadahilanan ay ang
kawalan ng kayang paghiwalyin ang isanng cellphone mula sa may-ari nito. Kaya

nagagwang patuloy na biktimahin ang isang tao ang mga gumagamit ay madalas na

lailangan i-on ang kanilang mga cellphone sa lehitamong mga layunin, na kung saan ay

nagbibigay ito ng pagkakataon para sa mga may masamang intensyonna patuloy na

gumawa ng mga di-maganda tulad ng manggulo sa mga tawag sa cellphone o manakot at

mang-insulto sa pamamgitan ng mga kakayahan ng cellphone text messanging. Bukod pa

rito, ang mga buli ay kayang pagtulungan ang biktima sa electronic pages kaysa sa

tradisyunal na pagbubuli dahil naming limitadong bilang ng taong maaring sumali at

suportahan ang mga pagmamaton pahayag.

Isang posibleng kabutihan naman sa mga biktima ng cyberbullyingkaysa sa

tradisyunal na pangbubuli ay maaaring nilang iwasan ang chat room. Ang mga e-mail

address at numero ng cellphone ay pweding palitan, at isa pa ay mayroon ng mga

serbisyo sa e-mail na salarin na mga mensahe bago pa ito makarating sa tatamggap.

Gayunpaman, hindi nito kayang iwasan ang lahat ng anyo ng cyberbullying; ang

paghahayag ng mga mapanirang-puring materyal tungkol sa isang tao na internet ay

napakahirap iwasan lalo na kung ito’y naitalathala na, milyu-milyong tao na ang maaring

nakapagdownload nito ay maaring makapagpost ng mga litrato ng biktima at ng mga

inedit katulad ng paglalagay ng mukha nila sa isang katawang nakahubad.


Mga kaugnay na Literatura

Ang cyberbullying ay kapag gumagamit ng internet, cellphones, o iba pang

teknolohiya na ginagamit para mag bigay ng mensahi, mag post ng mga litrato para

makasakit at mag pahiya ng ibang tao.

Ang stop cyberbullying.org ay painagtutuunan ng ansin ang kadalasang biktima at mga

nambibiktima ay inilalahad ang sitwasyon na ang bata o kabataan ay kadalasang

pinapahirapan, tinatakot, sinasaktan, pinapahiya o kaya naman ay target ng ibang bata o

kabataan gamit ang text, messaging email, instant messaging o iba pa pang klase ng

digital technology. Ngunit lahat ng deskripsyon ay naglalaman na tatlong elemento na

maaring ituring na cyberbullying; una, ang pag gamit ng nambibiktima ng modernong

impromasyon ang communication technology; pangalawa para sa layong mang gulo,

manakit, o mamahiya at pangatlo, ang mga biktima dahilan ng edad, pisikal na itsura, o

kaya ay psychological make-up na madalas ay naramdaman ay nakakaapekto rin.


KABANATA III

Disenyo ng pananaliksik

Gumagamit ang mga mananaliksik ng diskriptong paglalahad ng mga datos sa

pananaliksik. Ginamit ito upng matukoy kung sino ang mga kabataan ang nakakaras ng

cyberbullying. Ginamit rin ito upang malaman ang mga epekto ng cyberbullying sa isang

kabataan at kung ano ang pagbabago sa mga ugali ng mga respondante. Ginamit din ito

upang malalaman ang mga opinion ng mga kabataan tungkol sa cyberbullying. Ang pag

kakaroon ng sapat na kaalaman ay maaring magamit sa pag iwas sa naturang paksa.

Ang mga taga tugon sa pagaaral/respondate

Ang mga taga tugon sa pagaaralna ito ay ang mga kabataan sa Guisguis national

high school, senior high school. Dahil masyadong madami ang mga magaaral, minabuti

ng mananaliksik na umili ng dalawapung(20) respondent, edad labimpito hanggang

labing-walo taong gulang. Pinili ng mananaliksik ang mga magaaral na ito dahil ang

mananaliksik ay isang senior high school at gusto din na sila ay mabigyan ng

impormasyon atungkol sa mga epekto ng cyberbullying. Sa madaling salita, mas

mapapadali ang pagsasagawa ng pagsasarbey.


Instrumento

Ang pag aaral na ito ay isasagawa sa pamamagitan ng pagsusubey. Ang

naghahanda ng kwestyoner upang mabatid ang kaalaman ang mga magaaral ng senior

high school hingil sa cyberbullying. Kumosulta din ang mananaliksik sa ilang tao na

hindi masadong alam ang cyberbullying mass lalo sila bigyan mga kaalaman sa mga

epekto nito. Mabubuo dito ang instrumentong gagamitin sa pangangalap ng

impormasyon.

Ang kwestyoner ay binubuo ng multiple choice na pwede pumili ang respondent

ng isang sagot bawat tanong ngunit ito ay kanilang tse-tsekan. Sinukat din ang antas ng

kaalam ng mga mag-aral patungkol sa epekto ng cyberbullying.

Para sa lalong pagpapabuti ng pag-aral ay minabuti rin ng mananaliksik na mangalap ng

impormasyon gamit ang internet sa pagkuha ng mga kestyoner.


KABANATA IV

Tritment ng mga datos

Ang mananaliksik ay gumagamit ng mga di-komplikadong metodo ng istatistik

ang aking ginagamit na metodo ng istatistiks para makuha ang respondent ang lottery or

fishbowl technique.

Ang nakalap na mga sagot sa sarbey ay isinaayos ng mananaliksik. Bilang lamang

ang pinili sa bawat aytem sa kwestyoner ang inalam ng mananaliksik at ito ay ginawan

ng grap bawat tanong para malaman kung ilan ang sumagot at hindi sumagot sa aytem ng

isang ng isang kwestyoner.

Ang frequency and percentage distribution ay ganamit para makuha ang mga

bahagdan sa mga sagot ng mga respondente sa bawat tanong.

Pormula:

=(F / N) x 100

Kung saan:

%= porsiyento o bahagdan

F= frequency

N= constant number
Questionnaire:
Panuto: tsekan ( / ) ang parisukat kung ito ay tugma kapag ikaw ay namamaton gamit ang
teknolohiya (cyberbullying).
1) Ano ang dahilan kung bakit may mga taong nang mamaton gamit ang teknolohiya?
 Broken family
 Kawalan ng atensyon
 Walang
Iba pang dahilan;________________________________________________________________
2) Sino-sino ang mga nabiktima ng cyberbullying?
 Artista  Magsasaka
 Ofw  Estudyante
Iba pang dahilan; ______________________________________________________________
3) Nakakaapekto ba ito sa iyong mga grado sa paaralan? Bakit?
 Oo
 Hindi
 Minsan
Dahilan;_______________________________________________________________________
4) Saan mo naranasan ang cyberbullying?
 Text
 Elektronikong mensahe o e-mail
 Social networking sites
5) Ano ang emosyon na iyong naramdaman?
 Nalulukot
 Nasasaktan
 Walang pakialam
Iba pang emosyon; ______________________________________________________________
6) Kanino ka nanghihingi ng tulong kapag naramdaman mo ito?
 Magulang
 Kaibigan
 Wala
Iba pang dahilan; ______________________________________________________________
7) Tungkol saan ang kanilang binabatikos?
 Pisikal na anyo
 Ugali at kawalan ng abilidad
 Personal na buhay
Iba pang dahilan; _______________________________________________________________
8) Edad ng mga kadalasang nabibiktima ng cyberbullying?
 15-16  19-20
 17-18  21-22

9) Ano ang mga ginamit sacyberbullying?
 Laptop
 Cellphone
 Typewriter
10) Tuwing kailan nila ito ginagawa sayo?
 Madalas
 Minsan
 Bihira
Department of Education
Region III
Schools Division of Zambales
Sta. Cruz District

Mahal naming Punong Guro

Magandang umaga po kami po ay ang mag aaral ng labindalawang

baitang, magsasagawa ng isang pag aaral sa sasignaturang pagba at panaanaliksik

Ang aming pong pag aaral ay may paksang, “Mga nakikitang epeckto ng

cyberbullying sa pagaaral ng mga estudyante ng senior high school”, hinihiling po

na kanilang masagutan ang ano mang tanong na nakatala. Ang sagut na aming

makakalap ay lubos na kapaki-pakinabang sa aming pagaaral. Hinihingi naming

ang iyong permiso sa aming pagsasagawa ng pananaliksik. Maraming salamat pos

a iyong kooperasyon.

Lubos na gumagalang,

Mga mananaliksik

Manuela M. Ecleo
Punong Guro II
1) Ano ang dahilan kung bakit may mga taong nag mamaton Bilang ng Bahagdan
gamit ang teknolohiya? mag-aaral
 Broken family 1 5%
 Kawalan ng atensyon 16 80%
 Wala 3 15%
Kabuuan 20 100%
Talahanayan 1

Sa 20 na respondante o 80% porsiyento ang pinakamalaki na nagsasabing

kawalan sila ng atensyon, 15% porsyento naman nag sasabing walang dahilan kung bakit

sila nagmamaton at 5% porsiyento ang pinakamababa na nagsabi ng dahil sa broken

family.

Talahanayan 2

2) Sino-sino ang mga nabiktima ng cyberbullying? Bilang ng Bahagdan


mag-aaral
 Artista 2 10%
 OFW 0 0%
 Magsasaka 0 0%
 Estudyante 18 90
Kabuuan 20 100%

Ipinapakita ng talahanayan 2 ang pinakamalaki na respondante ay nasa 18%

porsyento ang nag sasabing estudyante ang pinaka na biktima ng cyberbullying at ang

0%/0% porsyento ay ang OFW at magsasaka hindi nakakaranas ng cyberbullying.


Talahanayan 3

3) Nakakaapekto ba ito sa iyong mga grado sa paaralan? Bilang ng Bahagdan


Bakit? mag-aaral
 Oo 7 35%
 Hindi 7 35%
 Minsan 6 30%
Kabuuan 20 100%

Ang lumabas sa aming surbey kung paano nakakaapekto sa grado ng respondante

may dalawang respondante 7/7 na nag sasabing oo/hindi at ang 6 respondante ang

nagsasabing minsan lang nakakaapekto ito sa kanilang grado.

Talahanayan 4

4) Saan mo naranasan ang cyberbullying? Bilang ng Bahagdan


mag-aaral
 Text 6 30%
 Elektronikong mensahe o e-mail 3 15%
 Social networking sites 11 55%
Kabuuan 20 100%

Sa talahanayan 11 respondante ang pinakamadalas na kung saan sila

nakakaranas ng cyberbullying ay sa social networking sites, sa 6 na respondante

ang bihira nakakaranas ng cyberbullying sa text at sa 3 respondante na

nagsasabing sa elektronikong mensahe o e-mail sila nakakaranas ng

cyberbullying.

Talahanayan 5

5) Ano ang emosyon na iyong naramdaman? Bilang ng Bahagdan


mag-aaral
 Nalulukot 4 20%
 Nasasaktan 15 75%
 Walang paki alam 1 5%
Kabuuan 20 100%
Ang emosyon na karamihan na nararamdaman ng mga 15 respondante tuwing

silay na mamaton ay nasasaktan, ang iba naman 4 na respondante ay nalulungkot at ang

pinakamababa na emosyon ay 1 respondante ang nagsasabing walang pakialam.

Talahanayan 6

6) Kanino ka nang hihingi ng tulong kapag naramdaman mo Bilang ng Bahagdan


ito? mag-aaral
 Magulang 10 50%
 Kaibigan 9 45%
 Wala 1 5%
Kabuuan 20 100%

Sa talahanayan 6 ang karamihan nilang nilalapitan ng 10 respondante para

humingi ng tulong ay ang magulang, ang 9 na respondante na 45% porsiyento na

karamihan nilang hinihingian ng tulong ay ang kaibigan at ang 1 respondante ay wala

syang hinihingian ng tulong

Talahanayan 7

7) Tungkol saan ang kanilang binabatikos? Bilang ng Bahagdan


mag-aaral
 pisikal na anyo 3 15%
 ugali at kawalan ng abilidad 9 45%
 personal na buhay 8 40%
Kabuuan 20 100%

Ang pinakamataas na lumabas sa aming surbey 9 respondante o 45% porsiyento

ang ugali at kawalan ng abilidad ang binabatikos sa kanila, ang susunod naman ay 8

respondante o 40% ang personal na buhay naman ang binabatikos nila at ang
pinakamababa sa aking surbey 3 respondante 0 15% porsiyento ang pisikal na anyo ang

binabatikos sa kanila.

Talahanayan 8

8) Edad ng mga kadalasang na bibiktima ng cyberbullying? Bilang ng bahagdan


mag-aaral
 15-16 15 75%
 17-18 5 25%
 19-20 0 0%
 21-22 0 0%
Kabuuan 20 100%

Ipinapakita sa talahanayan 15 respondante ang nag sasabi 15-16 ang edad ng

bihira nabibiktima ng cyber bullying, 25% porsyento naman ang edad ang nabibiktima ng

cyberbullying at l7-18 ang hindi nabibiktima ng cyberbullying.

Talahanayan 9

9) Ano ang mga ginamit sa cyberbullying? Bilang ng bahagdan


mag-aaral
 Laptop 0 0%
 Cellphone 20 100%
 Typewriter 0 0%
Kabuuan 20 100%

Sa talahayanan 9 ang ginagamit sa cyber bullying 20 respondante o 20%

porsyento na nagsasabing cellphone ang pinakamadalas na ginagamit, at 0/0 respondante

ang laptop/typewriter.
Talahanayan 10

10) Tuwing kailan nila ito ginagawa sayo? Bilang ng Bahagdan


mag-aaral
 Madalas 3 15%
 Minsan 6 30%
 Bihira 11 55%
Kabuuan 20 100%

Ipinapakita sa talahayanan 10 kong kailan nila ito ginagawa sa mga respondante

55% porsyento ang bihira nila ito ginagawa sa mga respondante, ang 6 respondante o

30% porsyento ang minsan nila nararanasan ang cyber bullying, at ang pinaka mababa

3% porsyento ang madalas na nakakaranas ng cyber bullying.


KABANATA V

Lagom

Ang pananaliksik na ito ay isinagawa sa pagtatangkang mabatid ang mga

kaalaman ng mga senior high school hingil sa nakikitang epekto ng cyberbullying. Ang

descriptive surbey research design na metodolohiya ay isinagawa ng mananaliksik sa

pamamagilan ng pagpapasagot sa kwestyoneyr. Ang kwestyoneyr ay ginagamitan bilang

pangunahing instrument sa pangangalap ng datos. Ito ay ipinamahagi sa dalawampung

(20) magaaral sa Guisguis National High School, Senior High School. Ang ginamit na

pormula para makuha ang porsiyento o bahagdan sa tritment ng datos ay ginamit ng

mananalik at inilagay sa resulta.

Konklusyon

Para sa aking paksa na may titulong mga nakikitang epekto ng cyberbullying sa

mag-aaral ng Senior High School sa Guis guis National High School nais kung pag-

aralan, palawakin at unawain ang aking naging paksa. dahil kaunti lamang ang

nakakaalam kung anu ang mga epekto at anung solusyon dito,ang aking papel

pananaliksik ay magbibigay ng kaalaman sa mga katanungan ng mga estudyante.ang

cyberbullying ay bahagi din ng maton ngunit ito ay ginagamitan ng teknolohiya.

Ang naging konklusyon ko sa mga sagot ng respodente sa ibinigay na survey

questionnaire ay maganda dahil halos kaunti lamang ang mga namamaton gamit ang

teknolohiya at alam nila kung sino ang unang lalapitan nila kapag nakaranas sila ng

ganito.
Pananaliksik, naiintindihan ko na ang kahulugan ng cyberbullying at nalaman ko

na din ang mga batas dito kaya alam ko kung sino ang mga namamaton gamit ang

teknolohiya sa mga social media. Maganda ang naging kabuuan ng aking papel-

pananaliksik dahil madaming tao ang magkakaroon ng kaalaman pag ito ay kanilang

binasa.

Rekomendasyon

Para sa mga magulang, dapat nilang malaman ang mga epekto at solusyon ng

cyberbullying dahil pwede mabiktima ang kanilang anak. Sila dapat ang gagabay sa

kanilang anak at pagturo ng tamang paggamit ng teknolohiya.

Para sa mga mag-aaral o mga kabataan, alam na natin ang tama at mali kaya wag

na taong magmamaton gamit ang teknolohiya dahil masama ang maidudulot nito sa mga

nabibiktima. Pag kayo ay namamaton gamit ang teknolohiya o kaya namaton, wag silang

pansinin, wag magpadala sa mga pinagsasabi nila. Humingi nalang ng mga payo sa mga

magulang.

Lahat tayo ay pwede maging biktima ng cyberbullying. Umiwas nalang tayo at

tulungan natin ang mga nabibiktima. Tumulong tayo sa mga kampanya o pang-

edukasyon kaganapan.

Listahan ng mga sanggunians

Internet

http://en.wikipedia.org/wiki/epektongcyberbullyingsamag-aaralngseniorhighschool

You might also like