You are on page 1of 1

GAWAIN 5

Pagmamahal at Pangangalaga sa Asya


Isaiah Andrei Abiva AP 7
7-Topaz Mr. Daniel C. Tibar

Ang Asya ay kilala bilang pinakamalaking kontinente sa buong daigdig. Ito ay puno ng iba’t-ibang uri ng hayop,
topograpiya, kultura, bansa, kasaysayan, at likas na yaman. Ang mga ito ang dahilan ng pagsibol ng mga sinaunang
sibilisasyon ng kontinente. Ngunit sa paglipas ng panahon, Ang mga ito ay unti-unting nasisira, nabubura,
nagagamit ng sobra-sobra, at nawawasak. Sa mga paraang ito, nawawala ang kulay at yaman ng kontinente.

Ang Asya ang lupang sinilangan ng mga sinaunang tao sa mundo. Dito sila namuhay ng payapa mula sa kamay ng
mga Europeo. Nagpaunlad ng agrikultura, industriya, at ekonomiya para sa kapakanan ng mga taong kanilang
pinamamahala. Matapos ang isang siglong kasaganaan, Nagsimulang gumamit ang sangkatauhan ng makabagong
teknolohiya para sa mabilis at maginhawang proseso ng pag-unlad.

Nagkaroon ng mga hindi pagkakaunawaan sa pagpapalitan ng likas na yaman sa pagitan ng mga bansa Asya.
Nagresulta ito sa digmaan, pagnanakaw, walang awang pagpaslang, pagbomba, at gulo. Ito ang mga dahilan ng
hindi paggamit sa maayos na paraan ng ating sariling yaman na dapat ay pinapahalagahan. Isa pa ay ang hindi
pagkakaunawaan ng mga kultura. Ito ay dahil sa mga pananaw nila sa buhay o sa kanilang pinaniniwalaan na diyos.
Nagresulta ito sa pamamaril, pagsabog ng mga panrelihiyon na estruktura, at ang pagbuhod at pagagos ng dugo sa
mga kalsada.

Ang mga senyales na ito ang nagpapahayag na kinakailangan nating maibalik ng sigla ng kontinenteng Asya. Isa sa
mga paraan ay ang paggamit ng ating mga likas na yaman sa tamang paraan. Nasa kamay natin kung gagamitin
natin ito ng wasto o hindi. Tayo rin ang maaapektuhan rito. Ito ay sa pamamagitan ng paggamit muli ng ating
ginamit na likas na yaman o “recycle”. Kung gagawin natin ito, Malaki ang ating matitipid at hindi maaapektuhan
ang ibang likas na yaman na hindi pa nagagamit o nabubungkal. Makakatulong rin ito sa proseso ng pagusbong ng
kalikasan.

Isa pa ay ang paggamit ng mga eco-friendly na kagamitan sa pangaraw-araw upang makatipid tayo sa konsumo sa
enerhiya. Sa kalakalan, ito ay pinagpagusapan. Ang makatotohanang parana upang maiwasan ang hindi
pagkakaunawaan ay ang pagtatanggap at ang maayos na pakikipagkapwa. Kung wala nito ang isang bansa,
maghanap sa iba. Hindi natin kinakailangan ipilit ang hindi maaaring gawin o mangyari. Ang mga likas na yaman ay
limitado at matagal itong mabuo.

Sa relihiyon, iba iba ang pananaw ng tao. Ang dapat natin gawin ay umunawa ang tanggapin na walang perpekto sa
mundo at hindi lahat ng tao ay may pare-parehong relihiyon. Maraming relihiyon ang umusbong sa Asya na may
kasaysayan kung bakit ito ginawa at paano ito ginawa. Hindi kailangan na idaan sa madugong paraan ang pag-
uusap. Hindi kinakailangang magalit agad. Sa pamamagitan nito, mapapanatili ang kaayusan ng mga estrukturang
panrelihiyon at ang hangin rin upang hindi ito mahaluaan ng mga masasamang kemikal.

Ang mga halimbawang ito ay nagpapatunay na mapakalikasan o mapakalakalan, kinakailangan natin itong
pagusapan o ayusin sa maayos na paraan. Nanganagilangan ang Asya ng ating tulong upang mapaunlad ito muli
mula sa ating masasamang gawin at hindi maayos na pakikipagusap. Kung hindi tayo kikilos, sino pa. Mayroon
nang mga tala ng pagkamatay ng mga tao sa init o sa mga kalamidad dahil rin ito satin. Ang ating mga aksyon natin
ang magtutukoy ng ating mga landas at ng kontinenteng Asya. Kinakailangan natin itong mahalin na parang isang
tao dahil mayroong lang isang Asya at wala nang iba.

You might also like