You are on page 1of 24

6

Edukasyon sa Pagpapakatao
Unang Markahan – Modyul 4:
Wastong Impormasyon Sagot sa
Pagbuo ng Solusyon
Edukasyon sa Pagpapakatao – Ikaanim na Baitang
Alternative Delivery Mode
Unang Markahan – Modyul 4: Wastong Impormasyon Sagot sa Pagbuo ng Solusyon
Unang Edisyon, 2020

Isinasaad sa Batas Republika 8293, Seksiyon 176 na: Hindi maaaring magkaroon
ng karapatang-sipi sa anoman akda ang Pamahalaan ng Pilipinas. Gayonpaman, kailangan
muna ang pahintulot ng ahensiya o tanggapan ng pamahalaan na naghanda ng akda kung ito
ay pagkakakitaan. Kabilang sa mga maaaring gawin ng nasabing ahensiya o tanggapan ay
ang pagtakda ng kaukulang bayad.

Ang mga akda (kuwento, seleksiyon, tula, awit, larawan, ngalan ng produkto o brand
name, tatak o trademark, palabas sa telebisiyon, pelikula, atbp.) na ginamit sa modyul na ito
ay nagtataglay ng karapatang-ari ng mga iyon. Pinagsumikapang matunton ang mga ito upang
makuha ang pahintulot sa paggamit ng materyales. Hindi inaangkin ng mga tagapaglathala at
mga may-akda ang karapatang-aring iyon. Ang anomang gamit maliban sa modyul na ito ay
kinakailangan ng pahintulot mula sa mga orihinal na may-akda ng mga ito.

Walang anomang parte ng materyales na ito ang maaaring kopyahin o ilimbag sa


anomang paraan nang walang pahintulot sa Kagawaran.

Inilathala ng Kagawaran ng Edukasyon


Kalihim: Leonor Magtolis Briones
Pangalawang Kalihim: Diosdado M. San Antonio

Bumuo sa Pagsusulat ng Modyul

Manunulat: Beverly D. Tongol


Editor: Jocelyn C. Pasag, EdD
Tagasuri: Cris V. Regala
Tagaguhit: Frederic M. Martal
Tagalapat: Beverly D. Tongol
Cover Design: Marlon Q. Diego

Mga Tagapamahala:
Schools Division Superintendent : Romeo M. Alip, PhD, CESO V
OIC-Asst. Schools Division Superintendent: William Roderick R. Fallorin
Chief Education Supervisor, CID : Milagros M. Peñaflor, PhD
Education Program Supervisor, LRMDS : Edgar E. Garcia, MITE
Education Program Supervisor, AP/ADM : Romeo M. Layug
Education Program Supervisor, EsP : Jacquelyn C. Tuazon
District Supervisor, Dinalupihan : Rodger R. De Padua, EdD
Division Lead Book Designer : Essel E. Reyes
District LRMDS Coordinator, Dinalupihan : Miralou T. Garcia, EdD
School Principal : Alma Q. Flores
District Lead Layout Artist, EsP : Jennifer G. Cruz
District Lead Illustrator, EsP : Mariel C. Almes
District Lead Evaluator, EsP : Cris V. Regala

Inilimbag sa Pilipinas ng Department of Education – Schools Division of Bataan


Office Address: Provincial Capitol Compound, Balanga City, Bataan
Telefax: (047) 237-2102
E-mail Address: bataan@deped.gov.ph
6

Edukasyon sa
Pagpapakatao
Unang Markahan – Modyul 4:
Wastong Impormasyon Sagot sa
Pagbuo ng Solusyon
Paunang Salita
Para sa tagapagdaloy:

Malugod na pagtanggap sa asignaturang Edukasyon sa Pagpapakatao at


Ikaanim na Baitang ng Alternative Delivery Mode (ADM) Modyul para sa araling
Wastong Impormasyon Sagot sa Pagbuo ng Solusyon!

Ang modyul na ito ay pinagtulungang dinisenyo, nilinang at sinuri ng mga


edukador mula sa pampubliko at pampribadong institusyon upang gabayan ka, ang
gurong tagapagdaloy upang matulungang makamit ng mag-aaral ang pamantayang
itinakda ng Kurikulum ng K to12 habang kanilang pinanagumpayan ang pansarili,
panlipunan at pang-ekonomikong hamon sa pag-aaral.

Ang tulong-aral na ito ay umaasang makauugnay ang mag-aaral sa


mapatnubay at malayang pagkatuto na mga gawain ayon sa kanilang kakayahan,
bilis at oras. Naglalayon din itong matulungan ang mag-aaral upang makamit ang
mga kasanayang pan-21 siglo habang isinasaalang-alang ang kanilang mga
pangangailangan at kalagayan.

Bilang karagdagan sa materyal ng pangunahing teksto, makikita ninyo ang


kahong ito sa pinakakatawan ng modyul:

Mga Tala para sa Guro


Ito'y naglalaman ng mga paalala, panulong
o estratehiyang magagamit sa paggabay sa
mag-aaral.

Bilang tagapagdaloy, inaasahang bibigyan mo ng paunang kaalaman ang


mag-aaral kung paano gamitin ang modyul na ito. Kinakailangan ding subaybayan
at itala ang pag-unlad nila habang hinahayaan silang pamahalaan ang kanilang
sariling pagkatuto. Bukod dito, inaasahan mula sa iyo na higit pang hikayatin at
gabayan ang mag-aaral habang isinasagawa ang mga gawaing nakapaloob sa
modyul.

ii
Para sa mag-aaral:

Malugod na pagtanggap sa Edukasyon sa Pagpapakatao at Ikaanim na


Baitang ng Alternative Delivery Mode (ADM) Modyul ukol sa Wastong Impormasyon
sa Pagbuo ng Solusyon!

Ang modyul na ito ay ginawa bilang tugon sa iyong pangangailangan. Layunin


nitong matulungan ka sa iyong pag-aaral habang wala ka sa loob ng silid-aralan.
Hangad din nitong madulutan ka ng mga makabuluhang oportunidad sa pagkatuto.

Ang modyul na ito ay may mga bahagi at icon na dapat mong maunawaan.

Sa bahaging ito, malalaman mo ang mga


Alamin dapat mong matutuhan sa modyul.

Sa pagsusulit na ito, makikita natin kung


Subukin ano na ang kaalaman mo sa aralin ng
modyul. Kung nakuha mo ang lahat ng
tamang sagot (100%), maaari mong laktawan
ang bahaging ito ng modyul.

Ito ay maikling pagsasanay o balik-aral


Balikan upang matulungan kang maiugnay ang
kasalukuyang aralin sa naunang leksyon.

Sa bahaging ito, ang bagong aralin ay


Tuklasin ipakikilala sa iyo sa maraming paraan tulad
ng isang kuwento, awitin, tula, pambukas na
suliranin, gawain o isang sitwasyon.
Sa seksyong ito, bibigyan ka ng maikling
Suriin pagtalakay sa aralin. Layunin nitong
matulungan kang maunawaan ang bagong
konsepto at mga kasanayan.
Binubuo ito ng mga gawaing para sa
Pagyamanin malayang pagsasanay upang mapagtibay ang
iyong pang-unawa at mga kasanayan sa
paksa. Maaari mong iwasto ang mga sagot
mo sa pagsasanay gamit ang susi sa
pagwawasto sa huling bahagi ng modyul.
Naglalaman ito ng mga katanungan o
Isaisip pupunan ang patlang ng pangungusap o
talata upang maproseso kung anong
natutuhan mo mula sa aralin.
Ito ay naglalaman ng gawaing makatutulong
Isagawa sa iyo upang maisalin ang bagong kaalaman

iii
o kasanayan sa tunay na sitwasyon o
realidad ng buhay.
Ito ay gawain na naglalayong matasa o
Tayahin masukat ang antas ng pagkatuto sa
pagkamit ng natutuhang kompetensi.

Karagdagang Sa bahaging ito, may ibibigay sa iyong


Gawain panibagong gawain upang pagyamanin ang
iyong kaalaman o kasanayan sa natutuhang
aralin.
Naglalaman ito ng mga tamang sagot sa lahat
Susi sa Pagwawasto ng mga gawain sa modyul.

Sa katapusan ng modyul na ito, makikita mo rin ang:

Ito ang talaan ng lahat ng pinagkuhanan sa


Sanggunian
paglikha o paglinang ng modyul na ito.

Ang sumusunod ay mahahalagang paalala sa paggamit ng modyul na ito:

1. Gamitin ang modyul nang may pag-iingat. Huwag lalagyan ng anumang


marka o sulat ang anumang bahagi ng modyul. Gumamit ng hiwalay na papel
sa pagsagot sa mga pagsasanay.
2. Huwag kalimutang sagutin ang Subukin bago lumipat sa iba pang gawaing
napapaloob sa modyul.
3. Basahing mabuti ang mga panuto bago gawin ang bawat pagsasanay.
4. Obserbahan ang katapatan at integridad sa pagsasagawa ng mga gawain at
sa pagwawasto ng mga kasagutan.
5. Tapusin ang kasalukuyang gawain bago pumunta sa iba pang pagsasanay.
6. Pakibalik ang modyul na ito sa iyong guro o tagapagdaloy kung tapos nang
sagutin lahat ng pagsasanay.
Kung sakaling ikaw ay mahirapang sagutin ang mga gawain sa modyul na ito,
huwag mag-aalinlangang konsultahin ang inyong guro o tagapagdaloy. Maaari ka
rin humingi ng tulong kay nanay o tatay, o sa nakatatanda mong kapatid o sino man
sa iyong mga kasama sa bahay na mas nakatatanda sa iyo. Laging itanim sa iyong
isipang hindi ka nag-iisa.

Umaasa kami, sa pamamagitan ng modyul na ito, makararanas ka ng


makahulugang pagkatuto at makakakuha ka ng malalim na pang-unawa sa
kaugnay na mga kompetensi. Kaya mo ito!

iv
Alamin

Ang modyul na ito ay idinisenyo at isinulat upang tulungan kang maunawaan na


ang pagpasya ay bahagi na ng ating buhay na kailangan nating pagtuunan ng pansin
sa pamamagitan ng wastong impormasyon upang masolusyunan ang isang
sitwasyon. Ito ay nangangailangan ng katapatan o pagmamahal sa katotohan.

Matapos ang modyul na ito, inaasahang matutuhan mo ang:

* Nakagagamit ng impormasyon (wasto/tamang impormasyon)


(EsP6PKP-Ia-i-37)

- Nakagagawa ng solusyon batay sa wastong impormasyon

1
Subukin

Sagutin ang crossword puzzle tungkol sa mga pinagkukunan ng mga


impormasyon.

Pababa

1. Isang makina o electronic device na nakatutulong upang mapabilis ang mga


gawain na maaaring iprograma.

2. Tinatawag din na peryodiko o pahayagan na nagbibigay impormasyon o balita


upang tayo ay magkaroon ng kamalayan sa nangyayari sa ating paligid.

3. Ito ay naimbentong teknolohiya na nakatutulong upang mapabilis ang


pagsasaliksik sa maraming bagay.

4. Naglalaman ng maraming artikulo, kuwento, larawan, anunsiyo at iba pa.

5. Ito ay isang uri ng komunikasyon o pagpapadala ng impormasyon o mensahe na


nasa malalayong lugar.

Pahalang

6. Ito ay isang bagay na naililimbag na nagpapatalas ng ating isipan sapagkat nag-


uumapaw na kaalaman ang ating makukuha.

7. Ito ay tagahatid ng impormasyon at komunikasyon sa pamamagitan ng


paggalaw ng mga larawan at tunog sa kalayuan.

8. Isang teknolohiya na nagbibigay impormasyon sa atin sa pamamagitan ng


modulasyon ng electromagnetic waves.

9. Uri ng gadget na gumagamit ng mga cell site para sa pakikipagkomunikasyon,


pagbibigay mensahe o impormasyon na gusto natin paratingin.

10. Ito ay isang uri ng komunikasyon na nakapagbibigay impormasyon sa


pamamagitan ng kuru-kuro o opinyon hinggil sa isang paksa.

2
2

3 8 D

A 1 K

7 E

6 K

9 L N

10 A L

3
Aralin
Paggamit ng Wastong
1 Impormasyon

Sa araling ito, iyong matutukoy na ang bawat suliranin ay may solusyon. Malalaman
mo rin na may mga sanggunian na puwede nating pagkuhanan ng mga
impormasyon. Ngunit dapat malaman din natin na ang bawat impormasyon na
makukuha natin ay dapat may katotohan upang makabuo tayo ng wastong
solusyon.

Balikan

Pagtimbang-timbangin ang mga sumusunod na sitwasyon. Isulat ang salitang


TUMPAK kung ito ay tama at LIGWAK kung mali. Gawin ito sa isang malinis na
papel.

________1. Pinag-aralan nang mabuti ni Elsa ang sitwasyon bago nagbigay ng


pasya.

________2. Binoto ng ama mo ang tiyuhin mo bilang kapitan kahit hindi ito
karapat-dapat.

_______ 3. Nagkaroon ng pagsusulit ang mga mag-aaral upang makita ng guro


kung sino ang kaniyang ilalaban sa paligsahan sa Araling Panlipunan.

________4. Nakita mong may hinahanap ang nanay mo, hindi mo pinansin
sapagkat may ginagawa ka.

________5. Gabi na at hindi pa rin tapos ang iyong nakababatang kapatid sa


kaniyang proyekto, tinulungan mo ito kahit hindi ka pa tapos sa iyong
ginagawa.

________6. Nagpasya ka na tulungan ang mga kapatid sa gawaing bahay upang


mapabilis ito.

4
________7. Nahihirapan ang ate mo sa pinapagawa ng nanay mo, bilang
nakatatanda nagboluntaryo ka na ikaw na lang ang gagawa.

________8. May karamdaman ang iyong kapitbahay, nakita mong walang pagkain
ang mga anak nito kaya nagbahagi ka ng makakain nila.

________9. Iwas COVID kaya sumusunod ka sa pinag-uutos ng pamahalaan para


sa ikaliligtas ng lahat.

_______10. Hindi pa gaanong marunong magbasa ang iyong kaklase, tinulungan


mo ang guro mo para mas mapabasa siya ng mabilis.

Mga Tala para sa Guro


Ang modyul na ito ay naghahanda sa mga mag-aaral upang
malaman na ang paggamit ng wastong impormasyon na
makatutulong sa pagbuo ng solusyon.

Tuklasin

Pag-aralan nang mabuti ang larawan sa ibaba. Ano ang naobserbahan mo rito?

5
Suriin

Basahin at unawain mo nang mabuti ang kuwento.

Wastong Impormasyon, Dapat Alamin

Araw ng Lunes, handa ng ipasa ng mga mag-aaral ang sulat pahintulot na


nagmula sa kani-kanilang mga magulang.

Napansin ng guro at mga kamag-aral na malungkot si Melvin. Inabot nito


ang sulat at napag-alaman ng guro na hindi siya pinayagang sumama sa nalalapit
na lakbay-aral sa Manila Zoo ng paaralan.

Kinausap siya ng kaniyang guro tungkol dito. Nabanggit ni Melvin na


natatakot ang kaniyang mga magulang baka mapahamak siya sa mga mababangis
na hayop.

Nagsalita sa harapan ang guro at nagtanong, “Sa tingin ninyo ba ang mga
hayop sa zoo ay nakakawala at malayang naglalakad upang makakagat ng mga
batang tulad ninyo?” “Hindi po”, sabi ng mga bata. Kung gayon nais kong malaman
ni Melvin na ligtas ang mga taong pumupunta sa zoo. Lahat ng mga klase ng hayop
ay nakakulong at may kandado upang masiguro na ligtas ang lahat. Mayroon din
tayong alituntunin na susundin upang walang mapahamak. Ang nais ko lang Melvin
ay makasama ka, sapagkat marami kayong matutunan sa ating gagawing lakbay-
aral.”

Umuwi si Melvin na dala ang impormasyon na ibabahagi niya sa kaniyang


mga magulang. Nagsaliksik siya gamit ang kanilang kompyuter at internet upang
lalong maunawaan at makita kung may siguridad ba sa loob ng zoo. Doon niya
napag-alaman na talagang ligtas ang lahat ng pumupunta roon.

Kinabukasan, baon ni Melvin ang ngiti sa kaniyang mga labi. Tinanong siya
ni Tantan. “Bakit ang saya mo ngayon, ano ang sikreto mo”?, nagtatakang tanong
ng kamag-aral pati na rin ng kaniyang guro.

“Pumayag na po ang aking mga magulang na sumama ako sa ating lakbay-


aral. Sa tulong ng kompyuter at internet nalaman ng aking mga magulang na talaga
naman na may siguridad sa loob ng Manila Zoo. Binanggit ko din po na may
alituntunin na susundin upang maging ligtas po ang lahat”, masiglang balita ni
Melvin.

6
Inabot ni Melvin ang sulat pahintulot at lahat ay nagpalakpakan.

Sagutin ang mga tanong:

1. Sino-sino ang mga tauhan sa kuwento?

2. Ano ang suliranin sa nabasa mong kuwento?

3. Bakit hindi pinayagan si Melvin ng kaniyang mga magulang sa


paglalakbay?

4. Ano ang ginawa ng guro upang makakuha ng wastong impormasyon si


Melvin?

5. Anong paraan pa ang ginawa ni Melvin upang mas maintindihan at maunawaan


ng kaniyang mga magulang ang pagpunta sa zoo?

6. Tama ba na naghanap ng impormasyon si Melvin at ibinahagi ito sa kaniyang


mga magulang? Bakit?

7. Ano ang kahalagahan ng wastong impormasyon sa pagbuo ng solusyon?

8. Ano ang dapat tandaan sa pagkuha ng mga impormasyon?

9. Kung ikaw si Melvin, gagawin mo rin ba ang ginawa niyang pagsasaliksik?

10. Kung may suliranin ano ang dapat mong gawin?

Ang suliranin ay dapat harapin at tanggapin ng bawat isa sa atin. Nangangailangan


ito ng wastong solusyon. Sa pamamagitan ng wastong impormasyon na may
katotohanan ito ay makakayanan natin. Sapagkat ito ang magiging tugon sa pagbuo
ng solusyon.

Pagyamanin

A. Isulat sa patlang ang S kung sumasang-ayon sa isinasaad ng pangungusap at


HS kung hindi sumasang-ayon. Gamitin ang iyong papel sa pagsagot.

_______1. Gumamit siya ng iba’t ibang sanggunian upang masagutan ang kanilang
takdang aralin.

_______2. Sa pangangalap ng wastong impormasyon kailangan tiyakin ang


katotohanan.

7
_______3. Inalam niya kung paano ba makatitipid ng koryente upang makatulong
sa mga magulang.

_______4. Pinag-aralan niya nang mabuti ang suliranin na ibinahagi sa kaniya ng


kamag-aral niya.

_______5. Hindi dapat seryosohin ang mga suliranin dahil lilipas din ang mga ito.

_______6. Matutong tanggapin ang kahirapan ng buhay ngunit dapat alamin kung
paano ka magiging matagumpay sa hinaharap.

_______7. Ang paggamit ng wastong impormasyon ay nakatatagal sa paglutas ng


suliranin.

_______8. Nanonood siya ng balita sa telebisyon araw-araw upang malaman ang


mga pangyayari sa ating bansa.

_______9. Huwag pansinin ang suliranin sapagkat may mga tao naman na
tutulong sa iyo.

_______10. Ang wastong impormasyon ang susi upang makamit ang sagot sa
solusyon.

B. Piliin ang mga sangguniang palaging ginagamit upang makakuha ng


impormasyon. Paano nakatutulong ang mga napili sa pagkuha ng mga
impormasyon? Isulat ito sa isang papel.

8
C. Ipakita at pag-usapan

Napansin mo na ang daming nagkaka-Dengue sa inyong lugar. Kulang sa


kaalaman dito kaya magsaliksik ka gamit ang internet o anumang sanggunian na
meron sa inyong tahanan o mapagtatanungan na may kaalaman upang malaman
kung ano ang pinagmulan at kung paano ito pupuksain. Isulat sa isang malinis na
papel ang nakalap na impormasyon at Ibahagi ang mga ito sa iba upang magkaroon
din sila ng kaalaman at maiwasan ang sakit na Dengue.

9
Isaisip

Paano nga ba mabibigyan ng solusyon ang suliranin? Basahin ang tula upang
maunawaan o maintindihan ang aralin.

“Wastong Impormasyon sa Pagbuo ng Solusyon”

Suliranin ay tunay na hindi maitatanggi

Hindi hadlang upang buhay ay iwaksi

Pagbuo ng solusyon paano nga ba?

Ito’y katanungan na sadyang mahalaga

Wastong impormasyon ito ang basehan

Sa pagbuo ng solusyon ito ang kasagutan

Katotohanan dapat ding maging gabay

Sa pagkuha ng impormasyon upang hindi maging sablay.

10
Isagawa

A. Mag-isip ng isang suliranin na nasolusyunan sa pamamagitan ng wastong


impormasyong nakalap. Ipakita ito gamit ang maikling komik strip. Gawin gabay
ang mga kuwadro (frame) na nasa ibaba. Gumamit ng papel para rito.

11
B. Gumawa ng isang tula na may tugmaan, may 2 saknong at 4 na taludtud
tungkol sa kahalagahan ng wastong impormasyon sa paggawa ng solusyon. Isulat
sa isang malinis na papel.

Tayahin

Isulat ang salitang WOW kung wasto ang pahayag at OOPS kung hindi wasto ang
solusyon batay sa impormasyon. Isulat ang iyong kasagutan sa malinis na papel.

____________1. Sa paghahanap ng katotohanan, kinakailangan ang mga

impormasyon sa tunay na pangyayari.

____________2. Maaaring paminsan-minsan ay huwag magbigay ng tamang


impormasyon.

____________3. Ginamit ang insecticide kahit hindi pa binabasa ang impormasyon


ukol dito.

____________4. Umiiyak ang kapatid niyang umuwi ng bahay, sinugod niya agad ang
kaklase nito.

____________5. Tinabi sa isang lalagyan ang mga kemikal na binili upang


maging ligtas ang lahat.

12
____________6. Sinabi ng kaklase na walang pasok kaya hindi ka pumasok sa
paaralan, araw pa naman ng pagsusulit.

____________7. May nagtext sa iyo na hindi mo kakilala na ang nanay mo ay nasa


hospital kaya agad-agad kang pumunta roon.

____________8. Upang malaman kung paano makakaiwas sa COVID-19, nagsagawa


ka ng pagsasaliksik upang madagdagan ang iyong kaalaman.

____________9. Napadali ang paggawa ng kaniyang proyekto sa pagsunod sa mga


panuto nito.

____________10. Lagi siya nanonood ng telebisyon at nakikinig ng radyo upang


malaman ang nangyayari sa ating bansa.

Karagdagang Gawain

A. Ibigay ang iyong tapat na kasagutan kung gaano mo kadalas ginagawa ang bawat
pahayag. Lagyan ng tsek (/) sa hanay na katapat ng bawat aytem. Gawin ito sa
iyong kuwaderno.

Palagi Paminsan- Hindi


Ginagawa ko ba ito?
minsan
1. Pinapanatili kong malinis ang loob at
labas ng aming tahanan upang hindi
pagbahayan ng anumang insekto.

2. Pagsulat ng mga tanda o etiketa sa


bawat bote o kahon na maaaring
makadisgrasya sa kapamilya.

3. Inihiwalay ang mga nabubulok at di-


nabubulok upang makatulong sa
pagdami ng basura.

4. Sinasama ang mga kemikal na bagay


sa mga gamit sa kusina.

5. Nagbibigay ng tamang impormasyon


sa paggamit ng lason sa mga
kasambahay.

13
B. Sumulat sa loob ng parihaba ng limang katangian ng isang tao na nakabubuo
ng wastong solusyon. Sipiin ito sa iyong kuwaderno.

1.

2.

3.

4.

5.

14
C. Sumulat ng isang talata na may 10 pangungusap na nagpapakita na naging gabay
mo ang wastong impormasyon upang makabuo ka ng wastong solusyon. Gawin ito
sa iyong kuwaderno.

15
16
Karagdagang
Gawain:
- depende sa sagot
ng bata
Pagyamanin:
A.
Tayahin: 1. S 6. S
Isagawa:
1. WOW 2. S 7. HS
A at B-
2. OOPS 3. S 8. S
3. OOPS depende sa
4. OOPS 4. S 9. HS
5. WOW sagot ng bata
6. OOPS 5. HS 10. S
7. OOPS
B at C- Depende sa sagot
8. WOW
ng bata
9. WOW
10. WOW
1. S
Suriin:
1. Melvin, Tantan, mga mga-aaral at
guro
Subukin:
2. Hindi pagpayag kay Melvin na
Balikan:
sumasa sa Paaralang Paglalakbay 1. kompyuter
3. Natatakot ang kanyang magulang 1. TUMPAK 2. diyaryo
na mapahamak siya. 2. LIGWAK 3. internet
4. Pinaliwanag niya na ligtas 3. TUMPAK 4. magasin
pumunta sa Zoo. 4. LIGWAK 5. telegrama
5. Nagsaliksik sa pamamagitan ng 5. TUMPAK 6. aklat
paggamit ng kompyuter at internet. 6. TUMPAK 7. telebisyon
6.-10 Depende sa sagot ng bata 7. TUMPAK
8. radio
8. TUMPAK
9. cellphone
9. TUMPAK
10. TUMPAK 10. talakayan
Susi sa Pagwawasto
Sanggunian
Ylarde, Zenaida, and Gloria Peralta. 2016. Ugaling Pilipino Sa Makabagong Panahon.
Quezon City: Vibal Group, Inc.

K To 12 Gabay Pangkurikulum Edukasyon Sa Pagpapakatao Baitang 1-10. 2016.


Ebook. https://www.deped.gov.ph/wp-content/uploads/2019/01/ESP-
CG.pdf.

ESP 6 Teacher's Guide. 2017. Ebook. 1st ed. https://drive.google.com/file/d/


16guz__kV4NV-BjsEjBCqDmPBI_lBfBxE/view.

K To 12 Most Essential Learning Competencies With Corresponding CG Codes. 2020.


Ebook.
https://www.facebook.com/groups/LRMDSBataanModuleDevelopers/perm
alink/1449809441876507/

17
Para sa mga katanungan o puna, sumulat o tumawag sa:

Department of Education – Region III,


Schools Division of Bataan - Curriculum Implementation Division
Learning Resources Management and Development Section (LRMDS)

Provincial Capitol Compound, Balanga City, Bataan

Telefax: (047) 237-2102

Email Address: bataan@deped.gov.ph

You might also like