Reviewer in Ap 9 1ST Grading Topics

You might also like

You are on page 1of 3

1

st
1 Grading TOPICS IN AP 9 (Reviewer)
I. EKONOMIKS SA PANG-ARAW-ARAW NA BUHAY
A. TRADE-OFF  pagpili o pagsasakripisyo ng isang bagay kapalit ng ibang bagay
 pagpapalitan ng mga produkto o serbisyo (barter & swap)
B. OPPORTUNITY COST tumutukoy sa halaga ng bagay o nang best alternative na handang ipagpalit sa
bawat paggawa ng desisyon
C. MARGINAL THINKING sinusuri ng isang indibidwal ang karagdagang halaga, maging ito man ay gastos
o pakinabang na makukuha mula sa gagawing desisyon
D. INCENTIVES salapi na naibibigay sa iyo na tinatawag ding bonus
E. KAHULUGAN NG EKONOMIKS pag-aaral kung papaano tutugunan ang walang katapusang
pangangailangan at kagustuhan ng tao sa kabila ng kakapusan sa pinagkukunang-yaman.
F. APAT NA PANGUNAHING KATANUNGAN SA KAKAPUSAN  Ano ang gagawin?
Paano gagawin? Para kanino? Gaano karami?
G. KAHULUGAN NG KAKAPUSAN  kakulangan
kaakibat na ito ng buhay dahil may limitasyon ang kakayahan ng tao at may limitasyon din ang iba
pang pinagkukunang-yaman tulad ng yamang likas at kapital
H. EFFICIENCY / MAXIMUM POTENTIAL  masinop na pamamaraan ng paggamit sa
limitadong pinagkukunang-yaman
 lubos na paggamit ng isang produkto o serbisyo
I. UNEMPLOYMENT  sitwasyon kung saan ang bahagi ng lakas paggawa ay walang
trabaho ngunit naghahanap ng maaaring maging trabaho.
 kawalan ng trabaho
J. RATIONAL  makatuwirang pag-iisip ; pagrarason
K. RESOURCES  pinagkukunang-yaman
L. MGA HAKBANG SA SIYENTIPIKONG PAMAMARAAN (SCIENTIFIC METHOD)
1. Pagtukoy sa suliranin
2. Pagbibigay hinuha o hypothesis pansamantalang kasagutan o
paliwanag sa natukoy na mga suliranin
3. Pangangalap ng mga impormasyon at data
4. Pagsusuri ng mga impormasyon at data
5. Pagbibigay ng konklusyon at rekomendasyon

II. KAHALAGAHAN NG EKONOMIKS SA PANG-ARAW-ARAW NA BUHAY


A. PAMILYA  pag-unawa sa mga desisyon mula sa mga pamimilian na mayroon ang
pamilyang iyong kinabibilangan.
B. LIPUNAN  maunawaan ang mga napapanahong isyu na may kaugnayan sa mahahalagang usaping
ekonomiko ng bansa tulad ng estado ng ekonomiya ng bansa, mga salik ng pagbagal at
pagbilis ng pag-unlad ng isang bansa, kalakalang panlabas, at iba pa
C. MAG-AARAL  Ang iyong kaalaman ay makatutulong upang makapagbigay ka ng
makatuwirang opinyon tungkol sa mahahalagang pagdedesisyon.

III. IBA’T IBANG SISTEMANG PANG-EKONOMIYA


A. TRADITIONAL ECONOMY  nakabatay sa tradisyon, kultura at paniniwala
 producer at the same time ay consumer ang isang tao
B. COMMAND ECONOMY  nasa ilalim ng komprehensibo o malawakang kontrol at regulasyon ng
pamahalaan
C. MIXED ECONOMY  pagsasanib o kombinasyon ng command at market economy.
Hinahayaan dito ang malayang pagkilos ng pamilihan subalit maaaring
manghimasok o makialam ang pamahalaan sa usaping nauukol sa pangangalaga ng
kalikasan, katarungang panlipunan, at pagmamay-ari ng estado.
D. MARKET ECONOMY  ang bawat kalahok- konsyumer at prodyuser ay kumikilos alinsunod sa kanilang
pansariling interes na makakuha ng malaking pakinabang
E. ALOKASYON  mekanismo ng pamamahagi ng mga pinagkukunang-yaman.
F. PAMAHALAAN isang organisasyon na may kapangyarihang gumawa at magpatupad ng mga batas para
sa kanyang nasasakupan
nagbibigay ng mga pangangailangan at nagpapasya para sa kanilang mga mamamayan
Ang terminong "pamahalaan" ay nag-ugat mula sa salitang “bahala” na may
kahulugang “pag-aako o responsabilidad", na dinagdagan ng mga panlapi.
IV. MGA SALIK NG PRODUKSYON 2
A. LUPA  tumutukoy sa tinataniman ng mga magsasaka o pinagtatayuan ng bahay
 kasama rin dito ang lahat ng yamang-likas sa ibabaw at ilalim nito, pati ang mga yamang- tubig,
yamang- mineral, at yamang-gubat
 ito ay fixed o takda ang bilang
 Malaki man o maliit ang sukat nito, kailangang tiyakin ang pagkakaroon ng produktibong
paggamit.
B. PAGGAWA  transpormasyon ng mga hilaw na materyales upang makabuo ng tapos na produkto
(finished product) o serbisyo sa tulong ng mga manggagawa
 WHITE COLLAR JOB  manggagawang may kakayahang mental_gumagamit ng kanilang isip,
kaysa sa lakas ng katawan sa paggawa (doctor, teacher, lawyer atbp.)
 BLUE COLLAR JOB  manggagawang may kakayahang pisikal ang gumagamit naman ng lakas ng
katawan, kaysa sa isip sa paggawa (drayber, magsasaka, karpintero atbp.)
C. KAPITAL  tumutukoy sa kalakal na nakalilikha ng iba pang produkto
 makinarya o kasangkapang gagamitin ang mga manggagawa, salapi at imprastruktura tulad
ng mga gusali, kalsada, tulay, pati na ang mga sasakyan
 Ang dolyar ay puhunan naman upang bumili ng kalakal sa labas ng bansa.
 Ang kabayaran sa paggamit ng kapital sa proseso ng produksyon ay tinatawag na interes.
D. ENTREPRENEURSHIP  tumutukoy sa kakayahan at kagustuhan ng isang tao na magsimula ng isang
negosyo
 Siya rin ang nag-oorganisa, nagkokontrol at nakikipagsapalaran sa mga desisyon
sa mga bagay na makaaapekto sa produksyon.
 taglay niya ang pag-iisip na maging malikhain (creative), puno ng inobasyon
(innovative) at handa sa pagbabago (dynamic & risk-taker).
 PROFIT o TUBO - tumutukoy sa kita ng isang entrepreneur
OUTPUT  Finished product o tapos na produkto
INPUT  mga produktong ginagamit o pinagsasama upang makalikha ng panibagong produkto

V. MGA SALIK NA NAKAAAPEKTO SA PAGKONSUMO


A. PAGBABAGO NG PRESYO  mababang presyo = mataas na pagkonsumo
 mataas na presyo = mababang pagkonsumo
B. KITA  malaking kita = malaki ang kakayahan sa pagkonsumo ng mga produkto at serbisyo
 maliit n akita = kaunti ang kakayahan sa pagkonsumo
C. MGA INAASAHAN  halimbawa: Parating na ang pasko, ang mga presyo ng bilihin sa Disyembre ay
tataas dahil sa maramihang pagkonsumo ng mga produkto at serbisyo. Ang mga
tao ay bibili na agad ng mga produkto at serbisyo sa buwan ng Nobyembre upang makatipid.
D. PAGKAKAUTANG  maraming utang = kaunting kakayahan sa pagkonsumo
 walang utang = mataas ang kakayahan sa pagkonsumo
E. DEMONSTRATION EFFECT  Ginagaya ng mga tao ang kanilang nakikita, naririnig, at napapanood sa
iba’t ibang uri ng media kaya naman tumataas ang pagkonsumo dahil sa nasabing salik.

URI NG PAGKONSUMO:
1. TUWIRAN O DIREKTA  pagbili at paggamit ng produkto at serbisyo na agarang natatamo
ang kasiyahan at kapakinabangan
2. PRODUKTIBO  pagbili ng produkto upang gamitin sa paglikha ng iba pang produkto o serbisyo
3. MAAKSAYA  pagbili at paggamit ng produkto na hindi tumutugon sa pangangailangan ng
mamimili at hindi nagdudulot ng kasiyahan sa kanya.
4. MAPANGANIB  pagkonsumo ng mga bagay na maaaring magdulot ng sakit at perwisyo sa tao

 PAGKONSUMO  pagbili at paggamit ng mga produkto upang matugunan ang mga pangangailangan at
matamo ng tao ang kasiyahan
 BANDWAGON  Ang pamamaraan ng pag-aanunsyo na nagpapakita ng dami ng tao na tumatangkilik sa
produkto.
 ADAM SMITH (“An Inquiry into the Nature and Causes of the Wealth of Nations,” ang pangunahing
layunin ng produksiyon ay ang pagkonsumo ng mga tao)

VI. PAGKONSUMO: KARAPATAN AT GAWAIN NG MAMIMILI


A. BATAS REPUBLIKA  Batas sa Pilipinas na nilikha o nagmula sa kongreso at nilagdaan ng Pangulo.
B. SUGGESTED RETAIL PRICE  Presyong itinakda ng mga gumawa ng produkto.
C. KARAPATAN NG MAMIMILI
1. Karapatan sa mga Pangunahing Pangangailangan 3
2. Karapatan sa Kaligtasan
3. Karapatan sa Kaligtasan
4. Karapatang Pumili
5. Karapatang Dinggin
6. Karapatang Bayaran at Tumabasan sa Ano mang kapinsalaan
7. Karapatan sa Pagtuturo Tungkol sa Pagiging Matalinong Mamimili
8. Karapatan sa Malinis na Kapaligiran

D. MGA GAMPANIN NG MAMIMILI


1. Pagiging mulat, mapagmasid at alerto 4. Pangangalaga sa kapaligiran
2. Pagkilos at pagbabantay 5. Pagmamalasakit na panlipunan
3. Pagkakaisa

E. MGA BATAS NA NAGPOPROTEKTA SA MAMIMILI


1. Batas Republika Blg. 7394- Consumer Act of the Philippines  proteksyon ng mga mamimili
2. Batas Republika Blg. 7581- Price Act  paglalagay ng pamahalaan ng tiyak na presyo
3. Batas Republika Blg. 71- Price tag pananda na ikinakabit sa mga produkto upang malaman ang
presyo nito ; marka ; gabay ng mamimili
4. Batas Republika Blg. 3740 (Batas sa pag- aanunsiyo)  proteksiyon sa mga mamimili laban sa mga
huwad na promosyon o mapanlinlang na anunsyo
5. Batas Republika Blg. 6657 (Generics Act of 1988)  nagtataguyod, naghihikayat, at nag-uutos sa
paggamit ng generic name sa pag-aangkat, pagmamanupaktura,
pamamahagi, pag-aanunsiyo at pagrereserba ng mga gamot
6. Artikulo 1546- Kodigo Sibil ng Pilipinas (Batas sa Pagbebenta)  Ang sira, depektibo, at pinsala ng
mga produkto ay hindi dapat itago sa mamimili
7. Artikulo 188 Binagong Kodigo Penal (Batas ng trademark)  Mahigpit na ipinagbabawal ng batas na
ito ang panggagaya o paggamit ng tatak, lalagyan at pambalot, at
pangalan ng mga rehistradong produkto at kompanya.
8. Artikulo 2187- Kodigo sibil ng Pilipinas (Batas sa Extra Contractual Obligation)  ipinatutupad ang
paglalagay ng expiration date sa lahat ng produkto

F. CONSUMER PROTECTION AGENCIES


1. Bureau of Food and Drugs (BFAD)  Tumatanggap sa mga reklamo hinggil sa hinaluan /
pinagbabawal/ maling etiketa ng gamot, pagkain, pabango, at make-up.
2. City/ Provincial / Municipal Treasurer  Tumatanggap ng mga reklamo ng mga konsyumer ukol sa
madayang timbangan (Tampered), pagbebenta ng double dead na karne, at
panloloko ng mga nagtitinda. Binubuo din ito ng mga grupo na nagmo-monitor
ng presyo ng mga produkto at serbisyo.
3. Department of Trade and Industry (DTI)  Tumatanggap ng reklamo hinggil sa paglabag sa batas
kalakalan at industriya – maling etiketa ng mga produkto, madaya,
mapanlinlang, pang-aabuso, at katiwalian na ginawa ng mga negosyante.
4. Energy Regulatory Commission (ERC)  – Tumatanggap ng reklamo laban sa pagbebenta ng di-
wastong sukat o timbang ng mga gasolinahan at mga mangangalakal ng
Liquified Petroleum Gas.
5. Environmental Management Bureau (DENR-EMB)  Namamahala sa pangangalaga sa kapaligiran
(halimbawa ay pagsalaula sa hangin at tubig).
6. Fertilizer and Pesticide Authority (FPA)  Tumataggap ng reklamo hinggil sa hinaluan /
pinagbabawal/ maling etiketa ng pamatay –insekto at pamatay – salot.
7. Housing and Land Use Regulatory Board (HLURB)  Nangangalaga sa mga bumibili ng bahay at
lupa pati na rin ang mga subdibisyon.
8. Insurance Commission  Tumatanggap ng reklamo hinggil sa hindi pagbabayad ng kabayaran ng
seguro.
9. Philippine Overseas Employment Administration (POEA)  Tumatanggap ng reklamo laban sa
illegal recruitment activities.
10. Professional Regulatory Commission (PRC)  Tumatanggap ng reklamo hinggil sa mga hindi
matapat na pagsasagawa ng propesyon kabilang na ang mga accountant,
doctor, engineer, atbp.
11. Securities and Exchange Commission (SEC)  Tumatanggap ng reklamo hinggil sa paglabag sa
binagong Securities Act tulad ng pyramiding na gawain

(Pinagkunan: Bernard R. Balitao et al., Ekonomiks: Araling Panlipunan Modyul para sa Mag-aaral Unang Edisyon, Quezon City: Department of Education Vibal Publishing House Inc., 2015.)
MA. JONA GRACE S. NALE – GURO SA ARALING PANLIPUNAN

You might also like