You are on page 1of 1

Ang Seklusyon ay isa sa mga hakbang upang maitatag at hamunin ang katatagan ng

pananampalataya ng isang diakono bago maging ganap na pari ng simbahan. Ang


Seklusyon ay ang kwento ng Kristiyanismo na napapaligiran ng pagpuna sa moral,
paniniwala, pananampalataya, tama at mali, at mga mahiwagang himala ng mga huwad
na propeta.Umiikot din ito sa kuwento ng isang diakono na si Miguel kasama ang tatlo
pang ibang diakono na pumasok sa seklusyon upang ilayo ang kanilang mga sarili mula
sa mga temptasyon at tawag ng mga demonyo. Gagawin nila ito sa loob ng pitong araw
kung saan wala silang ibang gagawin kung hindi ang mangilin at mag dasal sa Dyos.
Sa loob ng pitong araw ay nakaranas sila ng pang gagambala, dinadalaw at minumulto
sila ng kanya kanyang mga nakaraang pagkakasala bago nila napag desisyunang ituon
ang kanilang mga sarili sa pagiging tagapag lingkod o instrumento ng Dyos.
Isa pa sa mga hinangaan at nagustuhan ko ay ang mahusay na pagkakabuo ng
disenyo ng produksyon, mula sa mga kasuotan ng mga karakter hanggang sa mga
gusali gaya ng bahay seklusyon, mga simbahan, mga kumbento, hanggang sa mga
baryo at iba pang lugar na kinunan. Mas naramdaman ko sa mga ito ang katandaan,
ang misteryo, at ang pagbabalik tanaw sa nakaraan (1947) na para sa akin ay tunay at
makatotohanan sa pelikulang ito.
Napaka ganda ng pagbibigay kulay sa bawat eksena ng pelikulang ito. Sa mga shots
napaka linis at pulido ng pagkaka-kuha dito. Isang magandang halimbawa ay ang mga
kinuhaang eksena sa mga simbahan, para sa akin napaka “divine” kung titignan ito.
Madilim ang ibang kuha pero sa tingin ko ay pinapanatili lamang ng pelikulang ito ang
pagka misteryoso nitong tema hanggang dulo.

You might also like