You are on page 1of 1

Abstrak:

Iginugol ang pag-aaral na ito upang mahasa at maging handa ang intelektwalidad
ng bawat estudyante tungo sa isang maayos na edukasyon mula sa kanilang tatahaking
propesyon. Sa pagkamit nito, kinakailangang mailahad ang suliranin na makakaapekto sa
pagpapatupad ng programang K-12 magmula sa pinansiyal hanggang sa kapasidad ng mga
paaralan na kinakailangan ng bawat mag-aaral. Ang sistematikong pananaliksik ay ginamit sa
pagkuha ng mga datos na maaaring ibatay sa pagpapalawak ng kanilang kaalaman. Sa
implementasyon ng kurikulum na ito ay magiging solusyon sa problema ng ating bansa ngunit
kinakailangan din ito ng suporta ng gobyerno at ang Kagawaran ng Edukasyon (DepEd) upang
matugon ang pangangailangan at isyung ikinakaharap nito, dagdag pa rito ang kredibilidad at
istratehiya ng mga guro na makapagbigay ng kalidad na edukasyon para sa mga estudyante
upang maisakatuparan ang kakayahan sa pagresolba ng mga problema sa iba’t ibang uri ng
sitwasyon. Sa pagpapalawig ng K-12, isiniwalat din ang maaaring maging aksyon na magbibigay
tagumpay sa pang kabuoang sistema ng edukasyon. Ang K-12 program din ay nagbukas ng
oportunidad para sa mga mag-aaral upang maging mapagkumpitensya sa kanilang sariling
napiling larangan ng pagdadalubhasa na nagtataglay ng mga kinakailangang kasanayan at
kakayahan. Dapat magkaroon ng pakikipag-ugnayan at pakikilahok ang mga guro sa iba’t ibang
pagsasanay at seminar upang matiyak na mayroon silang mga katangian at kakayahan para
makitungo sa mga mag-aaral na naging bahagi ng bagong kurikulum na ito, nararapat ding
ayusin o pahusayin ang mga pasilidad ng paaralan at kagamitang panturo upang matiyak na ang
kalidad ng bagong kurikulum ay suportado sa mga mag-aaral na maaaring ika engganyo ng mga
estudyante sa pakikipagkompetensya sa iba’t ibang aspeto ng larangan sa paaralan.

You might also like