You are on page 1of 1

Ang Manok at ang Bayawak

Isang umaga ay maagang nagtungo si Aling Manok sa tabi ng sapa. Maraming kangkong doon at
alam niyang mabuting pampalakas ng katawan ang usbong ng kangkong. Payapang-payapa si Aling
Manok sa pangunguha niya ng usbog nang makaramdam siya ng marahang kaluskos sa dakong likuran.
Nang akmang sasagpangin na siya ng Bayawak ay nagawang makatakbo ni Aling Manok kaya nakaligtas
siya kay Bayawak. Ngunit nang makarating sa bahay ay nakalawit ang kanyang dila sa hingal at
maputlang-maputla siya sa takot.
“Muntik na akong mapatay ni Bayawak”, ang wika ni Aling Manok, “Mabuti na lamang at
nakaligtas ako.” Takang-taka si Sisiw sa nakitang takot ng kanyang ina. Isa-isa niyang nalaman na bukod
pa kay Lawin at Manok Uwak ay may Bayawak pa na dapat nilang katakutan. “Bakit kaya natatakot sa
Bayawak na iyan ang aking ina, Tandang?” ang tanong ni Sisiw sa nanliligaw sa kanyang kapatid. “Aba,
talaga? Kung ako nga’y takot din sa Bayawak na ‘yan.
Si Landong Bayawak ang nakapatay sa aking kapatid na dalawang beses nang nanalo sa sabong.”
Isang hapon ay magkakasama ang mag-iina sa tabi ng sapa na malayo sa kinakitaan ni Aling Manok kay
Bayawak. Maraming pagkaing natagpuan ang mga sisiw kaya magkakaingay sila sa pag-aagawan. Hindi
tuloy napansin ni Aling Manok ang marahang kaluskos mula sa isang malagong puno ng akasya sa tabi
niya. Ngunit sa halip na magtatakbo si Aling Manok ay nanlaban ito kay Bayawak.
Pinagtutuka niya ang Bayawak sa mukha hanggang sa matakt na rin ito at tumakbo palayo. Nang
nasa bahay na si Aling Manok ay saka ito nilagnat sa takot. Ngunit tuwang-tuwa at nagmamalaki si Sisiw
nang dumating si Tandang. “Tandang,” ang wika ni Sisiw, “dahil sa amin ay lalaban pala ng Patayan ang
aming mahal na ina.” Mula sa itong araw si Sisiw ay nagging malakas para sa kanyang ina.
“Sa palagay ko, hindi nakin makikita si Bayawak.” sabi ni Sisiw sa kanyang sarili.

ARAL
Kayang gawin ng isang ina ang lahat para sa kabutihan at kaligtasan ng anak.

You might also like