You are on page 1of 2

PAGSULAT

❖ Pagsasalin sa papel o sa anumang kasangkapang maaaring magamit na


mapagsalinan ng mga nabuong salita, simbolo at ilustrasyon ng isang tao o mga
tao sa layuning magpahayag ng kaniya o kanilang isipan. (Bernales, et al., 2001)
❖ Paraang pasalin na may ginagamit na kasangkapan at simbolo upang
maipaliwanag ang damdamin o saloobin ng isang tao.
❖ Paraang pasalin na may ginagamit na kasangkapan at simbolo upang
maipaliwanag ang damdamin o saloobin ng isang tao.

MGA URI PAGSULAT


1. TEKNIKAL
❖ Pagsulat nang may espisipikong grupo ng tao, samakatuwid ito ay
espesyalisado.
2. JOURNALISTIK
❖ Paghahayag ng mga nangyayari o maaaring personal na karanasan o
pampahayagan.
3. REPERENSYAL
❖ Pagsulat nang may mahaba at matinding pananaliksik at ng mga ulat
batay sa eksperimento.
4. MALIKHAIN
❖ Ginagamitan ng imahinasyon ng manunulat upang maialahad o
maisalaysay, o mailarawan ang kalagayang panlipunan o buhay ng tao.
5. AKADEMIK
❖ Sulating ginagawa sa paaralan.

AKADEMIKONG PAGSULAT
❖ Ayon sa Merriam Webster Dictionary ang salitang akademik ay
nangangahulugang kursong pinag-aaralan sa paaralan, at ang salitang
pagsulat naman ay paraan ng paggamit ng mga salita upang ipahayag
ang ideya, impormasyon at mga opinyon.
❖ Ito ay ginagawa ng isang indibidwal na iskolar sa pamamagitan ng
pagsulat mula sa akademikong institusyon.
HALIMBAWA NG AKADEMIKONG SULATIN

Pamanahong Papel Konseptong Papel


Thesis Disertasyon
Panunuring Pampanitikang Gawain Pasasaling - wika
Aklat Artikulo
Bibliyograpiya

Kasama rin ang posisyong papel, sintesis, bionote, panukalang


proyekto, talumpati, katitikan ng pulong, replektibong sanaysay, agenda,
pictorial essay, lakbay-sanaysay at abstrak.

You might also like