You are on page 1of 5

Republika ng Pilipinas

Kagawaran ng Edukasyon
Rehiyon VII, Central Visayas
Dibisyon ng Bohol

ARALING PANLIPUNAN 7-(Kasaysayan sa Asya)- DIAGNOSTIC TEST


Panuto: Basahing mabuti ang mga katanungan ,piliin ang tamang sagot at isulat sa inyong
sagutang
papel.

1. Sa heograpiya,mahalagang maunawaan na ang konsepto ng paghahating


panrehiyon ay binubuo ng tao at ang pagkakapareho ng sonang heograpikal at
kultural. Anong aspeto ang bumubuo sa sonang heograpikal at kultural?
A. historikal , kultural at pisikal
B. kultura,kabuhayan at relihiyon
C. pulitika,relihiyon at ekonomiya
D. yamang tao, yamang gubat, at yamang mineral
2. Ang lupain na nalulukuban ng Asya ay nakalatag mula sa Arctic hanggang sa ilalim
ng _______.
A. Antarctic Circle B. Equator C. North Pole D. South Pole
3. Ang mga bansa sa Silangang Asya ay nakapaligid sa Karagatang Pasipiko at iba
pang malalaking anyong tubig,Ano ang karaniwang hanapbuhay ng mga bansang
ito?
A. Pag-aalaga ng hayop B. Pagmamanupaktura C. Pagmimina D.
Pangingisda
4. Masagana sa mga likas na kayamanan ang Hilagang Asya, Anong yamang mineral
mayroon ang lahat ng mga bansa sa rehiyong ito?
A. Ginto, tanso at uranium
B. Karbon, langis at natural gas
C. Natural gas,tingga at tungsten
D. Tanso, phosphate,at natural gas
5. Karamihan sa pamumuhay ng mga Asyano noon ay nakabatay sa uri ng kapaligiran
na kanilang ginagalawan,Ano ang implikasyon ng kapaligiran sa pamumuhay nila?
A. Ang kapaligiran ay may hawak sa kanilang pamumuhay
B. Ang transportasyon ay mahalaga para sa kanilang kabuhayan
C. Ang uri ng kanilang hanapbuhay ay batay sa uri ng kanilang kapaligiran
D. Ang pamumuhay noon ay payak kaya umasa lamang sila sa kapaligiran
6. Sa kasalukuyan, may mga bansa na nagiging maunlad kahit salat sa mga likas na
kayamanan ngunit nangunguna sa industriyalisasyon? Anong bansa ang tinutukoy
nito?
A. Japan B. Korea C. Malaysia D. Pilipinas
7. Ang Balanseng Kalagayang ekolohikal ang hangarin ng bawat tao,ngunit butas na
ang Ozone Layer at umiiral na ang Global Warming. Bilang kabataan,Paano ka
makatulong upang masugpo ang polusyong ito sa Asya?
A. Alagaan ang kapaligiran
B.Magtapon ng basura kahit saan
C. Magtanim at mag-alaga ng mga punong kahoy
D. Tandaan na malupit ang kapaligiran kapag magalit

8. Mahalaga na mapanagalagaan ang ating mga likas na kayamanan dahil __________


A. mapanatiling balanse ang ekolohiya
B. mapalago ang sistemang kabuhayan
C. mapaunlad ang kabihasnang Asyano
D. mayabong at mapasunod ang kultura ng mga Asyano
9. Ang yamang tao ay mahalaga para sa kaunlaran,Ano ang pinakamahalagang
kasangkapan ng tao
upang madaling makamtan ang kaunlaran?
A. Edukasyon B. Kultura C. Relihiyon D. Ekonomiya
10. Isa sa katangian ng mga Asyano na makabangon muli sa mga kasawian,
kapahamakan, o suliraning dumarating sa kanilang buhay ang _________.
A. Bravery B. Perseverance C. Resiliency D. Self Conscious
11. Ang kabihasnan ay pamumuhay na nakagawian at pinipino ng maraming pangkat ng
tao,Ito ay galing sa salitang “BIHASA”,Ano ang ibig sabihin nito?
A. Eksperto o Magaling B. Marunong umangkop C. Matapang D.Mayabang
sa mga hamon 12. Kabilang sa kabihasnan ang pagkakaroon ng organisado at
sentralisadong pamahalaan, masalimuot na relihiyon,espesyalisasyon sa gawaing pang-
ekonomiya at uring panlipunan,Paano ito mapatunayan?
A. may mga pamayanan na sumibol C. may mga kontribusyon na
naiwan
B. watak –watak at lagalag ang mga tao D. walang bakas ng nakaraan
13. Mahalaga ang edukasyon sa pagtamo ng kaunlaran ng mga sinaunang
kabihasnan ,kabilang na dito ang Cunieform, Karakter at Hieroglyphics na halimbawa ng
________.
A. sistema ng pagbabangko B. Sistema ng pagsulat C. Sistema ng ekonomiya D.
Sistema ng wika
14. Naniniwala ang mga Tsino sa kanilang imperyo na ‘’Zhongguo o Gitnang Kaharian” na
ibig sabihin ang kanilang imperyo ang sentro ng daigdig at mga kaganapan,Sa anong
konsepto ang maaring pinagbabatayan ninto?
A. Mandate of Heaven B. Theravada Buddhism C. Sinocentrism D. Devaraja at
Cakravartin
15. May paniniwala ang mga Hapones na banal o sagrado ang kanilang emperador dahil
nito ____;
A. Mabilis ang kaunlaran ng mga Hapones C. Naging mapamahiin sila
B. Naging salat sa pinagkukunang yaman D. walang tiyak na relihiyon sila
16. Sa Kanlurang Asya,ang mga pinunong politikal at panrelihiyon ay may katungkulan na
protektahan ang nasasakupan at palaganapin ang Islam. Ang pinunong tinutukoy nito ay
ang______.
A. Caliph at Sultan B. Mosque at Imam C. Koran at ummah D. Sharia at ulama
17. Ang Taj Mahal ang pinakatanyag sa lahat ng gusali at tinanghal na pinakamaganda sa
buong daigdig na ipinatayo ng mga Mogul.Kanino inihandog ang magarang gusaling ito?
A. pinakamakapangrihang hari ng mga Mogul C. mga magulang ni Haring Akbar
B. paboritong anak ni Shah Jehan D. paboritong asawa ni Shah
Jehan
18. Sa anong rehiyon sa Asya higit na aktibo ang paglahok ng kababaihan sa work force?
A. Kanlurang Asya B. Timog Asya C. Timog Silangang Asya D. Silangang
Asya
19. Ipinagkait ng Buddhism sa mga kababaihan ang _______.
A.pagiging pantay sa mga lalaki C. pagiging mongha
B. pagtamo ng kapayapaan D. pagkaroon ng edukasyon
20.Ang mga Sumerian ay nag-iwan ng maraming mga kontribusyon , isa na nito ang
Sistema ng pagsulat nila na ______________.
A. Hieroglyphics B. Cunieform C. Caligraphy D. Karakter
Basahing mabuti ang pahayag upang masagutan ang tanong sa ibaba nito.
21.
Ang pinakatanyag na akda tungkol sa Asya ay isinulat ni Marco Polo.Siya ay taga- Venice
Italy.Matagal siyang naninirahan sa China at nanungkulan bilang tagapayo ng emperador sa
Dinastiyang Yuan. Nang bumalik siya sa Italy isinulat niya ang isang aklat, “The Travels of Marco
Polo” ang karangyaan at kayamanan ng China. Sa tulong ng kanyang aklat,maraming nabatid ang
mga Kanluranin tungkol sa Asya.
Paano pinalawak ni Marco Polo ang kaalaman ng mga Kanluranin tungkol sa Asya?

Lumikha ng isang pangungusap na nagpapahayag ng iyong tamang sagot batay sa iyong


nabasa.
22. Isang epekto ng kolonyalismo at imperyalismo ay ang pagkakaroon ng lahing
__________ bilang bunga ng pag-aasawa ng mga Kaluranin at mga katutubo.
A. Katutubo B. Mestizo C. Mix Breed D. Dayuhan
23. Ang pananakop ng mga bansang Kanluranin sa mga bansang Asyano ay tinatawag na
_______.
A. Feudalismo B.Imperyalismo C. Kolonyalismo D.
Nasyonalismo
24. Ang Asya ay naging kuhanan ng mga hilaw na materyales at pamilihan ng mga
produktong Kanluranin,umusbong ang sistema ng transportasyon at komunikasyon at
nahati-hati ang rehiyon at nagkaroon ng Fixed Border o takdang hangganan ang teritoryo
ng bawat bansa.Suriin kung ano ang tinutukoy sa pahayag na ito?
A. Dahilan B. Epekto C. Pananaw D. Paraan
25. Nakamtan ng India ang kalayaan at naipahayag ang kanilang nasyonalismo sa
pamamagitan ng pangunahing batayan o salik na ____________.
A. pang-ekonomiya B. pang-politika C. pang-kultura D. pang-
relihiyon
26. Sa Timog Silangan Asya hati ang pamamaraan sa pagkamit ng
nasyonalismo ,mayroong banayad o matahimik na pamamaraan at mayroon ding marahas
na pamamaraan na kung tatawagin ay _____.
A. Resolusyon B. Rebolusyon C. Abstraksyon
D. Dedikasyon
27. Ang naging reaksyon ng mga Asyano sa Kolonyalismo at Imperyalismo ng mga
Kanluranin sa Asya ay ang___________.
A. Feudalismo B.Imperyalismo C. Kolonyalismo D. Nasyonalismo

28. Naging impluwensya ng Unang Digmaang Pandaigdig ang pagbabago ng balance of


power sa Asya.Humina ang mga bansang Europeo at lumakas ang United States at
_____________.
A. Japan B. China C. Saudi Arabia D. Malaysia
29. Hinahangad ng mga kababaihang Asyano ang dalawang anyo ng pantay na
karapatan;karapatang bumoto at karapatang makibahagi sa gawaing pang-
ekonomiya.Anong bansang Asyano na isa sa unang nakatamasa ng karapatan sa pagboto
ang mga kababaihan?
A. India B. Japan C. Malaysia D. Pilipinas
30.Malaki ang impluwensya ng relihiyon sa pamumuhay ng mga tao,Ano ang tawag sa
grupo ng mga radikal na Muslim sa Afghanistan?
A. Shite B. Sunni C. Taliban D. Imam
31.Ang neokolonyalismo ay isang paraan ng kolonyalisasyon kung saan may iba’t-ibang
anyo na naging sanhi ng pagkakaroon ng iba’t-ibang epekto tulad ng Balikatan exercises,
Anu-ano ng mga anyo nito?
A. edukasyon, wika at sining C. relihiyon, sining, at arte
B. militar, pulitika at ekonomiya D. wika, palakasan at relihiyon
32. Malaki ang impluwensya ng relihiyon sa buhay ng tao.Anong bansang Asyano ang
nagpapanatili at nagmamalaki sa mga tradisyon?
A. Japan B. Nepal C. Malaysia D. Saudi Arabia
33. Isa sa naging tugon ng neokolonyalismo ang pag-iral ng kalakalan,Ano ang tawag sa
pakipagkalakan ng mga bansa at pagkaroon ng pandaigdigang ugnayan?
A. Balikatan B. Globalisasyon C. Global Warming D. World Trading
34. Mahalagang kontribusyon ng Pilipinas sa larangan ng palakasan ang pagiging “Gold
Medalist “ ni Hidilyn Diaz sa Tokyo Olympic 2020 sa larangan ng __________.
A. Boxing B. Martial Arts C. Skate Boarding D. Weight Lifting
35. Ang Japan ay isa sa mga bansa sa Silangan Asya na nangunguna sa imbensyon at
industriyalisasyon tulad ng _____.
A. Abaniko B. Business Bag C. Rag D. Rice Cooker
36. Bilang epekto ng neokolonyalismo sa anyong pang-ekonomiya ay nagkaroon ng
malawakang pagbabago tulad ng gamit sa mabilis at makabagong palitan ng
impormasyon na __________.
A. Bedouin B. Internet C. Mahabarata D. Yin at Yan
37. Ano ang bunga ng katiwalian at kawalan ng katatagang pampulitika sa Pilipinas?
A. Bumaba ang tiwala ng mga lokal at dayuhang mamumuhunan sa Pilipinas
B. Dumagsa ang mga dayuhang mamumuhunan sa Pilipinas
C. Dumami ang mga turistang mamumuhunan sa Pilipinas
D. Lumakas ang benta ng mga lokal na negosyante
38. Dulot nang iba’t-ibang ideolohiya nabuo ,nagkaroon ng mga uri ng pamahalaan sa
Asya tulad ng Demokrasya, kung saan nauuri uri ito sa dalawa.Ano ang pagkakauri nito?
A. Direct at Representative C. Traditional at Transitional
B. Direct at Indirect D. Local at Non-Local
39. Sa pagkilala ng mga kababaihan sa lipunan ,marami ang kanilang naging
ambag.Papaano nila ito napatunayan?
A. Naging unang babaing pangulo ng Pilipinas si Corazon Aquino
B. Nagpapatiwakal siya kapag namatay ang kanyang asawa
C. Nagbibigay ng Dote o Dowry sa India
D. Umiiral ang Lotus Feet sa China
40. Ang mga karanasan , kaisipan , relihiyon at pilosopiya ng mga bansang Asyano ay
naging daan sa
pagtatag ng mga kanais- nais na kaugalian tulad ng ___________na may kakayahan
sa pagharap ng
mga hamon at kahirapan sa buhay.
A. Fortitude B. Patience C. Prudence D. Resiliency
DIAGNOSTIC TEST KEY ANSWER ARALING PANLIPUNAN 7
1. A
2. D
3. D
4. B
5. C
6. A
7. C
8. A
9. A
10. C
11. A
12. C
13. B
14. C
15. A
16. A
17. D
18. C
19. A
20. B
21. Napalawak ni Marco Polo ang kaalaman dahil sa pagsulat niya ng isang aklat
22. B
23. C
24. B
25. D
26. B
27. D
28. A
29. D
30. C
31. B
32. A
33. B
34. D
35. D
36. B
37. A
38. A
39. A
40. D

You might also like