You are on page 1of 3

Name: Date:

Grade and Section: Subject: ESP

Set:

Panuto: Basahin ang sumusunod na sitwasyon. Isulat sa iyong sagutang papel ang S kung sumasang-ayon
ka na tama ang isinasaad ng bawat sitwasyon at DS naman kung hindi. Pagkatapos ay ipaliwanag sa bawat
bilang ang iyong gagawin kung ikaw ang nasa parehong sitwasyon.

1. Mahigpit na ipinagbabawal sa inyong paaralan ang pagdala ng cell phone ngunit isang araw ay dinala mo
ito. Nakita ka ng iyong kamag-aral at isinumbong ka sa iyong guro. Sumasang-ayon ka ba sa ginawa niya?
Ano ang gagawin mo? Magagalit ka ba sa kamag-aral mo?
______________________________________________________________________________________

2. Alam mong may ilang araw nang hindi pumapasok sa paaralan nag nakatatanda mong kapatid. Nais
mong sabihin ito sa inyong mga magulang ngunit tinatakot ka niya. Sasang-ayon ka ba sa kagustuhan niya?
Ano ang gagawin mo?
______________________________________________________________________________________
______________________________________________________________________________________
______________________________________________________________________________________
______________________________________________________________________________________
______________________________________________________________________________________
______________________________________________________________________________________

3. Sumama ang loob ng iyong pinsan sa isa mong kaibigan. Pinipilit ka niyang layuan mo ito bagamat hindi
mo pa alam ang buong pangyayari. Sasangayunan mo ba ang iyong pinsan? Ano ang gagawin mo?
______________________________________________________________________________________
______________________________________________________________________________________
______________________________________________________________________________________
______________________________________________________________________________________
______________________________________________________________________________________
______________________________________________________________________________________

4. Habang naglalakad kayo ng kamag-aral mo sa pasilyo ng inyong paaralan ay may napulot kayong
limang-daang piso. Nais mong ipagbigay-alam ito sa inyong guro ngunit ayaw ng kamag-aral mo at sinabing
paghatian na lamang ninyo ang pera. Sasang-ayunan mo ba siya? Bakit?
______________________________________________________________________________________
______________________________________________________________________________________
______________________________________________________________________________________
______________________________________________________________________________________
______________________________________________________________________________________
______________________________________________________________________________________

5. Isinasama ka nang iyong kaibigan upang manood ng sine ngunit ayaw kang payagan na iyong nanay.
Hinihikayat ka ng kaibigan mo na gumawa ng dahilan upang payagan kang umalis ng bahay. Sasang-
ayunan mo ba ang iyong kaibigan? Ano ang iyong gagawin?
______________________________________________________________________________________
______________________________________________________________________________________
______________________________________________________________________________________
______________________________________________________________________________________
______________________________________________________________________________________
______________________________________________________________________________________

Panuto: Basahin ang mga katanungan sa bawat bilang. Isulat ang titik ng wastong sagot sa iyong sagutang
papel.
_____1. Bakit may pagkakataon na mas nangingibabaw ang mga gawaing taliwas sa katapatan?
A. Ang batas kung minsan ay may kinikilingan.
B. Ang katotohanan kadalasan ay masakit kaya kailangan itago.
C. Mayroong mga taong binabalot ng maling paniniwala ang isipan.
D. Kung minsan kailangan ang pagsisinungaling upang matamo ang kapayapaan.

_____2. Alin ang katangian ng isang taong matapat sa salita?

A. Maaring suhulan ng pera
B. Nagsisinungaling paminsan-minsan.
C. Hindi binabaluktot ang katotohanan.
D. Mahilig magbitaw ng pangakong hindi tinutupad

_____3. Paano mo nailalarawan ang mundong pinaiiral ang katapatan?

A. Magulo at maraming pag-aaway.
B. Lahat ay matiwasay at nagkakaintindihan
C. Maraming tao ang hindi masaya at nagrereklamo
D. May ilang tao na masaya at may iilan na malungkot

_____4. Bakit mahalagang isabuhay ang katapatan sa salita?

A. Ang sagot ay titik C at D.
B. Magdadala tungo sa pag-yaman
C. Upang magustuhan ng nakararami
D. Batayan ito sa maayos na pakikipag-ugnayan

_____5. Ano ang maaari mong gawin upang mapangibabaw sa lahat ng pagkakataon ang katapatan?
A. Panatiling tapat sa sarili lamang
B. Piliin ang mga taong pagkakatiwalaan.
C. Maging tapat sa salita at gawa sa lahat ng pagkakataon.
D. Huwag pansinin ang mga taong mahilig magsinungaling.

_____6. Nag-iisang itinataguyod ni Mang Rogelio ang kaniyang tatlong anak. Maliliit pa lamang ang
kanilang mga anak nang siya ay naging biyudo. Panatag siya dahil alam niyang napalaki niya ang mga ito
nang maayos. Subalit may pagkakataon na nangangamba siya dahil sa mga teenager na sila.Paano
mapatatatag ng pamilya ni Mang Rogelio ang kanilang samahan?
A. Sama-samang pagkain tuwing hapunan at pamamasyal isang beses isang linggo.
B. Pagkukumustahan kapag nagkakasama-sama o gamit ang cellphone / email kung nasa malayong lugar.
C. Pagkakaroon ng mga alituntuning dapat sundin sa tahanan, tulad ng pag-uwi nang maaga.
D. Pagkakaroon ng bukas na komunikasyon at malalim na pag-unawa sa kalagayan ng bawat isa.

_____7. Paano naipakikita ang paggalang sa kapwa?

A. Pakikipag-ugnayan sa mga taong nakakahalubilo.
B. Pagkilala sa mga taong naging bahagi ng buhay
C.Pakikibahagi sa mga gawaing nakasanayan.
D.Pagbibigay ng halaga sa pamamagitan ng paggalang.

_____8. Pumunta kayo sa kaarawan ng isang kaklase kasama ang inyong mga kaibigan. Hindi
nakapagpaalam sa kaniyang mga magulang ang iyong matalik na kaibigan dahil alam niya na hindi naman
siya papayagan. Ngunit dahil napasarap sa pakikipagkuwentuhan, hindi na ninyo namalayan na gumagabi
na pala. Alam mo na pagagalitan siya ng kaniyang mahigpit na ama. Kung kaya kinausap ka niya upang
magsinungaling sa mga ito upang sabihin na ginabi kayo dahil sa paggawa ng proyekto sa inyong bahay.
Ginawa mo ito dahil ayaw mong mapahamak ang iyong kaibigan.

Anong uri ng pagsisinungaling ang ginawa mo?

A. Pagsisinungaling upang pangalagaan o tulungan ang ibang tao (Prosocial Lying).
B. Pagsisinungaling upang isalba ang sarili upang maiwasan na mapahiya, masisi o maparusahan (Self-
enhancement Lying).
C. Pagsisinungaling upang protektahan ang sarili kahit pa makapinsala ng ibang tao (Selfish Lying)
D. Pagsisinungaling upang sadyang makasakit ng kapwa (Antisocial
Lying)
_____9. Alin ang isang moral na tungkulin ng taong gumagawa ng angkop na kilos sa isang mabuting
gawaing tumutugon sa pangangailangan ng kapwa?
A. Karangyaan o yaman sa buhay
B. Karangalan na maibigay ng ibang tao
C. Mataas na posisyon o antas sa trabaho
D. Pagpapamalas ng kabutihan sa iyong kapwa.

_____10. “Ang pakikipagkapwa ay naipapakita sa paggawa ng mabuti sa kapwa”.

Ano ang nais ipahiwatig ng pahayag na ito:
A. Maaring makipagkapwa tao at hindi gumawa ng mabuti sa kapwa
B. Ang paggawa ng mabuti sa kapwa ay isang paraan ng pakikipagkapwa.
C. Ang paggawa ng mabuti sa kapwa at pakikipagkapwa ay magka-ugnay.
D. Walang kaugnayan ang paggawa ng mabuti sa kapwa sa pakikipagkapn

You might also like