You are on page 1of 1

Ang Bibliya na salita ng Diyos ang pinakamainam na aklat sa kasaysayan ng tao dahil naglalaman ito ng

tumpak, wasto, at kapakipakinabang na mga turo. Ngunit may ilang mga ulat dito na maaring pa ring
magtatanong ang ilan may kinalaman sa pagkakasuwato nito.

Kunin nating halimbawa ang sinasabi sa 1 Corinto kabanata 10 talatang 8 na dalawampu’t tatlong
libong mga Israelita ang nabuwal sa isang araw dahil sa pakikiapid, samantalang dalawampu’t apat na libo
naman ang bilang na binabanggit sa Bilang kabanata 25 talatang 9? Buweno may posibleng dahilan kung bakit
magkaiba ang bilang na sinasabi ng dalawang talatang ito. Una ang pinakasimpleng kasagutan ay ang bilang na
nakapaloob sa dalawang talatang ito ay nasa pagitan ng dalawangpu’t tatlong libo at dalawampu’t apat na libo
na siyang pangkaraniwang nagiging basehan kung ang pag uusapan ang ang pagtantya lamang ng humigit
kumulang na bilang na tinutukoy sa dalawang ulat na ito ng bibliya.

Bilang paglilinaw ng higit ay ating suriin ang ulat ni apostol Pablo may kinalaman sa kaniyang babala sa
mga taga Corinto tungkol sa mapakiapid na mga Israelita sa Sitim. Ito ay nakaulat sa 1 Corinto kabanata 10
talatang 8, pakisuyong ating basahin:

“Huwag tayong mamihasa sa seksuwal na imoralidad, gaya ng ilan sa kanila na nagkasala ng


seksuwal na imoralidad, kung kaya dalawampu’t tatlong libo sa kanila ang namatay sa isang araw.”

Diyan na binanggit sa 1 Corinto kabanata 10 talatang 8 na ang bilang ng mga pinuksa na Israelita ng
Sitim dahil sa imoralidad ay dalapu’t tatlong libo.

Ngayon ay atin namang alamin ang ulat ng Bilang kabanata 25 talatang 1-9. Dito ay iniulat na ang
bayang Israel na nakaalay kay Jehova ay ipinasakop nila ang kanilang mainam na kalagayan kapalit ay sumamba
sila sa Baal ng Peor na siyang diyos ng mga babae ng Moab na kanilang kasama na gumawa ng seksuwal na
imoralidad. Kung kaya’t naglagablab ang galit ng Diyos na Jehova at iniutos niya kay Moises na isugo ang mga
hukom na patayin ang lahat ng nagkasalang Israelita at ang “lahat ng pangulo ng bayan”. Sa ulat ng tekstong
ito na ang pagkilos ni Pinehas na patayin ang isang Israelita kasama ng babaing Medianita na kaniyang dinala
sa loob ng kampo ay isang espisipikong ulat sa Bilang kung paano natupad ang utos ni Jehova at natigil ang
salot sa bayan Niya kung kaya sa mga huling talata ng Bilang kabanata 25 talatang 1-9 ay binanggit na ang mga
namatay ay may bilang na dalapu’t apat na libo.

Ngayon, lumilitaw na magkasuwato ang dalawang ulat na ito ng bibliya dahil ang binanggit sa 1 Corinto
kabanata 10 talatang 8 na dalawampu’t tatlong libo na mga namatay na Israelita at kasama nitong mga
mapakiapid ay hindi pa kasama dito ang bilang na isang libong mga ang mga pangulo, o mga tagapag-
pasimuno nito na siya namang binabanggit sa Bilang kabanata 25 talatang 1-9 na ang mga namatay ay may
bilang na dalapu’t apat na libo. Kaya ngayon ay nalaman natin na tumpak muli at masasaligan ang mga ulat na
ito ng Bibliya.

Sa ngayon, iniiwasan din ng mga tunay na Kristiyano ang makagawa ng hindi kaaya-aya sa mata ng
Diyos na Jehova tulad ng imoralidad at huwad na relihiyon at mga popular na tradisyon, kaugalian, at
paniniwala sa mundo na galing sa mga turo ng huwad na relihiyon . Tinuturuan din tayo na maging malinis sa
pag-gawi at kaisipan tulad mga pag-iwas sa masasamang bisyo at mga nakapipinsala sa moral na mga libangan
at mga tinatangkilik. Kung gusto nating maging kaibigan ni Jehova, baka kailangan nating gumawa ng ilang
pagbabago. At dapat natin itong gawin agad. Nangangako si Jehova na tutulungan niya tayo at ito ay nakaulat
sa Isaias kabanata 48 talatang 17. Pakisuyong basahin natin mga kapatid at mga kaibigan. Dito ay binabanggit:

“Ako, si Jehova, ang iyong Diyos, ang nagtuturo sa iyo para makinabang ka, ang pumapatnubay sa iyo
sa daan na dapat mong lakaran.”

Kapag ginagawa natin ang lahat para manatiling malinis at dalisay, makakatiyak tayo na napapapurihan natin
ang Diyos at matatanggap natin ang kaniyang pagsang-ayon na makasama sa kaniyang ipinangakong buhay na
walang hanggan sa paraisong lupa sa hinaharap.

You might also like