You are on page 1of 2

GABAY SA PAGPUPURGA

¨ Ito ay Programa ng DOH sa pakikipag-ugnayan sa DepEd na isinasagawa 2 beses sa isang taon sa mag-aaral
mula Kinder hanggang Grade 12. Ito po ay libre.

¨ Gamot na ginagamit : Albendazole (Pupuksain nito ang mga BULATE sa katawan ng bata.)

¨ Epekto : Mas magiging malusog at magana ang ating mga mag—aaral sapagkat wala ng bulate ang makikihati
sa nutrisyon sa katawan.

Sa pagpupurga kailangang sundin ang mga sumusunod:


1. Huwag magpurga kapag ang bata ay nilalagnat, nagtatae, masakit ang tiyan, inuubo, masama ang pakiramdam,
kakatapos lang magkasakit. (magpalipas ng 2 linggo kung nagkasakit bago magpurga para mabawi muna ang
lakas ng katawan)
2. Huwag magpurga kung may malubhang sakit, kumunsulta muna sa inyong Doktor.
3. Huwag kumain ng maasim o mas maigi kung iiwas muna sa mga pagkaing nagdudulot ng pangangasim ng sikmura
tulad ng softdrinks sa araw ng pagpupurga.Umiwas din muna sa mga nakakapagod na gawain.
3. Bago magpurga dapat nakakain na o may laman ang tiyan.
4. Ugaliing maghugas ng kamay bago isubo ang purga.
5. Nguyain na maigi ang isang tableta ng purga.
6. Sa mga babaeng nagreregla (mens), magpurga pagkatapos ng buwanang dalaw.
7. Magbawas sa palikuran.
PURGAHIN ANG INYONG MGA ANAK UPANG SILA AY MANATILING MALUSOG
m ng sikmura

You might also like