Professional Documents
Culture Documents
Esp 9
Esp 9
Department of Education
REGION X – NORTHERN MINDANAO
DIVISION OF MISAMIS ORIENTAL
TAWANTAWAN INTEGRATED SCHOOL
Unang Pagsusulit
EDUKASYON SA PAGPAPAKATAO 9
9. Misyon ng tao ang pagpananatili ng kabutihang panlahat. Alin ditto ang hindi totoo?
A. Ang pangunahing karapatang pantao ay nararapat na mapangalagaan.
B. Ang indibidwalismo o ang paggawa ng tao ng kaniyang personal na naisin.
C. Ang bawat indibidwal ay nararapat mapaunlad patungo sa kaniyang kaganapan.
D. Ang lahat ng tao ay dapat na mabigyan ng pagkakataong makakilos nang malaya.
10. Ano ang pinakamabisang solusyon sa problema ng kahirapan?
A. Education for All (EFA)
B. Sagip Kapamilya Foundation (SKF)
C. Pantawid Pamilyang Pilipino Program (4P’s)
D. Philippine Health Insurance Corporation (Phil. Health)
11. Ano ang ibig sabihin ng “Ang pamamahala ay isang kaloob ng tiwala ng mga tao”
A. Inaasahan ng mga tao na ang pinuno ay mahusay sa pangangasiwa sa pamayanan.
B. Inaasahan ng mga tao na tugunan ng pinuno ang kanilang mga pangangailangan.
C. Inaasahan ng mga tao na magawa ng pinuno ang pampulitikal na tungkulin nito.
D. Inaasahan ng mga tao na pagsilbihan ang namumuno sa pamayanan
12. Ano ang tawag sa pag-iingat sa ugnayang pamayanan at pagpapalawig ng tagumpay ng lipunan?
A. Kapuso
B. Relasyon
C. Pakikisama
D. Kabutihang panlahat
13. Ang pagpapatakbo sa lipunan ay iasa sa mga pinuno. Sang-ayon kaba nito?
A. Oo, dahil ang pamumuno ay isang kaloob na tiwala
B. Oo, dahil alam nila ang sistema tungo sa kabutihang panlahat.
C. Hindi, dahil marami ang may kakayahang mamuno sa lipunan.
D. Hindi, dahil may tungkulin ang mamamayan na makilahok sa gawaing panlipunan.
14. Bakit inihahambing sa isang barkadahan ang lipunan?
A. Dahil hindi magkadugo ang mga kasapi sa lipunan
B. Dahil magkakaibigan ang lahat ng mga mamamayan sa lipunang ito
C. Dahil mahigpit na pinagbubuklod ng kultura ang mga mamamayan nito
D. Dahil may pagsaalang-alang ito sa kabutihan ng lahat ng miyembro nito
15. Bilang isang pinuno, ninanais mapangalagaan ni Mayor Ocampo ang kasaysayan ng kanilang
lungsod. Ano ang nararapa niyang gawin?
A. Siguraduhing walang impluwensiya galing sa ibang kultura.
B. Siguraduhing masaya ang mga mamamayan sa bawat araw.
C. Magkaroon ng mahigpit na programa sa pagsunod sa kultura ng lungsod.
D. Magkaroon ng programang tumutugon sa pangangailangan ng mga mamamayan.
16. Bakit mahalaga ang pag-iral ng Prinsipyo ng Pagkakaisa?
A. Upang mabisang maisulong ang pag-unlad ng lipunan
B. Upang mabigyang lunas ang suliranin ng lipunan
C. Upang maisulong ang pagkakaisa ng bansa
D. Upang makatulong sa ibang tao
17. Ang sumusunod ay katangian ng isang pinuno, maliban sa:
A. May matayog na pangarap para sa mamamayan.
B. May matalas na paningin upang makita ang potensyal ng pamayanan.
C. May kakayahang himukin ang mga mamamayan tungo sa isang hangarin.
D. May kasanayan na mapaniniwala ang mga kasapi sa pansariling ninanais.