You are on page 1of 1

Konteksto ng Awtor

Si Allan Popa ay isang Filipinong makata, ipinanganak at lumaki sa Virac, Catanduanes noong ika-28 ng
Setyembre, 1974. Masasabing may angking talino si Popa dahil siya ay nakapagtapos ng sekondarya sa
Philippine Science High School, Quezon City. Nagawa rin niyang makapasok sa Unibersidad ng Pilipinas
bago tuluyang sundan ang kaniyang hilig—ang pagsulat. Kaya naman mula sa pag-aaral ng Chemical
Engineering ay lumipat ito ng kursong Creative writing in Filipino, nang makapagtapos ay agad itong
kumuha ng Masteral Degree sa De La salle University na ipinagpatuloy naman niya sa ibang bansa. Sa
patuloy na pagsusumikap ay tuluyang nakilala ang iba’t ibang gawa ni Popa, ang pinaka unang koleksyon
ng mga tulang kaniyang ginawa ay ang Hunos: Mga Tula noong 2000 kung saan ito ay pinuri dahil sa
kaniyang mga masalimuot at kaakit-akit na paggamit ng mga salita, talinghaga at metapora. Para naman
sa kaniyang pangalawang koleksyon, Morpo: Mga Pagsasanaysay sa Tula (Morpo: Essayings in Poetry)
noong 2001, pinakikita nito na maaring makagawa ng magandang tula na maipaparating sa mambabasa
ng hindi iniisip ang limitasyon sa lenggwahe at anyo nito.

Karaniwan ring Inilalarawan si Popa bilang isa sa mga makata ng bagong henerasyon kung saan mayroon
itong malawak na konseptong ginagamit para sa kaniyang mga likha. Humuhugot ito sa mga bugtong,
mitolohiya, relihyon, kuwentong bayan, kasaysayan at maski na sa siyensiya at marami pang iba.
Madalas sa kaniyang mga tula ay makikitaan ng malawak na kahulugan kung saan hahayaan nitong ang
mga mambabasa ang gumawa ng sariling interpretasyon. Ang kaniyang mga tula ay nagbibigay ng
bagong anyo at hugis sa kung paano ito nakilala ng mga mambabasa.

You might also like