You are on page 1of 1

21 February 2020

MARK MALABANAN
Barangay Sta. Elena
Sto. Tomas, Batangas

Re: Demand Letter

Mr. Malabanan:

Ito ay patungkol sa balanse ng iyong utang sa akin sa halagang


Animnapong libong piso (PHP 60,000.00). Kung iyong matatandaan ay ikaw ay
aking pinautang ko noong nakaraang taon at ngayong taon. Sa total ng iyong
pagkakautang ay mayroon ka pang balanse na nasabing halaga.

Dahil dito ay binibigyan kita ng sampung (10) araw mula sa


pagkatanggap ng sulat na ito upang mabayaraan ang kabuuan ng halaga ng
iyong pagkakautang.

Kung sakaling hindi ka tumugon sa demand letter na ito ay mapipilitan


akong proteksiyunan ang aking interes at ako ay magsasampa ng kaukulang
aksyon laban sa iyo, bukod pa sa paghiling ng mga danyos at bayad sa abugado.

Nawa ay bigyan mong pansin ang abisong ito para makaiwas tayo sa
isang magastos na paglilitis bukod pa sa kahihiyan na maidudulot ng nasabing
mga kaso sa inyo.

Lubos na gumagalang,

ANTHONY D. AUSTRIA

You might also like