You are on page 1of 2

Dynamics of Filipino Project Teams

MAKATUTULONG

Sabihin mo ang alám mo. Kung sakaling ikáw lang ang nakáaalám at hindî mo
sasabihin, paano malalaman ng pangkát?

SAGABAL

Magandáng Asal sa Pakíkipagtalastasan


 
1. Pumasok sa talastasan upang a) matuto sa ibá at b) ibahagì sa ibá ang iyóng
nalalaman. Ang talastasan ay pakíkipagpalitan ng kaalaman.
 
2. Sumali lamang kung mahinahon ang pakiramdám. Kung galít, huwág sumali;
magpalipas muna ng galit, at saka lamang noón bumalík sa talastasan.
 
3. Manatiling magalang. Huwág pag-usapan ang katauhan ng mga katalastás.
 
4. Itutok ang usapan sa a) paksâ, b) sa katibayan o ebidensya, o c) sa guhit o linya ng
pangangatuwiran.
 
5. Sabihin mo ang alám mo. Kung sakaling ikáw lang ang nakáaalám at hindî mo
sasabihin, paano malalaman ng pangkát? Gayonpamán, huwág magsalitâ, kung hindî
alám.
 
6. Itó ang tamang damdamin: "Nariníg ko ang sinabi mo. Bagamát dî akó sang-ayon,
iginagalang ko ang karapatan mong iyón ang paniwalaan mo."
 
7. Iwasan ang sarkasmo (= kabaliktarán ang kahulugán ng sinasabi).
 
8. Ayos lang na sabihin ang sumusunód:
"Ganoón ngâ ba?
"Ganiyán palá sa palagáy mo."
 
9. Iwasan ang mga sumusunód na pangungusap:
"Hayán ka na namán."
"Bingí ka ba?"
 
10. Ipagpatuloy ang talastasan habang sumusulong; itigil na kung umiikot lamang o
hindî na sumusulong. Magpaalam nang magalang. Magpasalamat sa mga kausap.

Meta-tanóng:
Mayrón ka bang alám na dapat kong itanóng sa iyó?

Kung ikáw akó, anó ang itatanóng mo sa akin ?

Sa halíp na sabihing : gawín mo itó,


itanóng : « Anó kayâ kung gagawín itó ? »

You might also like