You are on page 1of 6

Buwan ng Wika

Programme Script

Aamira: Ang hindi marunong magmahal sa sariling wika ay higit sa hayop at


malansang isda. Kaya ating pagyamaning kusa, gaya ng inang sa atin ay
nagpala.

Angela: Ito ang tanyag na katagang nagmula sa ating pambansang bayani na si Gat
Jose Rizal na nagbigay kahalagahan sa wika sa buhay ng isang tao.

Aamira: Tama ka Angela, ang wika ng isang bansa ay masasabing siyang kaluluwa na
nagbibigay buhay ditto. Ito ang nagsisilbing tulay na nagdurugtong sa mga
komunindad na naninirahan sa isang bansa. Sa pamamagitan ng wika,
nagkakaunawaan at nagkakaisa ang bawat tao.

Angela: Higit sa lahat, nagsisilbi ito bilang ating pagkakilanlan. Dahil ditto ay
nakikita ang iba’t ibang impluwensiya sa bansa na siyang nakapgbabago at
humulma sa pagkatao ng mga mamamayan.

Aamira & Angela: Isang mapagpalang umaga sa inyong lahat at maligayang


panonood ng pagtatapos na padiriwang ng Buwan ng Wikang Pambansa

Aamira: Ngayong ay ating masasaksihan ang isang palatuntunan ng ating paaralan


bilang pag – alala ng Buwan ng Wika.

Na may temang: Filipino at mga Katutubong wika:


Kasangkapan sa pagtuklas at paglikha

Kung saan ang mga mag – aaral ay matiyagang naghanda ng mga


magagandang presentasyon.

Angela: Inaanyayahan po naming ang lahat na tumayo para sa isang panalangin na


pangungunahan ng mga piling mag – aaral sa preschool.
Aamira: At manatiling nakatayo at ating awitin ang pambansang awit ng pilipinas,
Ormoc Hymn, at school hymn.

Angela: Maari na kayong umupo.

Angela: Sa puntong ito, tiyak na mangingibabaw ang mga palakpakan at hiyawan sa


mga iba’t ibang kasuotan na ipapakita nga mga mag –aaral sa Beginner,
Casa at Junior Casa.

Angela at Aamira: Bigyan natin sila ng masigabong palakpakan!


Para sa, PARADA NG KASUOTAN

Aamira: Talagang akoy namangha sa mga kasuotan na ipinakita ng mga mag – aaral
sa preschool.

Angela: Tama ka Jan Aamira. Napaka makulay ng kanilang mga kasuotan.

Aamira: Ngayon ay ating saksisihan at ibang – ibang mga pagtatanghal ng mga mag
– aaral ng San Agustin Schoolyard Montessori.

Angela: Huwag na nating patagalin pa. Mauna na tayo sa Junior Casa na sasayaw ng
“GAWAY – GAWAY”.

Aamira: Ang gaway – gaway isang tanyag na sayaw ng mga Pilipino na nanggaling
sa Jaro Leyte. Sinasayaw ito upang ipagdiwang ang masaganang ani ng
mga pananim. Dinadala ng mga kababihan ang kanilang mga nigo habang
sumasabay sa indak ng musika ng sayaw.

Aamira: Bigyan natin ng masagabong palakpakan ang mga mag-aaral ng Junior


Casa para sa kanilang sariling bersiyon ng Gaway – Gaway.

Angela: Maraming Salamat, Junior Casa.

Angela: PINYAHAN
Ang pinayahan ay isang sayaw ng mga Ormocanon, sinasayaw ito dala-
dala ang mga basket na puno ng pananim upang pasalamat sa isang
masaganang ani.
Bigyan natin ng masigabong palakpakan ang mga mag – aaral sa Senior
Casa para sa kanilang PINYAHAN.

Aamira: BULAKLAKAN
Ang bulaklakan ay tawag sa isang tradisyonal at masayang sayaw ito ay
nagmula sa Katagalugan at bahagi ng Flores de Mayo. Sa ilang lugar, sa
halip na Santakrusan o prusisyon, ay nagtatapos ang pagdiriwang sa isang
kasayahan sa bahay ng hermana mayor. Sa pagkakataong ito sinasayaw
ang bulaklakan.

Bigyan natin ng masigabong palakpakan ang mga mag – aaral sa Grade 1


para sa kanilang. BULAKLAKAN

Angela: PANSATAN
Ang pansatan ay nagmula sa salitang “pansat” na nangangahulugang hipon.
Ang hipon ay isa sa mga saganang produktong pandagat ng Ormoc City.
Ang kulay ng kasuotang sinusuot ay nagpapakita sa kulay ng mmga hipon
kapag luto na. Pinapakita rin nito ang sigla ng mga mangingisda sa
pagkuha ng mga pansat o hipon

Bigyan natin ng masigabong palakpakan ang Grade 2 para sa kanilang


PANSATAN.

Aamira: BINATBATAN
Ang Binatbatan ay isang sayaw na nagmula sa Paoay Ilocos Norte.
Ipanapakita nito ang malakas na paghahampas ng mga bulak upang
humiwalay ang mga buto nito, gamit ang mga mahahabang patpat.

Ating saksihan ang presentasyon na inihanda ng ikatlong baiting ang ,


BINATBATAN

Angela: SUBLI
Ang sublí ay isang uri ng panata ng pasasalamat para sa Mahal na Poong
Santa Krus na, ayon sa isang banggit, ay sinasabing naghimala sa bayan
ng Alitagtag, Batangas.
Palakpakan natin ang ikaapat na baiting para sa kanilang SUBLI.

Aamira: MAGLALATIK
Ang sayaw na máglalatík ay nagmula sa Zapote at Loma ng Biñan,
Laguna. Naglalarawan ito ng labanan ng mga Moro at Espanyol sa
kanilang pag-aagawan sa latik. Gumagamit ng bao ng niyog sa
pagsasayaw nito

Bigyan natin ng masigabong palakpan ang mga mag-aaral sa Ikalimang


Baitang para sa kanilang sayaw na MAGLALATIK.

Angela: SINGKIL
Ang Singkil ay isang tanyag na sayaw na tinatanghal tuwing may
pagdiriwang at mga kapistahan. Ang Singkil ay nagsisilbi bilang isang
patalastas sa kanyang magiging manliligaw ng babae o sa kanyang
mapapangasawa. Marikit na humahakbang paloob at palabas ang
babaeng mananayaw sa nagbabanggaang mga kawayan na nakaayos na
nakahanay, o nakakrus habang ginagamit ang kanyang pamaypay,
panyo o kahit ang kanyang kamay lang.

Maghanda at mamangha sa gagawin ng Ika-anim na baitang para sa


kanilang SINGKIL.

Bigyan natin sila ng masigabong palakpakan

Aamira: Bigyan nating muli ng masigabong palakpakan ang mga mag-aaral ng


San Agustin.

Angela: Talagang napakaganda ng ipinakita ng ating mga kamag –


aral, diba Aamira?
Aamira: Ou Angela, at ipanapakita rin nito ang kangandahan ng
kulturang Pilipino.

Angela: Ngayon naman ay makinig tayo sa isang Pagtatapos na Pananalita ng
ating School Head, Gng. Maria Fatima O. Cauba.

Bigyan po natin siya ng masigabong palakpakan.

Aamira:
Maraming Salamat sa inyong lahat. Binabati namin ang lahat ng nagtaguyod sa
Pagtatapos na Pagdiriwang ng Buwan ng Wika ngayong taon. Gayundin ang mga
mag-aaral ang mga magulang. Kung hindi dahil sa inyo, hindi magiging
matagumpay ang programang ito.

Sabay-Sabay nating Isigaw!

Mabuhay ang mga Pilipino! Mabuhay tayong Lahat!

You might also like