Professional Documents
Culture Documents
Komunikasyon
Komunikasyon
DALUBWIKA
Emmert at Donagby, 1981 - Sistema ng mga sagisag na binubuo ng mga tunog o kaya ay pasulat na
mga titik na iniuugnay natin sa mga kahulugang nais nating ipabatid sa ibang tao.
Henry Gleason, 1988 - Sistematikong balangkas ng mga sinasalitang tunog na pinipili at isinasaayos
sa parang arbitraryo upang magamit ng mga taong kabilang sa isang kultura.
Bloch at Trager, 1942; Peng, 2005- Sistema ng arbitraryong pagpapakahulugan sa tunog at
simbolo, kodipikadong paraan ng pagsulat, at sa pahiwatig ng galaw o kilos ng tao na ginagamit sa
komunikasyon.
Salazar, 1996- Nagsisilbing impukan-hanguan at daluyan ng kultura.
Romeo Dizon -Midyum ng pag-iisip at komunikasyon sa proseso ng buhay panlipunan.
Constantino, 1996- Pangunahing instrumento ng komunikasyong panlipunan; sa pamamagitan
nito ay maaaring matamo ng tao ang mga instrumental at sentimental niyang pangangailangan.
KATANGIAN NG WIKA
May masistemang balangkas – may prosesong sinusunod.
Sinasalitang tunog dahil ito ay binubuo ng mga tunog. Upang magamit nang mabuti ang wika,
kailangang maipagsama-sama ang mga binibigkas na tunog upang makalikha ng mga salita
Arbitraryo. Lahat ng wika ay napagkakasunduan ng mga gumagamit nito. Alam ng mga Ilokano na
kapag sinabing [balay], bahay ang tinutukoy nito. Sa Chavacano naman ay [casa] kapag nais
tukuyin ang bahay at [bay] naman sa Tausug samantalang [house] sa Ingles.
Pinipili at isinasaayos dahil ang wika ay may kakanyahan. Lahat ng wika ay may sariling set ng
palatunugan, leksikon at istrukturang panggramatika. May katangian ang isang wika na komon sa
ibang wika samantalang may katangian namang natatangi sa bawat wika.
Buhay/Dinamiko - Buhay ang wika ay patuloy na nagbabago, nadaragdagan at nalilinang.
Topi Omoniyi, 2010 – wikang sama-samang itinaguyod ng mga mamamayan sa isang bansa upang
magsilbing simbolo ng kanilang pagkakakilanan.
Ang pinakamalawak na gamitin o lingua franca ng mga mamamayan.
Kinkilala at ginagamit ng higit ng nakararami sa pamayanan o ng isang bansa.
Madalas ginagamit sa paaralan, opisina, pampublikong lugar at sa mga tanggapan ng
pamahalaan.
Halimbawa: Filpino = Pilipinas; Pranses = Pransya; Ingles = Amerika
Isinasaad sa probisyong pangwika ng Artikulo XIV, Seksyon 6 ng Saligang Batas ng 1987:
Ang pambansang wika ng Pilipinas ay Filipino. Samantalang nililnang, ito ay dapat na
payabungin at pagyamanin pa salig sa umiiral na mga wika ng Pilipinas at sa iba pang mga wika.
WIKANG PANTURO
Opisyal na wikang gamit sa klase at talakayang guro-estudyante.
Ginagamit sa mga sa mga aklat pangwika sa paaralan.
Wikang mabisa sa pagkatuto ng mga mag-aaral sa iba’t ibang asignatura sa paaralan.
Halimbawa: Ingles sa pagtuturo ng Agham at Teknolohiya
Filipino sa pagtuturo ng Wika at Panitikan sa Pilipinas.
Batay sa Revised Education program 1957:
Ang mga katutubong wika (unang wika ng mga estudyante) ang gagamiting wikang panturo
ng iba’t ibang asignatura sa Baitang 1 at 2. Ituturo ang Ingles bilang hiwalay na asignatura simula
Baitang 3. Gagamiting pantulong na wikang panturo ang mga katutubong wika sa Baitang 3 at 4.
Gagamiting pantulong na wikang panturo ang wikang pambansa sa Baitang 5 at 6.
WIKANG OPISYAL
Lalo pang pinagtibay ang katayuann ng Filipino sa naunang probisyon. Ayon sa Artikulo XIV,
Seksyon 6 ng nasabing konstitusyon:
Alinsunod ng mga tadhana ng batas at sang-ayon sa nararapat na maaring ipasya ng
Kongreso, dapat magsagawa ng hakbangin ang Pamahalaan upang ibunsod at puspusang itaguyod
ang paggamit ng Filipino bilang midyum ng opisyal na komunikasyon at bilang wika ng pagtuturo
sa sistemang pang-edukasyon.
BILINGGUWALISMO
Malawakang gamit ng dalawang wika sa pagpapahayag.
Bloomfield, 1993 - Pagkontrol sa dalawang wika na para bang katutubong nagsasalita ng dalawang
wikang ito .
Colin Baker, 2011 -Mahirap hulihin at talagang imposibleng masabi kung sino ang bilingguwal at
sino ang hindi .
Ayon sa Kautusang Pangkagawaran Blg. 52, s.1987:
Ang Patakaran sa Edukasyong Bilingguwal ay naglalayong makapagtamo ng kahusayan sa
Filipino at Ingles sa antas pambansa, sa pmamagitan ng pagtuturo ng dalwang wikang ito at sa
paggamit nito bilang midyum ng pagtuturo sa lahat ng antas. Ang mga wikang panrehiyon ay
gagamiting pantulong na mga wika sa Baitang 1 at 2. Ang aspirasyon ng bansang Pilipino ay
makapag-angkin ang mga mamamayan nito ng kasanayan sa Filipino upang makapagpanuparan
ng kanilang mga gampanin at tungkulin bilang mga mamamayang Pilipino at sa Ingles upang
makatugon sa mga pangangailangan ng vayan sa komunidad ng mga bansa.
MULTILINGGUWALISMO
Register/Baryasyon ng Wika
Rehistro ng Wika
Natatanging wikang gamit sa tiyak na konteksto. Maaari itong sitwasyunal, okupasyunal, at topikal.
Static Register – Bibihirang istilo ng wika dahil piling sitwasyon lamang ang ginagamitan.
(Panunumpa sa Husgado, Mga Pagsasabatas, Pananalita ng mga Magsisipagtapos, atbp.)
Formal Register – Ang wikang ginagamit sa ganitong sitwasyon ay isahang-daan na daluyan
lamang (one-way). Kadalasang impersonal. (Pagtatalumpati, Homilya, Deklarasyon atbp.)
Consultative Register – Wikang may pamantayan. Ang mga gumagamit ng wikang nasa ganitong
sitwasyon ay katanggap-tanggap para sa magkabilang panig ng struktura ng komunikasyon. (sa
pag-uusap sa pagitan ng doktor at pasyente, guro at mag-aaral, abogado at kliyente, atbp.)
Casual Register – Impormal na wika na kadalasang ginagamit sa malalapit na kakilala o kaibigan.
Ang pagbibiro at paglolokohan o paggamit ng mga koda / pananagisag ay normal. Ito ay wika ng
isang pangkat, kinakailangang kabilang ka sa grupo upang makakonekta sa usapan.
Intimate Register – Pangpribadong pakikipag-usap. Ito ay limitado lamang sa mga matatalik na
kasama sa bahay o espesyal na tao sa buhay. (Usapang mag-asawa, magkasintahan, magkapatid,
mag-ina o mag-ama, atbp.)
Homogenous na Wika
Heterogenous na Wika
Lingguwistikong Komunidad
Ang wika ay ginagamit sa komunikasyon at ito ang dahilan upang makapag-ugnayan ang bawat
isa.
Nagkakaroon ng panlipunang dimensyon ang wika dahil napagsasama sama nito ang mga tao
upang makabuo ng komunidad tungo sa pagtupad ng tungkulin, pagkilos at kolektibong ugnayan
sa ikauunlad ng bawat isa.
Unang wika
Anumang bagong wikang natutuhan ng isang tao matapos niyang matutuhan ang unang
wika (Saville-Troike, 2006).
Isang opisyal na wika o wikang namamayani sa lipunan na gamit sa pag-aaral, trabaho at
anupamang mahalagang pangangailangan.
Maituturing ring ikalawang wika ang dayuhang wika, bagama’t hindi laganap na ginagamit sa
lipunan ay pinag-aaralan dahil kakailanganin sa paglalakbay sa ibang bansa o bayan, o sa
anupamang sitwasyon na hihingin ang pakikipag-usap sa isang taong may ibang lahi.
Wikang Rehiyunal
Nakabatay sa lingua franca ng mga mamamayan sa isang rehiyon. (Ilokano sa rehiyong
Kailokanuhan-Isabela, Cagayan, Batanes, Nueva Ecija, Nueva Vizcaya, at Ilocos S/N)
Lalawiganin
Taguri sa wika ng probinsya. (Bulakeño, Pampangeño, Caviteño, Zamboangueño, Davaoueño)
Wikang Pampanitikan
Kadalasang gumagamit ng mga tayutay upang maging iba sa karaniwan.
Pabalbal o Kolokyal
Karaniwan at impormal na wika kadalasang sa kalye lamang naririnig.
Teknikal na Wika
Kadalasang ginagamit sa larangan ng agham at matematika, teknolohiya at wikang cybernetics.
Patay na wika
Isang epekto ng pagkakaroon ng dayalek-ang pag-split ng isang wika-ang pagkawala o
pagkamatay ng isang dayalek dahil hindi na ito ginagamit. Namamatay ang isang wika dahil
meron itong kapalit na wikang mas pinapaboran ng mga myembro ng komunidad.
Pidgin at creole
Kung maaaring mamatay ang wika, nangyayari din na may nalilinang na bagong wika.
Karaniwang nangyayari ito kung saan hindi lang isang wika ang sinasalita. Pidgin ang tawag sa
proseso ng pagbuo ng paulit-ulit at panggagaya na kahit mali mali, hanggang magkaintindihan
ito. Creole naman ang tawag sa wikang nadedebelop sa isang pidgin at nagiging unang wika ng
isang lugar.
Dayalek
Taguri sa wikang ginagamit ng mga etnolinggwistikong grupo. (Bisaya-Cebu, Tagalog-Bulacan,
Ilokano-La Union, Kapampangan-Nueva Ecija, Bikolano-Naga, Pangasinense-Benguet)
Tinutukoy nito ang pagkakapareho o pagkakaiba ng mga tao sa isang bansa ayon sa kultura.
Maaaring ituring na kasapi ng isang partikular na grupong etnolinggwistiko ang mga tao kung
sila ay kabilang o nararamdaman nilang kabilang sila sa isang kabuuan.
Basehan nito ay pagkakaroon ng kapareho sa wika , pinaggalingan , pag-unlad na
pangkasaysayan , mga tradisyon at paniniwala , at iba pang salik na nagbibigay-hugis sa
kulturang taglay ng nasabing grupo .
Idyolek
Ang katangi-tanging pananalita ng isang tao, kaugnay sa kanyang pinagmulang dayalektong
sinasalita. (puntô o pagbuo ng pangungusap)
Tinatawag na Idyolek ang kabuuang katangian at kagawian sa pagsasalita ng isang indibidwal. Ang
variant o mga linggwistik na katangian ng isang idyolek sa isang linguistic-community ay di kasing
laganap sa mga variant na ginagamit ng geographic dialect o ng sosyolek. Dahil gamit lamang ang
mga ito ng indibidwal.